Kapitolista

Kapitolista Ang Kapitolista ay isang nagmamalasakit na komunidad na nagnanais makapaghatid ng mga mahahalagang im
(2)

Naaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang resolusyon na naglalayong muling ibalik ang checkpoint sa mga boundary...
07/08/2020

Naaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang resolusyon na naglalayong muling ibalik ang checkpoint sa mga boundary ng Lungsod ng Sorsogon. Ito ay matapos biglang dumami ang mga naitalang kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa probinsya.

Ayon sa Resolution No. 165, Series of 2020 na isinulat ni City Councilor Jo Abegail “Bhem” Dioneda, aatasan ang Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng checkpoint sa mga entry at exit points. Ipapatupad ang checkpoint upang maalalayan nang husto ang mga taong papasok sa syudad. Magsisilbi rin itong monitoring system upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Patuloy na pinaiiral ang physical distancing at tamang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar alinsunod sa health and safety protocols ng national Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Executive Order No. 51-2020 (EO 51-2020) ng Provincial Government.

Have you visited the Capitol park lately? You might have noticed an odd-looking pedestrian crossing on the road. However...
06/08/2020

Have you visited the Capitol park lately? You might have noticed an odd-looking pedestrian crossing on the road. However, this is more than just an artwork, it also serves as a safety feature.

The eye-catching and innovative pedestrian crossing was a project by the Provincial Government in partnership with members of the United Architects of the Philippines-Sorsogon Kasanggayahan Chapter (UAP Sorkas Chapter) namely, Ar. Randy Sandoval, Ar. James Endaya, Ar. Anna Mari Valino, Ar. Jennifer Sandoval, and Ar. Zedric together with United Architects of the Philippines Graduate Auxiliary - SorKas Chapter, and United Architects of the Philippines Student Auxilary (uapsa) SSC Chapter officers:

Robert Marticio
Joan Dayto
Joan Lacaste
Christille De Jesus
Emmanuel Guim IV
Mark Roland Arnecilla
Aran Joel Belmonte
Ranessa Lascota
Chrissa Jane Lagco
Roselle Lacay
Lannie Mae Labitag
John Daniel Jordan

It makes use of cleverly-placed lines and shading to give the illusion that the lane is floating in mid-air. It looks like raised blocks prompting approaching drivers and motorists to slow down. It effectively catches the drivers’ attention and causes them to navigate the road with more caution.

This would help improve road safety in the area for both Capitol employees and pedestrians.

Other countries like India, China, United Kingdom, US, Iceland, and Germany also adopted this measure to help reduce traffic accidents.

Para sa mga Tatay, Itay, Papa, Daddy, Dad,Para sa mga Nanay na tumatayong Tatay,Para sa mga Kuya, Lolo, at Tito na nagsi...
21/06/2020

Para sa mga Tatay, Itay, Papa, Daddy, Dad,
Para sa mga Nanay na tumatayong Tatay,
Para sa mga Kuya, Lolo, at Tito na nagsisilbing pangalawang ama,

Para sa lahat ng mga dakila at huwarang ama ng tahanan, Happy Father’s Day po sa inyo! ❤️

Maligayang ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Pilipinas! Nawa’y ganap nating makamit ang kalayaan mula sa kahirapa...
12/06/2020

Maligayang ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Pilipinas!

Nawa’y ganap nating makamit ang kalayaan mula sa kahirapan, pang-aapi, at diskriminasyon.

Patuloy nating ingatan at ipaglaban ang kasarinlan na ipinamana ng ating mga magigiting na bayani.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
🇵🇭🇵🇭🇵🇭

Nagsimula na noong Lunes, June 1, 2020, ang remote enrollment sa mga pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase n...
03/06/2020

Nagsimula na noong Lunes, June 1, 2020, ang remote enrollment sa mga pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2020-2021. Ito ay sa gitna ng krisis na nararanasan ng bansa dala ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Ngayong taon, hindi na kailangang pisikal na magtungo ang mga magulang at estudyante sa paaralan para sa enrollment bilang pagtalima sa pinaiiral na physical distancing at health guidelines. Sa halip, ang enrollement ay isasagawa na online at sa pamamagitan ng pagkontak sa mga magulang sa text o tawag.

Gayunman, magkahalo ang reaksyon ng mga magulang sa ganitong proseso. Nangangamba pa rin ang ilang magulang sa Lungsod ng Sorsogon sa magiging sistema ng enrollment ng kanilang mga anak.

Sinabi ng ilang mga magulang na susundin nila ang instruksyon at payo ng mga g**o.

Naiintindihan at iginagalang naman ng Department of Education (DepEd) ang desisyon ng ilang magulang na ipagpaliban muna ang pagpapa-enroll sa kanilang mga anak ngayong taon.

Tinitiyak ng DepEd na ginagawa nila ang lahat ng mga alternatibong paraan upang hindi maudlot ang pasukan ngayong taon kung saan ang pinakamabisang paraan pa rin ang kanilang susundin alang-alang sa kaligtasan at pagkatuto ng mga kabataan sa kabila ng matinding krisis.

——————— 𝗣𝗥𝗢𝗠𝗢 𝗛𝗔𝗦 𝗘𝗡𝗗𝗘𝗗 ———————🎉🎉 𝙀𝙓𝙏𝙀𝙉𝘿𝙀𝘿! 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗠𝗢 𝗕𝗨𝗬 𝟮 𝗧𝗔𝗞𝗘 𝟭 𝗢𝗡 𝗔𝗟𝗟 𝗗𝗥𝗜𝗡𝗞𝗦!🎉🎉Feeling the heat? 🥵🥵Keep cool...
01/06/2020

——————— 𝗣𝗥𝗢𝗠𝗢 𝗛𝗔𝗦 𝗘𝗡𝗗𝗘𝗗 ———————

🎉🎉 𝙀𝙓𝙏𝙀𝙉𝘿𝙀𝘿! 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗠𝗢 𝗕𝗨𝗬 𝟮 𝗧𝗔𝗞𝗘 𝟭 𝗢𝗡 𝗔𝗟𝗟 𝗗𝗥𝗜𝗡𝗞𝗦!🎉🎉

Feeling the heat? 🥵🥵

Keep cool with April Berry's Berr-O Cookie Frappe! Delectably crafted with vanilla ice cream, crushed cookies, and topped with chocolate syrup.

They also offer a variety of other flavors and drinks that will surely leave you feeling refreshed! 😎

Place your orders or come visit them now to avail their Buy 2, Take 1 promo on all drinks! Promo extended until June 5, 2020 only!

Applicable for take-out, and delivery.

April Berry is open for pickup or take-out.
9 am-3pm
Monday-Saturday

Send your orders to 09562559223 (call only) or 09171588244 (call and text). You can also message their FB page.

Visit them at Garcia St., Salog, Sorsogon City, in front of GSAC.

Happy Anniversary April Berry Café! 🥳🎉

Some jeepney drivers in the province of Sorsogon started installing clear plastic sheets that act as dividers in between...
31/05/2020

Some jeepney drivers in the province of Sorsogon started installing clear plastic sheets that act as dividers in between seats to facilitate physical distancing among passengers.

This measure is in compliance with the government’s physical distancing protocol to help curb the spread of COVID-19.

The particular jeepney in the photo below also adopted an ingenious way to make the commute more comfortable for the passengers. Abanicos were attached to the handrails which passengers can freely use to reduce the heat inside the vehicle.

The Provincial Government of Sorsogon, in coordination with the Local Chief Executives (LCEs) of the province, provided ...
30/05/2020

The Provincial Government of Sorsogon, in coordination with the Local Chief Executives (LCEs) of the province, provided a free ride to 589 Sorsoganons who were stranded in National Capital Region (NCR).

10 buses were provided to help bring home the stranded workers severely affected by the Enhanced Community Quarantine (ECQ), 2 from the Provincial Government and 8 from different municipalities in Sorsogon. The workers were left jobless and without any means to return home when NCR was placed under ECQ.

This is the second time the Provincial Government was allowed to go into NCR. The Sweeper Team made their first sweep in NCR last May 25, 2020.

Eid Mubarak!Today, our Muslim brothers and sisters celebrate the feast of Eid al-Fitr, Festival of Breaking the Fast, to...
24/05/2020

Eid Mubarak!

Today, our Muslim brothers and sisters celebrate the feast of Eid al-Fitr, Festival of Breaking the Fast, to mark the end of the Holy month of Ramadan.

We wish you and your family a blessed and safe Eid!

21/05/2020

Panoorin sa Your Story+ si Jinky Golloso ang tinaguriang “Tinapa Girl”ng Bulan, Sorsogon. Siya ay kahanga-hanga dahil sa kanyang murang edad ay tumutulong na siya sa kanyang pamilya at may kakaibang diskarte sa pagtitinda na ikinatutuwa ng mga tao dito.

Kung may good vibes video ka o nakaka-inspire na nakunan gamit ang iyong cellphone camera, maaari mong i-email sa [email protected].

Maraming salamat, Kapitolista !

Nilinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Lalawigan ng Sorsogon na walang kakulangan sa supply ng National Food Authority (NFA) ...
18/05/2020

Nilinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Lalawigan ng Sorsogon na walang kakulangan sa supply ng National Food Authority (NFA) Rice.

Ayon kay Governor Chiz Escudero, wala sa bigas ang problema kung bakit nahihirapan ngayon ang NFA na maibigay ang mga request ng Local Government Unit (LGU) kundi sa kakulangan ng milling machines.

Base sa kanilang pag-iikot, dito nagkakaroon ng problema kahit ang mga local traders dahil limitado lamang ang mga gumigiling ng palay kaya naantala rin ang distribusyon nito.

Nakipag-ugnayan na umano sila sa mga rice millers upang tulong-tulong na gawing mabilis na pagproseso ng palay upang gawing bigas.

Sa kabuuan, nakapagpalabas na ng mahigit 50,000 bags ng NFA Rice ang ahensya kung saan ito raw ang pinakamataas na rice distribution ng NFA sa kasaysayan na katumbas ng halos apat na taong rice subsidy sa loob lamang ng halos dalawang buwan dahil sa epekto ng krisis dala ng COVID-19.

Pinangalanan na ni Governor Chiz Escudero ang unang COVID-19 positive sa Sorsogon. Narito ang kanyang post sa kanyang Tw...
14/05/2020

Pinangalanan na ni Governor Chiz Escudero ang unang COVID-19 positive sa Sorsogon. Narito ang kanyang post sa kanyang Twitter account.

"The 1st COVID 19+ case in Sorsogon is Romegio C. Cruz, a 37 y/o seafarer from Miami, Florida who, upon arrival, was quarantined at the Matnog Quarantine Facility. He was later transferred to the COVID-19 Ward of the Sorsogon Provincial Hospital. He is asymptomatic & is doing fine"

-Governor Chiz Escudero

SOURCE:
https://twitter.com/SayChiz/status/1260909729909374976?s=19

Bukas ang Sangguniang Panlalawigan sa plano ng gobernador na pagpapalawig ng curfew sa buong lalawigan kahit matapos na ...
12/05/2020

Bukas ang Sangguniang Panlalawigan sa plano ng gobernador na pagpapalawig ng curfew sa buong lalawigan kahit matapos na ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa board members, nakita ng Provincial Local Government Unit (LGU) ang magandang epekto ng curfew pagdating sa pagbaba ng kaso ng krimen, pagkaunti ng mga aksidente sa kalsada at pagtitiyak ng kaligtasan ng mga kabataan.

Ngunit paglilinaw ng Provincial Board, pag-aaralan pa kung anong oras ang itatakdang panibagong curfew gayung tatamaan nito ang ilang negosyo na nag-ooperate tuwing gabi gaya ng bar at restaurants na bahagi ng social life ng ilang mamamayan.

Sa ngayon nanatili sa 9pm-5am ang curfew sa buong lalawigan bilang pagsunod sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Para kay Inay, Nanay, Mama, Mommy,Para kay Tatay na nagsisilbing Nanay, Para kay Ate, Lola, at Tita na naging pangalawan...
10/05/2020

Para kay Inay, Nanay, Mama, Mommy,
Para kay Tatay na nagsisilbing Nanay,
Para kay Ate, Lola, at Tita na naging pangalawang ina,
Para sa lahat ng may Pusong Ina

Walang kapantay ang inyong pag-aalaga at pagmamahal.

Lubos ang aming pasasalamat sa inyo! Mahal na mahal namin kayo!

Happy Mother’s Day! 💐💐

𝗟𝗢𝗢𝗞: Umabot ng 2.9M ang bayarin sa kuryente ng isang konsumer sa East District ng Sorsogon City .Inireklamo na ito ng k...
06/05/2020

𝗟𝗢𝗢𝗞: Umabot ng 2.9M ang bayarin sa kuryente ng isang konsumer sa East District ng Sorsogon City .

Inireklamo na ito ng konsumer sa SORECO II at kasalukuyang isinasaayos na ang kanyang account.

Dapat suriing mabuti ang bill ng kuryente dahil maaaring mali ang computation nito.

Naghain ng resolusyon si Sorsogon City Vice Mayor Eric Dioneda na ipinapatawag ang Sorsogon II Electric Cooperative, Inc...
06/05/2020

Naghain ng resolusyon si Sorsogon City Vice Mayor Eric Dioneda na ipinapatawag ang Sorsogon II Electric Cooperative, Inc. (SORECO II) upang linawin ang dahilan ng mataas na singil ng kuryente sa siyudad. Inaprubahan ang resolusyon sa nakalipas na regular session ng Sangguniang Panlungsod (SP) noong ika-7 ng Mayo, 2020.

Ayon sa bise alkalde, dagdag pasanin ito ng mga miyembro-konsumidores sa siyudad lalo na’t nasa gitna pa rin ng krisis ang buong bansa dala ng Corona Virus Disease (COVID-19) pandemic. Karamihan sa mga konsumer ay hindi pa nakakabalik sa kani-kanilang trabaho dahil sumasailalim ang probinsya sa General Community Quarantine (GCQ).

Kinakailangang magpadala ng kinatawan ang SORECO II sa susunod na regular session ng SP para magbigay ng paliwanag at sagutin ang mga katanungan kaugnay ng biglaang pagtaas ng singil sa kuryente. Haharap ang kinatawan ng SORECO II sa konseho sa ika-12 ng Mayo, 2020.

Nagsimula na ang bagong iskedyul ng pamamasada  ng traysikel sa Lungsod ng Sorsogon.Ayon kay Emmanuel Detera, presidente...
04/05/2020

Nagsimula na ang bagong iskedyul ng pamamasada ng traysikel sa Lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay Emmanuel Detera, presidente ng Federation of Associated Sorsogon Tricycle Operators and Drivers (FASTOD), maliban sa reverse coding, mahigpit ding ipinagbabawal sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang mga family at barangay service na may prangkisa maliban sa mga pribadong traysikel.

Layunin nito na hindi maabuso ng mga tsuper ang pamamasada na maaaring makalabag sa social distancing at maging dahilan ng traffic sa sentro ng lungsod.

Bukod dito, nagpalabas din ng selective schedule ang Local Government Unit (LGU) tuwing katapusan ng linggo kung saan nasa 10 hanggang 20 traysikel lamang kada barangay ang maaaring mamasada tuwing Sabado at Linggo.

Bagama't batid ng opisyal na malaki pa rin ang epekto nito sa kabuhayan ng mga tsuper malaking tulong na rin ang gas subsidy at 500 pesos na allowance na inumpisahang ipagkaloob ng LGU at magpapatuloy hanggang sa pagtatapos ng GCQ sa Mayo 15, 2020 kung saan posibleng makabalik na sa normal ang pamamasada.

Nais ng ilang mga alkalde sa Lalawigan ng Sorsogon na magkaroon pa ng ikalawang bugso ng pamimigay ng ayuda sa ilalim ng...
04/05/2020

Nais ng ilang mga alkalde sa Lalawigan ng Sorsogon na magkaroon pa ng ikalawang bugso ng pamimigay ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) Fund.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Sta. Magdalena, Bulan, Pilar, at Bulusan, ang kanilang apela ay para sa mga senior citizen na hindi nakasama sa programa dahil sa pagiging pensioner ng mga ito.

Paglilinaw ng ilang mayor, magkakaiba ang nakukuhang pension ng mga senior citizen at ilan sa mga ito ay talagang hirap sa buhay na dapat sanang mabigyan ng sapat ayuda lalo pa't kabilang sila sa vulnerable sector.

Maliban dito, dagdag pahirap din sa mga senior citizen ang 24 hour curfew sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Samantala, aminado ang Department of Social Welfare (DSWD) Bicol na tila hindi posible ang naturang panawagan dahil uunahing mabigyan ng ayuda ng gobyerno ang mga nasa ilalim ng extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ibang mga lugar sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Dumating na ang Sweeper Team na ipinadala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sakay ang mga Sorsoganon na na-rescue ...
02/05/2020

Dumating na ang Sweeper Team na ipinadala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sakay ang mga Sorsoganon na na-rescue sa Turbina, Calamba, Laguna. Nakaalis ang grupo sa Turbina kahapon ng 8 ng gabi at nakarating ng Sorsogon kaninang 12 ng tanghali.

Ayon kay Atty. Cesar Balmaceda, Provincial Internal Control Officer at head ng Sweeper Team, nasundo ang lahat ng mga taga-Sorsogon na naabutan ng grupo sa Turbina. Ligtas na naiuwi ang humigit kumulang 250 Sorsoganon na na-stranded. Kabilang sa mga nasundo ay mga estudyante ng Sorsogon State University (SSU) na nag-On the Job Training (OJT), construction workers, Overseas Filipino Workers (OFWs), at mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Agad silang sasailalim sa 14-day quarantine period sa mga pasilidad sa Lungsod ng Sorsogon. Ang ilan sa mga nasundo ay dinala na sa kani-kanilang mga bayan upang doon sumailalim sa quarantine.

Upang maibsan ang bigat ng bayarin ng mga mamamayan sa gitna ng krisis dala ng Corona Virus Disease (COVID-19) pandemic,...
01/05/2020

Upang maibsan ang bigat ng bayarin ng mga mamamayan sa gitna ng krisis dala ng Corona Virus Disease (COVID-19) pandemic, naghain ang Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon ng mga resolusyong naglayong palawigin ang due date at ipagpaliban ang pangongolekta ng bayad sa renta, at public utilities gaya ng tubig, kuryente, at telecommunications. Nagsulong din ang konseho ng mga resolusyong tumugon sa hinaing ukol sa limitadong paggalaw ng mga tao alinsunod sa pinairal na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa resolusyong pinasa ni Kagawad Franco Eric O. Ravanilla, Resolution No. 071, Series of 2020, hinimok nito ang Department of Trade and Industry (DTI) para paigtingin ang pag-monitor sa presyo at anti-hoarding ng mga importante at pangunahing bilihin.

Ang Resolution No. 073, Series of 2020 na inihain nina Kagawad Jo Abegail “Bhem” C. Dioneda at Kagawad Eric O. Ravanilla ay nanawagan sa SORECO II, Prime Water at telecommunication companies na ipagpaliban pagsingil sa mga konsumer at huwag ito patungan ng penalty at surcharge.

Ipinasa rin ni Kagawad Bhem C. Dioneda ang Resolution No. 085, Series of 2020 na umapela sa mga may-ari ng mga pribadong parentahang gusali, opisina, boarding house, at apartment na gawing staggered o hatiin ang babayarang renta ng mga buwan na apektado ng ECQ at idagdag ito sa susunod na bayarin sa loob ng 3-6 buwan .

Iminungkahi naman ni Vice Mayor Eric Dioneda sa pamamagitan ng Resolution No. 086, Series of 2020 ang pagtalaga ng isang mobile market na maglilibot sa buong lungsod. Ito ang inilunsad ng lungsod na “Merkado on Wheels” o “Rolling Market.”

Ang Resolution No. 092, Series of 2020 na sinumite ni Kagawad Joven G. Laura ay umapela sa mga financial institution na antalahin ang pagbabayad ng isang buwang amortisasyon nang walang surcharge, penalty, at interest sa loans at credit cards ng mga empleyado ng gobyerno.

Isinulong rin ni Kagawad Bhem Dioneda ang Resolution No. 099, Series of 2020 upang i-extend ang pagbabayad ng 2nd quarter business tax hanggang May 20, 2020.

Maliban dito, isinumite nina Kagawad Bhem Dioneda at Kagawad Ralph Walter R. Lubiano ang Resolution No. 100, Series of 2020 na umapelang huwag nang pagbayarin ang mga nangungupahan na tuluyang nagsara sa panahon ECQ na nagrerenta sa mga gusali o establisyemento na pingangasiwaan ng lokal na pamahalaan hanggang sa pagtatapos ng ECQ.

Ang mga ito ay nagsilbing tulong sa mga residente ng Lungsod ng Sorsogon noong sumailalim ang buong Luzon sa ECQ. Lubhang naapektuhan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan dahil sa pinaiiral na lockdown. Naantala ang normal na operasyon ng mga trabaho at pampublikong transportasyon upang maprotektahan ang publiko sa nakamamatay na sakit.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) sa ilang mga bayan sa probinsya ng Sorsogon na walang magiging pagbabago ...
30/04/2020

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) sa ilang mga bayan sa probinsya ng Sorsogon na walang magiging pagbabago sa ipinatutupad nilang security measures kahit sasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang lalawigan.

Ayon kay Police Major Joel Triñanes, ang hepe ng Bulan Municipal Police Station, mas lalo nilang babantayan ang galaw ng mga mamamayan ngayong magbubukas na ang ilang negosyo sa bayan. Paiigtingin nila ang pagpapatupad ng guidelines, checkpoints, at curfew dahil hindi pa nawawala ang banta ng COVID-19 pandemic.

Dagdag ng hepe, bagaman hindi na kailangan ng mga residenteng edad 21-59 anyos ang GCQ pass, susuriin pa rin nila ang edad ng mga taong nasa labas ng kanilang bahay alinsunod sa inilabas na executive order ng Provincial Government. Maaari lang sila lumabas para makapamili at makakuha ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo. Dapat din silang magdala ng ID na nagpapatunay na hindi sila sakop ng curfew.

Striktong ipapatupad ang 24-hour curfew ng mga 21 anyos pababa at 60 anyos pataas.

Nanawagan ang PNP sa publiko na makipag-ugnayan nang maayos sa awtoridad upang hindi maabala at mahirapan ang bawat isa habang hindi pa natatapos ang panganib na dulot ng virus.

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: Ayon kay Atty. Cesar Balmaceda, Provincial Internal Officer ng Sorsogon, puno na ang listahan ng Sweeper Team at...
30/04/2020

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: Ayon kay Atty. Cesar Balmaceda, Provincial Internal Officer ng Sorsogon, puno na ang listahan ng Sweeper Team at hindi na kayang tumanggap ng mga karagdagang pasahero. Mag-antay lamang po ng anunsyo mula sa Sorsogon Provincial Information Office kung may susunod pang pagsundo. Maraming salamat po!
—————————————————————
Nanindigan ang Provincial Government of Sorsogon na walang ibang mangunguna sa pagsundo ng mga stranded na Sorsoganon sa Metro Manila kundi ang Sweeper Team ng probinsya.

Paliwanag ng Provincial Government, nais nilang maging organisado ang lahat pagdating sa pagtugon ng panawagan ng mga kababayang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Hindi ito maaaring basta na lang sunduin ng isang Local Government Unit (LGU) gamit ang kanilang mga sasakyan. Dumadaan sa proseso ang pagbibigay alam sa mga LGU na pupuntahan ng Sweeper Team, lalo na sa mga lugar sa labas ng Bicol Region. Kailangang igalang at sundin ang mga panukalang ipinapatupad ng iba’t- ibang bayan at siyudad na madadaanan.

Nagtitiwala ang Provincial Government na hindi pangungunahan ng alinmang LGU ang kanilang direktiba dahil ginagawa na umano nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang kanilang mga kababayan. Nakipag-ugnayan na sila sa alkalde ng mga bayan kung saan na-stranded ang maraming taga-Sorsogon. Sila ay sasailalim sa pagsusuri upang matiyak na sila ay lihitimong residente ng probinsya.

Kasalukuyang papunta ang Sweeper Team sa Turbina sa Laguna para sunduin ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa ECQ at mga estudyanteng naabutan ng lockdown.

Itinayo ng Local Government Unit (LGU) ng Bulan ang BIGasan, Karnehan, at ISdaan (BIGKIS) ng Bayan kung saan ibinibenta ...
29/04/2020

Itinayo ng Local Government Unit (LGU) ng Bulan ang BIGasan, Karnehan, at ISdaan (BIGKIS) ng Bayan kung saan ibinibenta ang mga produkto sa murang halaga.

Sa eksklusibong panayam ng Kapitolista kay Bulan Councilor Joey De Vera Guban, nabuo ang konsepto ng proyektong ito sa huling quarter ng 2019. Layunin ng proyekto na ilapit ang pamilihan sa mga residente upang hindi na sila mahirapan sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan. Mabawasan din ang paglabas ng mga tao sa kanilang bahay na naaayon sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ). Hangarin din ng LGU na maghatid ng masustansiya at sariwang pagkain sa kanilang mga mamamayan.

Locally sourced ang mga produkto para matulungan din ang mga producer. Gayunpaman, nakiusap ang mga manininda at producer na isang araw kada linggo ito gagawin para hindi masyadong maapektuhan ang kanilang benta. May limit lang din ang dami ng produktong ibebenta dito. Pinayagan ding magtinda ang mga producer ng gulay basta’t mas mababa pa rin ang presyo nito kaysa sa public market.

Sa ngayon, bukas para sa lahat ang nasabing pamilihan. Subalit, ayon sa konsehal, pinaplanong gawin itong para sa mga mahihirap na pamilya lamang pakatapos ng krisis dulot ng COVID-19. 1 milyon ang budget para sa proyekto at plano itong gawing 2 milyon para mas marami ang maserbisyuhan nito.

Ibinunyag ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Sorsogon na mayroon silang natanggap na Social Ameliorat...
28/04/2020

Ibinunyag ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Sorsogon na mayroon silang natanggap na Social Amelioration Program (SAP) Form kung saan nakapangalan ang mga ito sa mismong asawa ng ilang barangay chairman.

Sa isang panayam sa nasabing opisina, sinabi nito na kanila nang naimbalido ang mga naturang form at iba pang parehong kaso na kinasasangkutan ng ilang barangay kagawad. Muling isinalang ang mga form sa reprinting upang magamit ng iba pang kwalipikadong benepisyaryo.

Paglilinaw ng CSWDO, hindi na dapat pang pangalanan at isapubliko ang mga ganitong kaso dahil malaki ang magiging epekto nito sa barangay at sa halip ay pagtuunan na lamang ng pansin ang mabilis na pagsumite ng mga form at maayos na pamimigay ng ayuda.

Pinuna ng ilang konsehal ng Lungsod ng Sorsogon ang naging hakbang ng mga nasa hanay ng kapulisan sa pagpapatupad na gui...
28/04/2020

Pinuna ng ilang konsehal ng Lungsod ng Sorsogon ang naging hakbang ng mga nasa hanay ng kapulisan sa pagpapatupad na guidelines sa ilalim ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay City Councilor Nestor Baldon, bilang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP), hindi niya kinukunsinte ang paglabag sa ECQ ngunit kinakailangang maayos din ang pakikitungo ng mga pulis sa mga nahuling indibidwal at pangasiwaan ang sitwasyon sa mahinahon na pamamaraan.

Ang pahayag na ito ay bunsod ng mga natanggap nilang reklamo mula sa ilang indibidwal na nagsasabing hindi umano lihitimo ang operasyon ng kapulisan at tila hindi nila sinusunod ang protocol sa tamang panghuhuli.

Nanawagan ang konsehal sa kapulisan na panatilihin ang pagiging propesyunal sa mga isinasagawang operasyon at pakikitungo sa publiko na kanilang pinag-aalayan ng kanilang serbisyo.

Umapela ang Committee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon sa mga motorcycle dealer na bigyan ng kons...
27/04/2020

Umapela ang Committee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon sa mga motorcycle dealer na bigyan ng konsiderasyon ang mga mayroong hinuhulugan o installment sa motorsiklo.

Ayon kay City Councilor Franco Eric Ravanilla, Chairman ng nasabing komite, nais niyang mabigyan ng dalawang buwang palugit ang mga ito sa paghuhulog ng kani-kanilang motorsiklo bilang tulong sa gitna ng krisis dala ng COVID-19 pandemic.

Ibig sabihin kung tatlong taon ang kontratang pinirmahan ng mga ito mula sa mga dealer ay gagawin itong 3 years and 2 months, habang ang mga may limang taong pinirmahang kontrata ay pareho rin ang magiging sistema.

Umaasa ang opisyal na magiging positibo ang tugon dito ng mga motorcycle dealer sa lungsod.

26/04/2020

WIN WIN sa Quarantine Grand Raffle Draw. Ikaw na kaya ang nanalo ng P1000 worth of grocery items? Panoorin!

Congratulations to our Grand Prize Winner! 🎉🎉🎉

Jenalyn Liporada Camo

Hintayin niyo lang po ang confirmation message na isi-send namin sa inyong Messenger. Maraming salamat at congratulations!

26/04/2020

Abangan mamaya ang Grand Raffle Draw natin sa WIN WIN sa QUARANTINE.

Nagsagawa ng operasyon ang PNP Sorsogon City at Traffic Management, Emergency, and Civil Security (TMECS) upang hulihin ...
24/04/2020

Nagsagawa ng operasyon ang PNP Sorsogon City at Traffic Management, Emergency, and Civil Security (TMECS) upang hulihin ang mga tricycle driver na lumalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) guidelines.

Naalarma ang PNP at TMECS sa dami ng mga tricycle sa sentro ng lungsod. Sa kanilang pag-iinspeksyon, napag-alaman nila na walang dalang ECQ pass ang mga nahuling tricycle driver.

Paalala ni Arnel Anchinges, head ng TMECS, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pamamasada ng mga pampublikong sasakyan habang sumasailalim ang buong probinsya sa ECQ.

LOOK: Ilang araw nang namamahagi ng libreng lugaw ang Local Government Unit (LGU) ng Casiguran. Inililibot ito ng LGU sa...
24/04/2020

LOOK: Ilang araw nang namamahagi ng libreng lugaw ang Local Government Unit (LGU) ng Casiguran. Inililibot ito ng LGU sa mga barangay sa loob ng kanilang bayan.

Ikinatuwa naman ito ng mga residente dahil kahit papaano ay may pantawid gutom sila sa panahon ng krisis sa COVID-19. Magdala lang ng lalagyan para mabigyan ng meryendahan.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapitolista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kapitolista:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share