03/07/2024
UPDATE|| Bakit walang vlogs?
hi Ligayas! Long time no update. Pasensiya na po I have to pause posting vlogs or any update dahil sa wala po akong cp na magagamit para magvlog. Para po malaman niyo, ip7 po ang gamit ko na cp at naisipan ko po na mag upgrade ng secondhand para sa pagba-vlog. Sa malungkot palad po, na scam po ako nang dalawang beses kaya at naubos po ang pera na pambili, Hindi ko po kayang ishare kahit sa mga magulang ko at ngayon lang nila malalaman dahil ako rin po sa sarili ko is nadisappoint po ako lalo na nagsisimula palang ako. Naisipan ko po kasi na panoorin ang mga vlogs ko habang hiram ko ang cp ni Mama. Nalungkot ako kasi syempre, namiss ko na rin ang gumawa ng mga videos. Naisip ko rin na marami ata sainyo ang nagtatanong at nagtataka kung bakit bigla po ako nawala(wow sikat hahhaha) pero sa totoo may mga nagppm po sakin bakit di na raw ako nag aupload. Ayoko sana sabihin dahil nakakahiya at baka ano pa isipin ng iba sakin. Pasensiya na po Ligayas, sobrang dinamdam ko po sa sarili ko ang nangyari kaya ngayon lang ako makakapagsabi. Ngayon lang din malalaman ng mga magulang ko ang nangyari na to. Ayoko rin sabihin sakanila kasi ayoko na problemahin nila ang problema ko. Kaya wala po muna tayong vlogs Ligayas ko dahil wala po akong cellphone ngayon at hindi ko pa po alam kung kelan magkakaroon, Salamat po sa pag-unawa. Babalik po ako, antayin niyo po ako. God blesssss!