22/06/2022
DIREK ROMM BURLAT NAGTAMO NG TATLONG AWARDS KASAMA ANG BEST DIRECTOR OF THE YEAR SA 8th WORLD CLASS EXCELLENCE JAPAN AWARDS
Si Direk Romm Burlat ang tinanghal na Best Director of the Year sa katatapos lang na World Class Excellence Japan Awards na idinaos sa Heritage Hotel noong akinse ng Hunyo.
Dahil sa kanyang obra na “Minsa’y Isang Alitaptap” na kasalukuyang may 54 na awards sa iba’t ibang international film festival, itinanghal si Burlat na Best Director of the Year. Hindi lang yan, iginawad din sa director-actor-TV host ang award na “Hero of the Year” dahil sa kanyang mga makabuluhang proyekto sa mga Home for the Aged, Abandoned Children, Cancer victims, Autism at Street Children.
Ang karangalang ito ay ika 49 na Best Director award ni Burlat. Maliban sa Best Director of the Year at Hero of the Year Humanitarian Award, si Direk Romm din ang tinanghal na Prince of the Night or Best Dressed Male sa gabing yon na dinaluhan din ng mga sikat na artista tulad nila Teresa Loyzaga (Best Actress of the Year), Lovely Rivero (TV Actress of the Year), Jay Manalo (Most Durable Award Winning Actor of the Year), Angelique Lazo (Newscaster of the Year), Aiko Melendez ( Outstanding Actress & Public Servant of the Year), Patricia Javier (Most Empowered Celebrity of the Year) at marami pang iba).