26/10/2024
π‘ππͺπ¦ | MMSI, matagumpay sa taunang BSP-GSP Encampment 2024
Matagumpay na naisagawa ang taunang school-based Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) Encampment sa Melchor Memorial School, Inc. (MMSI) noong Oktubre 21-22, 2024.
Sa loob ng dalawang araw, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang kahandaan at pagkakaisa sa iba't ibang mga aktibidad.
Nagsimula ang unang araw ng encampment sa pamamagitan ng isang Holy Rosary at Mass na pinangunahan ni Rev. Fr. Mark Lister R. Malsin sa MMSI Function Hall.
Kasunod nito, isinagawa ang opisyal na pagbubukas ng programa sa school quadrangle, kung saan binanggit din ang Boy Scout at Girl Scout Law, na pinangunahan nina Scout Kenn Barres at Scout Trixzy Orada na parehong mag-aaral ng MMSI na nasa ika-labing dalawang baitang.
Sa kabila ng masamang panahon, sinimulang masaya at makulay ng mga mag-aaral ang mga aktibidad mula sa kanilang paggawa ng mga nag gagandahang patrol at banner hanggang sa pagsasanay sa cheers at yells. Isa sa mga tampok ng unang araw ay ang Day-Time Bonfire at Cheers and Yells Presentation para sa Junior High School (JHS), na ginanap sa school quadrangle, kung saan ipinamalas ng mga estudyante ang kanilang husay at talento.
Sa ikalawang araw, bagama't patuloy ang masamang panahon, ang mga mag-aaral ay lumahok sa mga aktibidad tulad ng knot tying, creative group photo, at cheers and yells practice para sa Senior High School (SHS), pati na rin ang community lunch sa kani-kanilang mga silid-aralan.
Nagkaroon din ng first aid training sa silid-aralan ng Grade 7-Mango kasama ang MDRRMO Ibajay upang turuan ang mga estudyante ng mga pangunahing kaalaman sa pagtulong sa oras ng sakuna.
Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, natuloy pa rin ang Tent at Gadget Making, na inilipat sa HUMSS Building, gayundin ang Cheers and Yells Presentation ng SHS na idinaos sa loob MMSI Function Hall. Samantala, hindi naisagawa ang Fire Making at Cooking Show, na inaabangan ng mga estudyante, dahil sa masalimuot na panahon. Ang Closing at Awarding Ceremony na nakatakda sana noong Oktubre 23, Miyerkules, ay ipinagpaliban dahil sa pagsuspinde ng klase.
Pinatunayan ng Melchor Memorial School, Inc. na hindi hadlang ang masamang panahon upang maisakatuparan ang mahahalagang aktibidad tulad ng BSP at GSP Encampment. Ang kahandaan, disiplina, at pagtutulungan ng mga mag-aaral, g**o, at pamunuan ng paaralan ay nagpapatunay sa tagumpay ng nasabing kaganapan.
isinulat nina: Julyn Olano & Althea Masangkay
layout ni: Krisha Jhen Angheles | The Melchorian Herald