S'bang ka Marawi

  • Home
  • S'bang ka Marawi

S'bang ka Marawi A community media outfit that brings stories on peace & social justice from Marawi & the Bangsamoro
(21)

S'bang Ka Marawi is a community media outfit that brings stories on peace and social justice from Marawi City and the Bangsamoro. We are composed of communication practitioners, community journalists, and grassroots patrollers who believe in the power of the media to build peace, uphold human dignity, and enact meaningful social changes. S'bang Ka Marawi started as a radio program and was establis

hed back in 2017 as a humanitarian response to the Marawi Crisis. Several years after, S'bang Ka Marawi continues to amplify people's stories and underreported social issues. Our reportage is supported by the Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) and its partners. For coverages, media releases, and collaborations, send a message to our page or email us at [email protected] and [email protected].

10/12/2024

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ? | ๐—œ๐—ง๐—”๐— ๐—” ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ก โ€˜๐—ฌ๐—”๐—ก

PATUBIG SA PAGALAMATAN PERMANENT SHELTER, ITINIGIL NA NGA BA? ๐Ÿคฏ๐Ÿค”

Noong Oktubre 2023, sinimulang pagsikapan ng mga residente ng Pagalamatan Permanent Shelter na ilapit sa ibaโ€™t ibang sangay ng gobyerno ang kanilang problema sa tubig. Sa kanilang narrowcasting episode, pinakinggan ni Former DILG Undersecretary Margarita โ€˜Margeโ€™ Gutierrez ang kanilang hinaing at tumulong na ilapit ito sa Provincial Government ng Lanao Del Sur.

Sinimulan na ng Military Engineering Team ang paghuhukay sa lugar noong March 4, 2024 upang mabigyan ng sapat na suplay ng tubig ang mga residenteโ€ฆ na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos.

Natigil na nga ba ito?

Panoorin dito sa kasama si Sโ€™bang Ka Marawi Patroller Jamalia Saumay๐Ÿ‘‡

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ, ๐—š๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐Ÿ‰Pinangunahan ng Ompongan Youth Organization, Moro Constitutio...
10/12/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ, ๐—š๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐Ÿ‰

Pinangunahan ng Ompongan Youth Organization, Moro Constitution Group, United Imams of the Philippines at ibatโ€™ibang student organizations sa Marawi City ang International Solidarity Day with Palestine noong November 29 sa Masjid Dansalan, Ground Zero ng lungsod.

Kabilang sa mga dumalo ang mga estudyante at kabataan mula sa ibaโ€™t-ibang paaralan sa Marawi. Layunin ng pagtitipon at pagkakaisang ito na iipahayag ang patuloy na pagmamalasakit sa mga Palestinians habang nakikipaglaban sila para sa kanilang mga karapatan at pagpapasiya, lalo na sa kasalukuyang krisis na kinakaharap nila sa Gaza.

โ€œNapakahalaga nito para sa mga kabataan upang mabigyan sila ng kamalayan sa mga pangyayari sa mundo, at sa parehong panahon ay maibahagi nila ito sa kanilang mga social media upang mas maraming tao ang makaalam at makibaka sa atin," paliwanag ni Mu-Ahz Omar, isa sa mga organizer mula sa Ompongan Youth Organization.

Sa pamamagitan nito, naipapakita ang suporta at pakikiisa ng Marawi para sa pagkamit ng kalayaan laban sa kasalukuyang kaguluhan na kinakaharap ng mga Muslim sa Palestine.

โœ๏ธJanisah M. H.Ali, SK Marawi Patroller

๐—œ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ถf๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ถ๐—ฐ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฅ๐—ฅ๐——- ๐— ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ผ, ๐—š๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿ“ฃ๐ŸŽคNagagamit pa rin han...
10/12/2024

๐—œ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ถf๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ถ๐—ฐ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฅ๐—ฅ๐——- ๐— ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ผ, ๐—š๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿ“ฃ๐ŸŽค

Nagagamit pa rin hanggang ngayon ng mga residente ng PRRD-Mipantao, Gadongan Shelter ang trompa, amplifier, at mga microphone na natanggap nila noong Oktubre 2023.

Dahil sa mga gamit na ito, mas mabilis na nakapaghahatid ng mga anunsyo at impormasyon sa kanilang komunidad. Kabilang na dito ang mga impormasyon tungkol sa mga programa ng gobyerno tulad ng mga medical mission, vaccination, at enrollment.
Ginagamit din ang mga ito upang ipaalam sa publiko ang mga kampanya sa kalusugan at kalinisan gaya ng โ€œLinis ko, Tapat ko.โ€ Nagsisilbi rin itong megaphone para sa mga paalala tungkol sa mga patakaran at regulasyon sa kanilang komunidad.

Kamakailan lamang, naka konekta na rin ito sa kanilang masjid upang magamit sa adhan para sa limang beses nilang pagdarasal.

"Dati, mahirap para sa amin na marinig ang mga updates at anunsyo na ibinigay ng leader namin at kapitan namin dito sa shelter,โ€ ani Analainie M. G**o.

"Ngayon, malinaw na malinaw na namin itong naririnig lalo na kapag may mga programa sa shelter. Tapos nalilito kami kung ano iyong totoo, kaya kapag narinig namin na inaannounce na, doon masasabi na naming sigurado iyong impormasyon kasi narinig na sa buong lugar namin,โ€ dagdag pa niya.

Nagsimulang gamitin ang mga kagamitang ito para sa limang episodes ng narrowcasting sa Pamayandeg sa Ranaw, Inungka sa Ranao, Tindug Ko Ranao noong Pebrero 2024 kung saan tinalakay nila dito ang mga kasalukuyang isyu at suliranin na kinakaharap ng kanilang komunidad. Bukod dito, ginagamit din ang mga kagamitan sa iba't ibang aktibidad ng barangay, tulad ng mga pagpupulong at mga programa. Dahil dito, mas naging maayos at organisado ang komunikasyon sa loob ng permanent shelter.

Ang mga equipments na natanggap nila ay parte ng ibinigay na donasyon ng IDEALS at Global Community Engagement and Resilience Fund (GCERF) para sa programang . Layunin nitong higit na palakasin ang boses ng mga IDPs para isulong ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng broadcasting.

โœ๏ธNashiba Usman, Sโ€™bang Ka Marawi Patroller

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฆ๐—จ, ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐‘พ๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐—ผf ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ โ˜ฎ๏ธ๐Ÿ•Š๏ธMahigit 300 na mga mag-aaral ng Mindanao State Universit...
10/12/2024

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฆ๐—จ, ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐‘พ๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐—ผf ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ โ˜ฎ๏ธ๐Ÿ•Š๏ธ

Mahigit 300 na mga mag-aaral ng Mindanao State University-Main Campus kabilang ang mga kawani ng Marawi City at mga opisyales ng unibersidad ang aktibong nakilahok sa isang Synchronized Peace Walk noong November 28 sa loob ng unibersidad bilang parte ng selebrasyon ng Mindanao Week of Peace.

Ang programa ay pinangunahan ng MSU- Main Campus, Al-Mujadilah Development Foundation, Peace Action Office ng Institute of Peace and Development in Mindanao (IPDM) katuwang ang ibaโ€™t-ibang student organization ng unibersidad.

Ang MWOP ay ay resulta ng mga dayalogo mula sa mga Bishop-Ulama Conference na naglalayong itaguyod ang pagkakaintindihan sa pagitan ng ibaโ€™t ibang panig sa Mindanao. Layunin rin ng synchronized peace walk na maging bahagi ng pagtataguyod at pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao ang mga kabataan.

"Malaki ang papel ng mga kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan. Ang kanilang aktibong pakikilahok sa MWOP ay isang malinaw na senyales na ang susunod na henerasyon ay patuloy na magtataguyod ng kapayapaan," ayon kay Aliah Pacalina Cali-Pacasum, Peace Action Officer ng IPDM.

Bukod sa peace walk, nagkaroon din ng Votersโ€™ Education para sa mga senior high school students upang maituro sa kanila ang kahalagahan ng kanilang boto sa darating na Bangsamoro Parliamentary Elections 2025. Nagkaroon din ng pagkilala sa International Solidarity Day with Palestine bilang pagpapakita naman ng suporta sa mga mamamayang Palestinian.

"Ang MWOP ay hindi lamang isang event, ito ay isang paalala na ang kapayapaan ay isang patuloy na paglalakbay," dagdag ni Cali-Pacasum. Ang mga aktibidad na ito ay nagbibigay ng pagkakataon upang mag-isip, pag-usapan at kumilos para sa isang mas mapayapa at maayos na pamumuhay sa Mindanao.

Para kay Sahania Mawi, isa sa mga estudyante na lumahok sa peace walk, โ€œMahalaga na maging parte ng ganitong klaseng programa ang mga kabataan at estudyanteng kagaya namin dahil naniniwala kaming the future lies with us, at kami ang isa sa patuloy na magsusulong sa kapayapaanโ€.

โœ๏ธJannan Alviannah Amor Acop, Sโ€™bang Ka Marawi Patroller

๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ป๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ ๐— ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜๐—น๐˜‚๐˜Dumadalas na ang pag-ulan a...
09/12/2024

๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ป๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ ๐— ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜๐—น๐˜‚๐˜

Dumadalas na ang pag-ulan at pagpasok ng mga bagyo sa bansa, kasama na dito ang sunod-sunod na pagbabaha. Para sa mga residente ng Basak Malutlot, ang baha na dulot ng malakas na mga ulan ay nagdudulot ng malalaking mga problema sa kanilang komunidad at sa kanilang mga pamilya.

Ayon sa mga residente, pangunahing dahilan daw ng pagbaha ay ang kawalan ng maayos na drainage system sa lugar. Dahil dito, mabagal ang pag-agos ng tubig at umaapaw sa kalsada ang maduming tubig at basura."Hindi kami makapagbenta kapag baha, dahil hindi makadaan ang mga tao," ani Fatima, isang lokal na negosyante. Dagdag pa ni Aisha, isang ina, "Naliligo sa baha ang mga bata kapag pauwi ng bahay, at nagkakasakit pa."

Dahil sa baha, naantala rin ang biyahe ng mga motorsiklo. Ayon kay Omar, isang tricycle driver, "Mahirap pumasada kapag madalas iyong baha dito, masyadong traffic at nakakasira ito sa mga makina ng aming motor"

Samantala, nilinaw naman ni City Engr. Jamel Gandamra na mayroon nang nakaplanong proyekto para bumuo ng mas mahusay na drainage system sa lugar, sa tulong raw ng Department of Public Work and Highways (DPWH) at iba pang mga ahensya inaasahang magsisimula ang proyekto sa Enero o Pebrero ng susunod na taon.

Binigyang-diin rin ni Engr. Gandamra ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga drainages. "Hindi lang kakulangan ng drainage ang problema sa pagkakaroon ng baha, kundi pati na rin ang hindi maiwasang pagtatapon ng basura sa kalsada," aniya.

Kaya naman umaasa rin sila na sa tulong at disiplina ng mga residente, patuloy na mapapanatili ang kalinisan sa lugar upang maiwasan ang pag-apaw at pagkapuno ng mga drainages.

โœ๏ธPidi Pascan Panondi, Sโ€™bang Ka Marawi Patroller

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฝ๐—ผ๐˜… ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ, ๐—ก๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐—ผf ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต - ๐—•๐—”๐—ฅ๐— ๐—  Negatibo sa sakit n...
09/12/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฝ๐—ผ๐˜… ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ, ๐—ก๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐—ผf ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต - ๐—•๐—”๐—ฅ๐— ๐— 

Negatibo sa sakit na Mpox ang pasyente sa Lanao del Sur na pinaghihinalaang may sintomas nito. Ito ay kinumpirma ni Ministry of Health Minister Dr. Kadil Sinolinding Jr. sa kanyang pahayag noong November 26.

Noong November 21, nag-anunsyo sa publiko ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) - Lanao del Sur na mayroong isang residente ng Barangay Masao, Malabang, Lanao del Sur na pinaghihinalaang may Mpox. Bilang aksyon, itinuring nila itong Code White Alert upang hindi magdulot ng takot at pangamba sa mga residente ng Lanao Del Sur.

Ang Code White Alert ay isang alert level na ginagamit ng Department of Health na nagsisig**ong ang mga ospital ay handang tumugon sa mga emergencies and mananatiling on-call para sa agarang mobilisasyon.

Ayon rin sa IPHO-LDS, lumabas ang negatibong resulta matapos suriin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang sample ng pasyente na dinala sa Amai Pakpak Medical Center (APMC).

Sa ngayon, mayroon ng labing-walong (18) kumpirmadong kaso ng Mpox sa Pilipinas at karamihan sa mga ito ay mga lalaki. Patuloy rin ang pag-monitor ng Department of Health (DOH) sa sitwasyon upang siguraduhing hindi na madadagdagan pa ang kaso ng Mpox sa bansa.

Samantala, pinapaalalahanan pa rin ng IPHO-LDS at MOH-BARMM ang publiko na manatiling maingat at sundin ang mga hakbang at health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng Mpox at iba pang mga nakakahawang sakit.

Para sa mga katanungan kung sakaling makaranas ng mga sintomas ng Mpox, maaring tumawag o mag-text sa IPHO Hotline Number: 0977-850-0751

โœ๏ธNorlainie B. Pascan, Sโ€™bang Ka Marawi Patroller

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด: ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„ Patuloy na binibigyang-buhay ni Dayamon Dida-agun, 66-anyos, s...
09/12/2024

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด: ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„

Patuloy na binibigyang-buhay ni Dayamon Dida-agun, 66-anyos, solo parent, residente ng Marawi City, ang paggawa ng mamandiyang. Ang kanyang mga gawa ay binubuo ng mga makukulay na sequins at palamuti at nagsisilbing alaala ng mayamang kultura ng mga Meranaw.

Parte na ng tradisyonal na dekorasyong Meranaw ang mamandiyang kaya naman noong natutunan ni Dayamon ang sining na ito mula sa kanyang mga kamag-anak sa Bacolod Kalawi at Tugaya, Lanao del Sur, naging malaking parte na ito ng kaniyang buhay.

Simula noong 2001, ipinagpatuloy niya ang tradisyong ito na siya ring naging tulong upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang nag-iisang anak.

Ang mamandiyang ay isang tradisyonal na dekorasyong Meranaw na bahagi ng kulturang pamana ng mga taong Meranaw. Ito ay gawa sa mga sequins at palamuti na karaniwang ginagamit bilang dekorasyon sa mga tahanan at sa mga espesyal na pagdiriwang, kagaya na lamang ng kandatu o kambae (enthronement).

Higit sa pagiging isang produkto, simbolo rin ito ng pagkakakilanlan ng mga Meranaw. Ang bawat sinulid at disenyo nito ay nagpapakilala sa kasaysayan, kultura, at paniniwala nila.

Kabilang rin sa mga produktong gawa niya ang parisukat na ampas. Karaniwan itong ginagamit na dekorasyon sa mga bandeha na inihahanda kapag may kanduri o pagdiriwang.

Noong naganap ang 2017 Marawi Siege, pansamantalang itinigil ni Dayamon ang paggawa ng mamandiyang, kasabay nito ang paghinto ng pangunahing hanapbuhay niya para sa kaniyang anak. Sa kabila ng mga pagsubok, muling binuhay ni Dayamon ang sining ng mamandiyang noong 2021 at ipinagpatuloy pa rin niya ito hanggang ngayon.

Hangad ni Dayamon na maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon upang mas pahalagahan ang mga lokal na sining na nagpapaalala ng pagmamahal at pagsasabuhay sa kulturang Meranaw. Ang kanyang mga gawa ay naging patunay ng kanyang pagkamalikhain at walang kapagurang pagsisikap.

Sa nais bumili ng kanyang mamandiyang na may habang 16.50 meter sa halagang PHP 10,500 at ng ampas sa halagang PHP 8,000, maari siyang tawagan sa numerong 0965-150-7150.

โœ๏ธNurainie D. Rakim, Sโ€™bang Ka Marawi Patroller

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Sa ika-apat na SKM Mentoring sessions, 17 na  bagong community patrollers mula Marawi City ang pormal na naging...
05/12/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Sa ika-apat na SKM Mentoring sessions, 17 na bagong community patrollers mula Marawi City ang pormal na naging bahagi ng Sโ€™bang Ka Network noong November 24. Ang mga patrollers ay mga youth leaders, student journalists, IDPs at pamilya ng decommissioned combatants na handang maging boses at tagapag-ulat ng kanilang komunidad.

Ibinahagi ni Sโ€™bang Ka Reporter Amenoding B. Tomindug, RSW ang tungkol sa Public Speaking at Scriptwriting kung saan nabigyang diin ang kahalagahan nito sa pagbabalita. Sa pamamagitan ng isang interaktibong workshop, mas nahasa ang kasanayan ng mga bagong community patrollers sa larangan ng pagsulat ng balita at pagbabalita sa harap ng kamera at ng maraming tao.

Isinagawa rin ang manifesto signing para sa mga bagong patrollers bilang simbolo ng pagiging Sโ€™bang Ka Marawi community patrollers at bagong tagapagbalita ng mga makabuluhan at napapanahong mga isyu mula sa kanilang komunidad.

Abangan natin ang mga balita at impormasyong ibabahagi nila sa S'bang ka Marawi at S'bang Ka Mindanao! ๐ŸŽค

Pinal na ang desisyon ng Supreme Court (SC) kaugnay sa pagtanggal ng Probinsya ng Sulu bilang bahagi ng Bangsamoro Auton...
28/11/2024

Pinal na ang desisyon ng Supreme Court (SC) kaugnay sa pagtanggal ng Probinsya ng Sulu bilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Hindi na rin tatanggap ng anumang karagdagang apela ang SC. Ito ay matapos tanggihan ang hiling ng pamahalaan ng BARMM at ng Solicitor General na baguhin ang naturang desisyon.

Basahin ang buong press briefer sa: https://sc.judiciary.gov.ph/press-briefer-no-17/

๐€๐Œ๐๐‹๐ˆ๐…๐˜ ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐•๐Ž๐ˆ๐‚๐„, ๐€๐Œ๐๐‹๐ˆ๐…๐˜ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐…๐‘๐„๐„๐ƒ๐Ž๐Œ!    OPEN na ang   form para sa mga mamamahayag ng Bangsamoro Autonomous Region...
27/11/2024

๐€๐Œ๐๐‹๐ˆ๐…๐˜ ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐•๐Ž๐ˆ๐‚๐„, ๐€๐Œ๐๐‹๐ˆ๐…๐˜ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐…๐‘๐„๐„๐ƒ๐Ž๐Œ!

OPEN na ang form para sa mga mamamahayag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

๐Ÿ‘‡๐Ÿฝ I-scan ang QR code, o
๐Ÿ“ข Magsubmit ng request sa link: www.bit.ly/AMPLIFYBARMMLegalAssistance.

**

PAUNAWA: Bukas lamang ang legal assistance form na ito para sa mga journalist at media practitioner ng . Sakop ng serbisyong ito ang pagsasagot ng mga tanong sa mga maaari at umiiral na mga kaso tungkol sa media rights, practice, and safety. Bagaman hindi makapaghahandog ng legal na representasyon, maaari namin ilapit ang inyong kaso sa ibang organisasyon na makatutulong.


๐Ÿ’ก Ang serbisyong ito ay sakop ng proyektong ng Peacebuilding and Communication for Development Program ng IDEALS, Inc., at suportado German Embassy Manila. Itinataguyod ng ang malayaโ€™t mapagpalayang pamamahayag para sa demokratikoโ€™t patas na 2025 Regional Elections.

TINGNAN: ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น-๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ F๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐Ÿš๐Ÿฅ›Malaking ...
22/11/2024

TINGNAN: ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น-๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ F๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐Ÿš๐Ÿฅ›

Malaking tulong para sa mga magulang at g**o ng mga estudyante ng Pagalamatan Elementary School sa Saguiaran, Lanao del Sur ang libreng gatas, monggo, 9-kilong bigas, at koko krunch na natanggap nila noong November 14, 2024.

Ang Distribution ng Iron Fortified Rice & Other Commodities ay bahagi ng School-Based Feeding Program ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) kasama ang Ministry of Social Service Development (MSSD) ng BARMM.

Layunin ng programa na ito na matugunan at mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga batang may kakulangan sa timbang at bitamina. Sa pamamagitan rin ng programang ito, inaasahang mababawasan na ang isyu ng malnutrisyon sa mga bata at magiging mas malusog at aktibo na sila sa kanilang pag-aaral.

Para kay Nanay Saripa, โ€œMakakadagdag po ito ng lakas sa aming mga anak para mas lalo silang maging masigla sa pag-aaral."

Samantala, nagpahayag din ng kanyang pasasalamat si Faisana H. Usop, Principal ng Pagalamatan Elementary School, "Pinagpala po kami dahil napili ang aming paaralan na maging bahagi ng programang ito. Malaking tulong po ito sa aming mga estudyante," dagdag niya.

Ang School-Based Feeding Program ay isang taunang proyekto ng MBHTE-BARMM na naglalayong mabigyan ng sapat na sustansya ang mga batang mag-aaral sa ibaโ€™tibang paaralan at Madrasah sa buong Lanao del Sur.

โœ๏ธ Jamalia Saumay, SK Marawi Patroller

TINGNAN: "๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ" ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐——๐—ฃ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†Tumanggap ng 3,000 pesos na tulong pinansyal ang ...
22/11/2024

TINGNAN: "๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ" ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐——๐—ฃ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†

Tumanggap ng 3,000 pesos na tulong pinansyal ang mga internally-displaced persons (IDPs) ng Boganga Temporary Shelter, Kilala, at Gadongan Permanent Shelter mula sa programang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) noong November 19.

Ang programa ay pinangunahan ni 1st District Representative Ziaur-Rahman โ€™Ziaโ€™ Alonto Adiong kung saan nilinaw niyang ang pondo ay mula sa General Appropriations Act of 2024, Special Provision No.3 ng DSWD Budget. Layunin ng programang ito na tulungan ang mga minimum wage earner at low-income earners na apektado ng pagtaas ng inflation.

Ang AKAP ay isang targeted social assistance program na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Ang programa ay inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Mayo 2024.

Samantala, ang mga benepisyaryong nakatanggap ng tulong pinansyal ay ang mga IDPs na hindi hihigit sa minimum wage ang kinikita sa araw-araw, pati na rin ang mga IDPs na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin.

Ayon kay Minda L. Bago, isang benepisyaryo mula sa shelter, malaking tulong ang natanggap nilang ayuda bilang pangtustos sa pang araw-araw nilang gastusin. โ€œMalaking pasasalamat po namin sa programang AKAP dahil sa tulong na ito, lalo na sa pansamantalang gastusin ng aming mga anak.โ€

Para sa karagdagang detalye o at iba pang katanungan, maaaring kumonsulta sa Provincial Government of Lanao Del Sur o sa
Provincial Social Welfare and Development Office - Lanao del Sur.

โœ๏ธ Jalilah L. Musa, SK Marawi Patroller

21/11/2024

PANOORIN ๐Ÿ–ฅ: ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ-๐—น๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟ!

Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng groundbreaking para sa pagsasagawa ng maputik na daanan sa Pagalamatan Permanent Shelter, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisimulan ang pag-aayos ng konkretong daan sa shelter.

Dahil dito, patuloy na naghihirap ang mga residente dahil sa maputik at lubak-lubak na kalsada. Panawagan ng mga residente sa mga kinauukulan na simulan na ang pagsasagawa ng proyekto upang maibsan ang kanilang paghihirap.


โ€™bangKaMarawi
โ€™bangkalita

Panoorin ang report ni S'bang Ka Marawi Patroller Jamalia Saumay

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Bilang bahagi ng programang Peacebuilding and Communication for Development (PC4D) ng IDEALS, Inc., sa pakikip...
12/11/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Bilang bahagi ng programang Peacebuilding and Communication for Development (PC4D) ng IDEALS, Inc., sa pakikipagtulungan ng S'bang ka Marawi at sa suporta ng Global Community Engagement and Resilience Fund (GCERF), nagsagawa ng Community Issues Monitoring and Referral Activity ang mga social work interns mula sa Lanao Central College Inc. (LCCI) noong Oktubre 20, 22, at 27.

Sa ginanap na barangay assembly sa mga permanent shelters ng PRRD Mipantao Gadongan, Hadiya Village, at Pagalamatan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga residente na ipahayag ang kanilang mga hinaing at suliranin.

Kabilang sa mga nabanggit nila ang kakulangan ng malinis na tubig, isyu sa suplay ng kuryente, at ang limitadong access sa mga serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at kabuhayan.

Dagdag pa rito, binigyang-diin din ng mga residente ang kahalagahan ng kanilang kaligtasan, lalo na ang pangangailangan para sa mga street lights at ang pagtaas ng mga kaso ng nakawan sa kanilang lugar.

Ang mga impormasyong nakalap sa mga Barangay Assembly ay isang mahalagang hakbang upang maipaabot sa mga kinauukulang ahensya ang mga pangangailangan ng mga komunidad.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng boses sa mga residente, inaasahang mas mabibigyan ng agarang solusyon ang mga isyung kinakaharap ng mga IDPs sa mga permanent shelters.

โœ๏ธ Mai Comadug, Sโ€™bang Ka Marawi

๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š ๐ก๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐€๐‹๐ˆ๐€๐’ ๐ƒ๐‚ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ! Hakbang tungo sa kapayapaan, hustisya, at pag-unlad ang The Acces...
12/11/2024

๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š ๐ก๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐€๐‹๐ˆ๐€๐’ ๐ƒ๐‚ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ!

Hakbang tungo sa kapayapaan, hustisya, at pag-unlad ang The Access to Legal Identity and Social Services Decommissioned Combatants (ALIAS DC), isang proyekto na naglalayong bigyan ng pagkakakilanlan at serbisyong panlipunan ang mga dating combatants sa panahon ng makasaysayang proseso ng kapayapaan sa Bangsamoro.

Tuklasin ang mga kwento ng pag-asa at katatagan ng mga decommissioned combatants ng Bangsamoro.

โ˜•๏ธŽ Basahin ang mga ito sa ALIAS DC Coffee Table Book online:
https://tinyurl.com/ALIASDC-CoffeeTableBook


๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—” ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐——๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ฆ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜†! ๐Ÿ“ฝ๏ธ๐ŸŽคBilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ...
12/11/2024

๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—” ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐——๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ฆ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜†! ๐Ÿ“ฝ๏ธ๐ŸŽค

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Media at Information Literacy (MIL), matagumpay na nagamit ng Union of Communication Artists (UNICA) ang mga materyales at suporta na ibinigay ng IDEALS para sa kanilang Kambatalo Quiz Show at Radio Broadcasting noong Oktubre 25.

Kabilang si Normina Limbona, Project Assistant ng IDEALS, Inc. sa mga hurado ng 11 grupo na lumahok sa Radio Broadcasting competition mula sa iba't ibang senior high schools sa Marawi City.

Ang buwan ng MIL ay isang pandaigdigang inisyatiba na pinangungunahan ng UNESCO upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pag-aaral, pag-access, pagsusuri, at paglikha ng media sa panahon ngayon. Layunin nito na bigyan ng kaalaman at kapangyarihan ang mga indibidwal upang maunawaan at kritikal na masuri ang impormasyon na kanilang kinakaharap sa digital age.

Sa pamamagitan ng suporta ng IDEALS Inc., inaasahang mas mapapalawak pa ang mga programa at inisyatibo ng Communication and Media Studies Department sa pagtatapos ng selebrasyong ito.

๐Ÿ“ทยฉ๏ธ The UNICA Post

๐—ฆโ€™๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜€! ๐Ÿคณ๐Ÿ“ฑSa ikatlong mentoring sessions ...
12/11/2024

๐—ฆโ€™๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜€! ๐Ÿคณ๐Ÿ“ฑ

Sa ikatlong mentoring sessions ng mga SKM patrollers noong October 21, mas nahasa ang kanilang mga skills sa paggawa ng balita gamit ang kanilang mga mobile phones.

Mula sa pagkuha ng mga magagandang shots hanggang sa pag-edit ng mga video, handa na silang maghatid ng mga napapanahong balita sa kanilang komunidad.

May mga mas magandang balita pa ang darating! Huwag palampasin ang mga susunod nilang mga kwento at ang iba pang mga SKM mentoring sessions na kanilang sasalihan. Ano kaya ang mga bagong aral at karanasan ang kanilang matututunan?

Bahagi ito ng proyekto ng na nagsusulong ng kapayapaan sa BARMM sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga boses, pagsig**o ng pagunlad, at pagbibigay ng dialogue platforms para sa mga komunidad na apektado ng conflict.

Ang Support to Peopleโ€™s Empowerment through Amplifying community voices for Kalilintad (SPEAK) in Mindanao project ay magkatuwang na ipinatutupad ng IDEALS, Inc. Madaris Volunteer Program, Magungaya Mindanao, Incorporated, Al-Mujadilah Development Foundation, Inc. (AMDF), at S'bang Ka Mindanao sa suporta ng Global Community Engagement and Resilience Fund.

09/11/2024

โ€œWalang ilaw talaga. Walang maayos na ventilation. Kung tutuusin, this is not conducive for learning, โ€˜di ba? Pero doon talaga nagtitiyaga ang mga bata at iyong g**o na nagtuturo sa kanila.โ€

Operated on difficult conditions daily, the daycare center in ๐—•๐—ผ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฒ๐˜„ ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟ, Marawi has inadequate supply of electricity and has poor ventilation.

According to managing editor Prences Albis of Explained PH, this lack of basic needs really make an environment not conducive to learning. Extending the current situation would not only make matters worse in terms of schooling but also the health and well-being of both students and teachers.

Much attention must be paid to such environments so that children are provided with proper learning facilities with proper infrastructure for their growth.

Address


Telephone

+639202514207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when S'bang ka Marawi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to S'bang ka Marawi:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share