30/03/2024
"Palamunin ka lang"
"Kung wala ako, paano ka"
"Palit tayo. Ako sa bahay, ikaw magtrabaho"
"Saan napupunta sweldo ko?"
"Ano ikinapagod mo?"
Ilan lang yan sa mga masasakit na salita na naririnig ng isang asawang naiiwan sa bahay. Ilan lang yan sa mga bagay na kapag narinig mula sa asawa ay para kang binubugbog sa sakit. Ilan lang yan sa mga bagay na isinusumbat dahil sa tingin niya ay wala kang naitutulong.
Akala kasi ng ibang asawa sila lang ang may karapatang mapagod. Akala nila sila lang ang may ambag at pakinabang. Akala nila dahil sila ang nag-aakyat ng pera, sila lang ang may karapatang mapagod, magpahinga, at lumigaya.
Well, FYI, parehong napapagod ang nagtatrabaho at ang nasa bahay. Huwag na nating sukatin kung sino ang mas pagod. Basta ang klaro, parehong napapagod, parehong may naiaambag, at parehong kailangan ng pahinga at maayos na tulog.
Let us remove the thinking na kapag nasa bahay ay walang ginagawa at puro hilata. Tanggalin sana natin sa isip natin na porke nasa bahay e hindi napapagod at palamunin lang. THAT IS VERY WRONG. YOUR SPOUSE IS YOUR PARTNER, NOT YOUR SLAVE.
Let this sink in to everyone.
PS:
To everyone experiencing this:
Huwag hahayaan na mapanghinaan ng loob dahil sa mga ganyang salita. We should know our worth as a person. Huwag ibabase ang halaga sa sasabihin ng iba. YOU ARE WONDERFULLY MADE AND YOU ARE DOING GREAT. YOU ARE LOVED AND YOU ARE WORTH IT. ❤