16/04/2024
TSINELAS | CHAPTER 2
CHAPTER 1
https://www.facebook.com/61557535976854/posts/122117955614251199/?app=fbl
“anisa pumunta ka muna sa kwarto mo.” bulong saakin ni omie, napansin niya sigurong hindi ako komportable.
paano naman kasi ako makokomportable kong nandito ang A***n nato, tapos pinagtatawanan pa nila ‘ko.
“sige po.” pumunta ako sa aking kwarto at humiga, iniisip kung ano bang mangyayare.
dahil sa lalim nang iniisip ko ay nakatulog ako, nagising lamang ako dahil sa katok ni omie sa aking pintuan.
“ano pong kailangan niyo omie?” tanong ko sakaniya ng makaupo ito sa higaan ko.
“anong sagot mo sa proposal ni A***n? ayos lang ba sayong makasal sakaniya.” tanong ni omie saakin, hindi ko alam kung anong isasagot ko.
sa tuwing may mag aalok saakin ng kasal ay tinatanggihan ko ito ngunit nagalit saakin si abie dahil bakit ko daw ito tinatanggihan, ang sabi ko sakanila ay hindi pa ako ready.
ngunit ang naging sagot lang saakin ni abie ay “baka pag ready ka na ay wala nang gustong magpakasal sayo, hindi dahil sa hindi ka ready kaya ayaw mong magpakasal. ayaw mo lang talaga.”
“mabuting bata si A***n, kung ako ang tatanungin, gusto kong maikasal ka sakaniya.” dagdag pa ni omie. “nakapagtapos siya ng kuliya at naisaulo din niya ang quran, magiging mabuti siyang asawa sayo, sigurado ako don.” ani pa niya.
‘mothers know the best’ isang sikat na kasabihan, naniniwala ako sa kasabihang yan kaya naman sinunod ko ang mga payo ni omie. pumayag akong magpakasal kay A***n.
–––
“mubarak anisa, anak ko.” nakangiti na parang nangingiyak na ani ni omie, nakangiti din si abie sa tabi niya habang nagpipigil ng luha.
lahat silang bumisita sa bahay namin ay nakangiti at masaya, puno ng kasiyahan ngayon ang bagong tirahan ko kasama si A***n, pero ito ako nakasimangot, hindi dahil sa galit ako kundi dahil natatakot ako.
“omie umuwi na kaya tayo? kanina pa nakasimangot si anisa baka gusto na niyang masolo si A***n pero hindi niya magawa kasi nandito tayo.” mahabang ika ng kuya ko, ang haba haba ng sinabi niya pero wala namang sense o ka-kuwenta kuwenta.
“oo nga umuwi na tayo, para naman makapag moment na sila.” dagdag pa ng tita ko, ang hilig talaga nilang mang asar.
tiningnan ko naman si A***n para makita ang reaksyon niya sa mga pinagsasasabi ng aking pamilya, nakangiti siya. ang saya niya naman.
“sige aalis na kami.” pagpapaalam ng aking pamilya, nang makaalis na sila ay biglang naging tahimik ang buong bahay na kanina'y napakaingay dahil sa tawanan.
gusto ko mang kausapin si A***n ay wala akong maisip na sasabihin, at masyado din akong nahihiya sakaniya. ni lingonin siya ay hindi ko kaya.
“ayos kalang ba? hindi ka gutom?” dahil sa lalim ng pag-iisip ay hindi ko na namalayang nasa harap ko na pala si A***n. “h-hindi ako gutom...ikaw ba?” nahihiya kong sagot sakaniya, akala ko pag kinasal ako sakaniya ay hindi na ako mahihiya pero mali ako.
“masaya ako ngayon, napakasaya ko. ikaw, hindi kaba masaya?” tanong niya sakin, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya natahimik ako.
“hindi naman sa hindi ako masaya, ano lang kasi...nagtataka ako kasi kakakilala palang natin sa isa pero pinakasalan mo na ako. ang tingin mo din sakin ay magnanakaw ng tsinelas, sabi mo nagustuhan moko dahil ninakaw ko ang tsinelas mo pero hindi naman yun totoo.” mahaba kong pagpapaliwanag sakaniya.
nahihiya ako sakaniya totoo, pero asawa ko na siya ngayon at gusto kong maging komportable at totoo sakaniya.
“pfffftttt hahaha” mahina niyang tawa, mahinhin siya kung tumawa pero napaka manly parin nito tingnan.
dahil siguro sa naiinis ako sakaniya dati kaya hindi ko napansin na maganda pala siyang lalake. maputi, katamtaman ang katawan, may dimple at matangos ang ilong.
“naniwala ka talaga sa sinabi kong gusto kita dahil ninakaw mo ang tsinelas ko?” ani niya bago tumawa ulit. “alam kong hindi mo ninakaw ang tsinelas ko anisa, nagkapalit lang kami ng tsinelas ng kapatid mo.” dagdag pa niya, medyo naguguluhan na ako ngayon.
“kung hindi mo pala ako nagustuhan dahil sa tsinelas e anong dahilan kaya nagustuhan moko?” tanong ko sakaniya.
“matagal na kitang gustong pakasalan ani..” pagsisimula niyang magpaliwanag. “natatandaan mo ba yung reunion last year?” tanong niya sakin.
“oo” maikli kong sagot. “doon kita unang nakita, don din ako nahulog sayo.” tumigil muna ito ng pagsasalita at yumuko, kinikilig ba siya sa sarili niyang salita?
“matagal na nung naganap ang reunion pero sariwang sariwa parin sa utak ko ang mga nangyari, nung nahulog ko ang pitaka ng kapatid kong babae na pink at may hello kitty na print, ikaw ang pumulot non at nagbigay sakin.”
“lahat ng nakakita nang pangyayareng yun ay natawa dahil akala nila saakin ang pitakang yun pero ikaw? hindi ka tumawa, napaka seryoso ng mukha mo pero ang cute. hindi ako naniniwala sa love at first sight pero nung oras nayon, napaniwala moko.”
“gusto na kitang pakasalan nang mangyari yun, pero hindi ko nagawa kasi nung ituturo na sana kita kina ama ay hindi na kita mahagilap, hindi ko din alam ang pangalan mo. buti nalang talaga at nakita kita ulit, kahit na medyo natagalan ang paghahanap at paghihintay ko sayo ay worth it naman. napakasalan din kita.” hindi na ako nakapagsalita dahil sa sobra akong nabigla sa mga sinabi niya.
so hindi pala tsinelas ang dahilan kaya nagustuhan niya ‘ko kundi ang wallet na pink at hello kitty!
✍🏻: fowei/felicia