28/05/2025
๐ ๐ฆ๐ณ๐ค๐ช | ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐ฏ๐ผ๐ธ: ๐ ๐ผ๐ป๐ธ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐
๐ฉ๐ถ๐ฟ๐๐
โ
โSeptyembre noong 2023 nang maiulat ang unang bagong kaso ng MPXV o mas kilala bilang Monkeypox Virus. Unang natuklasan ito sa bansang Congo at sa pag-angat ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng Monkeypox Virus ay siya ring pagkalat nito sa maga karatig na mga bansaโ gaya ng Burundi, Kenya, Rwanda at Uganda. Paunti-unti, mas nakikilala ang peligro at problemang dala ng virus na ito.
โ
โApat na taon na ang nakararaan kung saan ay tila nakakulong tayo sa rehas ng ating mga bakuran. Bukod sa peligrong hatid ng COVID-19 kasabay rin nito ang pagbagsak ng ekonomiya sa Pilipinas at ng buong mundo. Sa bawat araw na lumipas, hindi maiwasang matakot at mausisa sa kung sino na naman ang magiging biktima ng nakamamatay na sakit.
โ
โSubalit sa paglipas ng taon, ang pandemyang napuksa na ay muling nagpakilala.
โ
โNadiskubre ang sakit na ito noong 1958 ang kauna-unahang biktima ay isang unggoy. Sa paglipas ng panahon, naiulat din ang sunod nitong biktima, isang 9 na buwang gulang na batang lalaki sa bansang Congo noong 1970.
โ
โAng kinilalang sakit na MPXV ay itinuturing na isang malaking banta sa kalusugan ng nakararami. Kaya naman, nang matuklasan ng pamahalaan ang unang kaso nito sa bansa, agad silang gumawa ng kongkreto at mabilis na paraan upang maagapan ang pagkalat nito.
โ
โKadalasang nakukuha ang sakit na ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik, at naipapasa rin ito sa pamamagitan ng paghahalikan at โpaghawakโ ng balat. Isang paraan din ng pagkahawa nito ay ang paghuli ng mga hayop at ang brutal na pagbabalat sa mga ito bago kainin. Dagdag nito, maaari ding maipasa ang MPXV sa mga kontaminadong bagay.
โ
โAyon sa bagong paalalang inilabas ng WHO (World Health Organization) noong ika-18 ng Abril, 2023โ ang mga sintomas ng Monkeypox ay pagpapantal o rashes, lagnat, sakit sa lalamunan, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, sakit ng likod, mababang enerhiya, namamagang mga kulani (lymph node).
โ
โKung sakali mang nakaranas o makaranas ng mga ganitong sintomas, mas makabubuti ang pagkonsulta sa doktor sa mas lalong madaling panahon. Ang mainam na paraan upang maiwasan ang malubhang sakit na ito ay maging malinis sa katawan, ugaliin ang pagligo, at maging mas mapagmatyag sa kapaligiran.
โ
โBilang tugon, iwasan nating ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa sakit na kasalukuyan pang hinahanapan ng solusyon. Huwag mag-panick, sa kung ano man ang maaaring maidulot nito. Nakatatakot man kung iisipin, na kung lulubha ang sitwasyon natin ay baka bumalik tayo sa panahon ng COVID-19. Subalit, kung gagalaw at gagawa tayo ng paraan upang tuluyang mapuksa ang bantang dala ng nasabing epidemya
โMakatitiyak tayo na hindi na
โ muling babalik sa panahon kung saan ang ating sariling tahanan, ang siyang nagsisilbi nating piitan.
๐๐๐ถ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ Kim Jhon M. Mahinay
๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ ๐ป๐ถ Joan Pauline B. Lopez