PINAKAMATANDANG BABAE NA 82-ANYOS ANG NAKAAKYAT SA MT. APO
Hindi naging hadlang ang kaniyang edad para matagumpay na maakyat ni Atty. Iluminada Vaflor Fabroa (naka-green jacket) ang Mount Apo, pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
Tubong Cavite, umakyat ang 82-anyos na si Fabroa sa bundok sa pamamagitan ng pagdaan sa Kapatagan, Digos City trail sa Davao del Sur.
Ayon kay Perla May Griffin ng Digos City Tourism Office, bahagyang nahirapan si Fabroa sa pag-akyat ngunit dahil sa determinasyon nito at magandang panahon ay nagawa niyang maabot ang tuktok ng bundok.
"According to her, kung buhay pa siya next year, aakyatin niya pa ang Mount Everest base camp," ani Griffin.
Source: ABS-CBN News
📹 Alvin Albite
#KawitFlashReport #Kawit #Cavite #Digos #DavaodelSur #MtApo #MtApoSummit
ARESTADO ANG ISANG LALAKING SUSPECT SA PANGHOHOLDAP SA ISANG DENTAL CLINIC AT SPA SA CAVITE
Sa Cavite, iisa ang suspek sa magkahiwalay na panghoholdap sa isang dental clinic at spa. Isang awol na miyembro ng Philippine Marine Corps na gumamit ng toy gun pero nahuli dahil sa nanlaban niyang biktima.
Source: 24 Oras/GMA News
#KawitFlashReport #Kawit #Dasmariñas #TreceMartires #Cavite #GMA #GMANews
NAKA-ISKOR NG MALAKI SI PANGULONG FERDINAND R. NARCOS JR. SA APEC SUMMIT 2022
Iniulat ni Pangulong BBM na sasagutin ng gobyerno ng Saudi Arabia ang hindi pa nababayarang sahod ng humigit-kumulang 10,000 OFW na nagtrabaho sa Saudi construction companies na nagdeklara ng bangkarota noong 2015 at 2016.
Ang “regalo” ng gobyerno ng Saudi sa mga OFW ay ginawa sa bilateral meeting ngayong araw sa pagitan ng Pangulo at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa sideline ng APEC Summit sa Bangkok, Thailand.
Naglaan ang gobyerno ng Saudi ng dalawang bilyong Riyal para tulungan ang mga nawalan ng trabaho. Ang Saudi Arabian construction companies na nabangkarote ay kinabibilangan ng Saudi OGer, MMG, at Bin Laden group.
#KawitFlashReport #Kawit #Cavite #PBBMinAPEC2022 #PBBM #BBM #APEC2022
Umabot na sa ikatlong alarma ang sunog sa may katabi ng In Town Hotel. Patuloy namang inaapula ng mga bumbero ang apoy.
#kawitflashreport #breakingnews #kawit
KABAONG NAKITANG INAANOD NG BAHA SA KAWIT
Isang kabaong ang tinangay ng baha dulot ng bagyong Paeng sa Panamitan bridge.
#KawitFlashReport #Kawit #Cavite #PaengPH #BagyongPaeng
MENOR DE EDAD NA BABAE, SINAKTAN NG NAKAALITANG KAPWA-ESTUDYANTE
Nagkaalitan at sinaktan ang isang menor de edad na esatudyante ng kanyang kapwa estudyante dahil sa hindi pagkakaunawaan sa bayan ng Noveleta, Cavite.
Pakinggan ang buong detalye ng balita mula sa GMA News.
#KawitFLashReport #Kawit #Noveleta #Cavite
DALAWANG MALALAKI AT ITIM NA DAGA
Na-hulicam ng isang netizen ang dalawang malalaki at itim na daga na bumibisita gabi-gabi sa kanilang bahay sa Indang, Cavite!
Sa tingin niyo anong uri ng daga kaya ito?
Panooring ang kabuuang video sa Born to be Wild ng GMA.
#KawitFlashReport #Indang #Cavite #BornToBeWild
Viral ngayon sa social media ang kuhang ito ni Myke Alvarez Zamuco, uploader, sa isang aksidente na naganap hapon nitong Linggo sa lungsod ng Imus.
Madidinig mula sa naturang video ang mga salaysay ng mga sangkot at nakakita sa pangyayari.
Batay sa naging pag-uusap mula sa naturang video, sinabi ng isa sa mga saksi sa insidente na nagkaroon umano ng problema sa accelerator ng naturang sasakyan dahilan upang mawalan daw ito ng kontrol at makabangga ng mga sasakyan.
"Bakit nya daw po nagawa yon?" maririnig na tanong ni Myke.
"Sumabit daw po yung kanyang accelerator eh," sagot naman ng isa.
Dagdag pa rito, ang drayber ng mismong naaksidenteng sasakyan ay nagpahayag ng kaniya ring pagtataka sa nangyari at pamomoroblema sa naganap lalo’t wala umano siyang dalang lisensya at naghatid lamang ng pamangkin sa malapit.
Maya-maya pa ay mapapanood na ang biglang pagsiklab ng malaking apoy mula sa sasakyan, na sa kabutihang palad ay naapula rin kaagad ng mga rumespondeng bumbero ng lungsod.
Sa paunang imbestigasyon ay napag-alaman na isang kotse at isang motorsiklo na mayroong magka-angkas na mag-asawa ang nahagip mula sa insidente.
Source: Myke Alvarez Zamuco/FB
#KawitFlashReport #Kawit #Imus #Cavite