Isaiah 55:8-9 says “For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways,”declares the LORD.9 “As the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways and my thoughts than your thoughts.” God can even fill you up, even if you think you are so full. I never knew I needed this until God has given it. He truly knows what we need even before we asked for it. #lifeofapastorswife #unexpectedblessings
#ministrylife #wonderfulpeopleofgod #ChristianYouthFellowship #HappyInTheServiceOfTheKing #pillowfights #pillowtalk #mentalhealthmatters
How good and pleasant it is when God’s people live together in unity! -Psalm 133:1 #wonderfulpeopleofGOD #HappyInTheServiceOfTheKing #lifeofapastorswife #ministrylife
LOPW 23 - Our Travel Goals
Kami ni Pastor ay parehas na walang kahilig-hilig sa pamamasyal..yun bang recreations..picnic..swimming..outing..ganun… Lalo na nung nagka-anak na kami.. Mas mahirap na kasi magtravel. LAgi ko nga sinasabi sa kaniya, na bakit pa ako maghahanap ng magandang tanawin..Kung sa asawa ko lang ay busog na ang aking paningin. Ayiie!
Pero narealize ko, meron rin pala kaming travel goals… yun ay ang mapuntahan ang mga local churches chapels sa buong nueva ecija, sa buong Luzon..or sa buong Pilipinas. Kaya kapag may mga Gawain, we take our chances rin talaga para Makita at makumusta ang mga kapatid natin sa iba’t ibang lugar.
https://youtu.be/vpkMBcAZnDY
LOPW 22 - School Visit with Pey and Xey.
A Pastor has a calling to fulfill not just in the church but also in his family. And so, we see to it that we always have time for the family. Yung family time naman doesn’t have to be extravagant and luxurious. We believe kasi, that family time should not be separated from ministry time. Because we serve the Lord and His people as one..as one happy family.
Nung una, gusto namin sana na sa malapit at public ipasok si Pey, kasi hindi naman kalakihan ang income ng mga pastors. And we want to set an example especially sa mga brethren dito, ang pinakapayak na pamumuhay. But God has a better plan. Sabi namin, kung magpprivate man siya, sisiguraduhin namin na sa Christian school siya papasok.
Magastos? Yes. Sa tuition. Sa diesel. Pero God provides. Gusto kasi namin na spiritually ay madevelop rin sa anak ko kahit sa academic school niya. At kasama na rin dun..siguro, yung malayo ang magiging friends para hindi masyadong gala. Kidding aside, siyempre gusto po namin na ang circle na makakasama ng anak ko sa paglaki ay mga tao na may takot sa Diyos, nasa puso ang paglilingkod sa Diyos, at nabubuhay nang nakalulugod sa Diyos. No academic competitions. Just learning through fellowships. Kaya ditto rin naming balak i-enroll si Xey at pati na rin siguro si Ley, pag mag-aaral na rin siya, awa ng Diyos.
https://youtu.be/IGt9j-vVuK4
LOPW 22 - Thank You Lord for Your Blessings on Me - Pastor & Wife 5th Wedding Anniversary (Nahalungkat ko lang po..hihi)
Isang Dekadang Pagmamahalan
Limang Taong Pagsasama
Isa - Isa ka lang na naging aking sinta
Yun ang totoo kahit minsan ayaw mong maniwala
Ikaw lang ang sinabihan ko ng ‘mahal din kita’
Sa aking puso, hanggang ngayon, ikaw lang talaga.
Dalawa - Dalawang taon pa sana ang ating hihintayin
Bago tayo magpakasal, tiyak matagal pang bubunuin
Ngunit iba pala ang plano ng Dios para sa atin
Upang Kanyang pagpapala ay atin nang lasapin
Tatlo - Tatlong beses lang raw ako pwedeng hiwain
Kahit ang gusto mo ang Adventure ay pupunuin natin
Ng magaganda at poging mga supling
Na pakiramdam ko, maging ang mga susunod ay magiging kamukha mo rin
Apat- Apat na taon na mula nang ako’y maging nanay
Sa napakagandang si Pey na ating panganay
Apat na taon na rin mula nang ikaw ay naging tatay
Ngayo’y apat na tayo sa ating bahay
Lima - Limang taon na pala tayong mag-asawa
Hindi ko napapansin ang paglipas ng panahon kasi naman sobrang saya
Ramdam na ramdam natin ang pagpapala
Ng Dios sa bawat araw ng ating pagsasama
Anim - Anim man silang naunang minahal mo
Pero kailan ma’y wala akong naging kahati sa iyong puso
Anim man daw silang nauna’t magagaling
Huli man, ang nagwagi’y ako pa rin
Pito - Perfect number talaga ang pito, ano?
Feeling ko, ako ang napangasawa mo kasi ako ang pampito
Anyways, it really doesn’t matter kung pang-ilan ako
Cause you really saved the best for last, hoho!
Walo - Hindi bababa sa walong beses mong sinasabi
Na mag-aasawa ka ulit kapag nauna na ako
Okay lang sa’ken. Pramis, hindi ako magmumulto
Basta mamahalin ka rin katulad ng pagmamahal ko
Siyam - Siyam na pu’t siyam na porsyento lang ang aking hiniling
Dahil alam ko naman walang perpekto man din
Pero grabe ang goodness ni Lord sa akin
Para ibigay niya ang isang katulad mo sa akin
Sampu- Sampung taon na mula ng ibigay NIYA tayo sa isa’t isa
Siyam na taon at kalahati na
LOPW 21 - Swimming Time (Sabit Lang) 😅
Isa sa blessing sa pamilya ng pastor ay yung mga ganito. Nalalayo tayo sa mga mahal natin sa buhay pera Yung mga members ng church ang nagiging extended family natin. Madalas kami mainvite sa mga family gathering ng mga kapatiran, and super sarap nun sa pakiramdam. Nakakabless to know that we are considered family also. Alam kong marami pang susunod dito..and we’re looking forward to celebrate with you mga kapatid.
https://youtu.be/GOYaOwXLPI0
LOPW 21 - Swimming Time! (Sabit lang) 😅
Isa sa blessing sa pamilya ng pastor ay yung mga ganito. Nalalayo tayo sa mga mahal natin sa buhay pera Yung mga members ng church ang nagiging extended family natin. Madalas kami mainvite sa mga family gathering ng mga kapatiran, and super sarap nun sa pakiramdam. Nakakabless to know that we are considered family also. Alam kong marami pang susunod dito..and we’re looking forward to celebrate with you mga kapatid.
https://youtu.be/GOYaOwXLPI0
LOPW 20 - Sabbatical Leave with the Fam | Beach Visit | Cabangan, Zambales
Sabi nila kapag gusto mo yung ginagawa mo, parang hindi ka napapagod. Sabi ko naman, kapag masaya ka sa ginagawa mo, minsan napapagod ka rin. Pero hindi po ako pagod. Parang gusto ko lang magpahinga. Ano daw? Hindi raw pagod pero magpapahinga? Hindi po ako talaga ako pagod, I just felt the need to rest. To refresh. To recharge. To stop, look and listen.
Break din ito para sa mga bata..marami silang kalaro, malayang nakakalabas dahil hindi naman kami malait sa highway..nakikilala nila mga pinsan at iba pang kamag-anak namin. Matagal rin kasi na nandito lang sila sa loob ng bahay dahil kay COVID 19.
Rest is vital to our health. Especially, mental and emotional health. Nagkakaroon tayo ng oras para mas marinig yung the voice within, and activate inner healing na magmumula lamang sa ating Panginoong Diyos. It is being kind to yourself. It is a way of loving yourself the way you want to love others.
Sharing this, nabasa ko lang.. If you keep giving away pieces of yourself until you feel like an empty shell, consider that people don’t want you half alive. They want to see you at your best. They want to feel your light.
Wisdom is knowing when to have rest. Thank you, Lord!