Roe TV

Roe TV Inspirational and Motivational Vlogs and Picture Messages! :)

Youtube Channel: https://youtube.com/roetv19 Like and Subscribe!

For something great. 💯🎯
13/07/2024

For something great. 💯🎯

Kung sakaling man walang nagsasabi sa'yo,Gusto kong malaman mo na, Proud ako sa'yo. 💙
12/10/2023

Kung sakaling man walang nagsasabi sa'yo,
Gusto kong malaman mo na, Proud ako sa'yo. 💙

Minsan sa sobrang focus natin sa mga nais marating sa buhay,nakakalimutan natin maging masaya.Nababahala tayo sa kung an...
13/06/2023

Minsan sa sobrang focus natin sa mga nais marating sa buhay,
nakakalimutan natin maging masaya.

Nababahala tayo sa kung anong meron ang 'bukas',
Nakakaligtaan natin ang 'ngayon'.

Kaya mag-slow down ka muna,
Pabagalin mo muna ang ikot ng mundo mo.

Para mas makita mo ang iba pang mahahalagang bagay sa buhay.
Tara, pahinga muna tayo.
-Roe

BAGUIO 2023, 4D3N Itinerary Guidewith Valleypoint CampsiteTranspo:-Luxury Bus Pangasinan Solid North, PITX to Baguio vv....
07/04/2023

BAGUIO 2023, 4D3N Itinerary Guide
with Valleypoint Campsite

Transpo:
-Luxury Bus Pangasinan Solid North, PITX to Baguio vv. (850php/pax/way)
To book, visit https://biyaheroes.com
-Around Baguio, (80-220php/ride for Taxi, 12-30php for Jeep)

Hotel/Room Booking:
-Airbnb, you can choose depends on number of Pax, near baguio center, etc. (1.5k to 3kphp/day)
-Valleypoint Campsite, check FB page and message for more info.
(1.5k to 4.5kphp/day)

-No Covid Test Required
-Amount may be different / price may vary (others- estimation only)

DAY 1
2AM - ETD PITX to Baguio; 7AM - ETA Baguio
Morning
- Breakfast, Early Check in (if possible)
- Burnham Park, enjoy rent a bike/boat (100-200php/rent), other activities.
- Lunch at SM Baguio
Afternoon:
- Botanical Garden (Entrance: 100php/head)
- Mines View Park (Free Entrance that time)
- Camp John Hay (No entrance fee)

Day 2
Morning
- Strawberry Farm (No entrance fee / 780php for group picking)
- Valley of Colors (No entrance fee)
- Bell Church (Entrance Fee - 20php/pax)
- Lunch at Good Taste Restau (Super sulit! Around 190-250php/meal)
Afternoon
- Wright Park
- The Mansion (No entrance fee)
- Bamboo Sanctuary (No entrance fee, donations only)
Night
- Skyranch (Entrance Fee - 80php)
- Night Market

Day 3
Morning
- Our Lady of Lourdes Grotto
- Mirador (Entrance Fee - 150php)
Check-Out
Afternoon
- Transfer and Check in to Valleypoint Campsite
(200-300php transpo from Burnham)
-Enjoy the cold weather and amazing view

Day 4
Morning
- Explore activities at Valleypoint Campsite
- Archery and Airsoft (Included)
- Foods (Included)
- Check-Out
Afternoon
- Pasalubong Time
- Going back to Manila

Ito, ramdam ang pagod na pang limang buwan. 😅
31/01/2023

Ito, ramdam ang pagod na pang limang buwan. 😅

Hindi mo naman gusto sumuko pero minsan ang bigat lang talaga. 😔
18/01/2023

Hindi mo naman gusto sumuko pero minsan ang bigat lang talaga. 😔

Bago matapos ang taon na ito, gusto ko magpasalamat sa lahat na naging parte ng 2022 ko. Sa aking Pamilya't kaibigan, sa...
31/12/2022

Bago matapos ang taon na ito, gusto ko magpasalamat sa lahat na naging parte ng 2022 ko. Sa aking Pamilya't kaibigan, sa mga taong hindi nang-iwan at walang sawang sumusuporta, Maraming Salamat!

Higit sa lahat, sa Panginoon na kailanma'y hindi tayo pinabayaan. Wala kang kapantay! Muli, SALAMAT 2022. Salubungin natin ang bagong taon na punong-puno nang saya't pagpapala! 🤍🖤

Sana sa bawat pagpuna sa mga pagbabagong nakikita mo, isipin mo ulit muna kung makakatulong ba ito sa taong pagsasabihan...
13/11/2022

Sana sa bawat pagpuna sa mga pagbabagong nakikita mo, isipin mo ulit muna kung makakatulong ba ito sa taong pagsasabihan mo dahil hindi madaling ibalik 'yung 'confidence' na pilit binubuo muli dahil sa mga pagsubok at hindi magandang pangyayari sa buhay. 😌 _roe

Minsan, gusto ko maging makasarili.'Yun tipong hindi mo kailangan ikonsider ang ibang tao sa lahat ng desisyon at panini...
29/10/2022

Minsan, gusto ko maging makasarili.

'Yun tipong hindi mo kailangan ikonsider ang ibang tao sa lahat ng desisyon at paniniwala mo.

Bahala sila kung anong isipin nila, kung ano maging sitwasyon nila.
Wala kang pakialam ano man maramdaman nila kasi ganon din naman sila sa'yo.

'Yung sarili mo lang muna ang kailangan mong isipin, ingatan, suportahan at alagaan.

Kaso hindi ko kaya, hindi ko magawa.
Palaging ikaw ang nagbibigay pero kahit kailan hindi ka nakatanggap.

Suporta.
Pang-unawa.

_roetv

💯
18/10/2022

💯

25/07/2022

Simple Reminder 🙏⌚

Tandaan mo, Mahal kita.. palagi. 🥺
19/07/2022

Tandaan mo, Mahal kita.. palagi. 🥺

Meron pa tayong kalahating taon ngayong 2022 para bumawi!Hello July! 🤗
01/07/2022

Meron pa tayong kalahating taon ngayong 2022 para bumawi!
Hello July! 🤗

'Yung pakiramdam na hindi ka masaya, pero hindi ka rin malungkot. 😐
08/06/2022

'Yung pakiramdam na hindi ka masaya, pero hindi ka rin malungkot. 😐

🙏
29/05/2022

🙏

"Umuulan na naman."Madalas tayong naiinis sa tuwing may lakad tayo pagkatapos ay biglang uulan, minsan tuloy naiisip nat...
19/05/2022

"Umuulan na naman."

Madalas tayong naiinis sa tuwing may lakad tayo pagkatapos ay biglang uulan, minsan tuloy naiisip natin na 'wag na tumuloy at ipagpaliban na lang sa ibang araw.

O di kaya naman tulad ko ngayon na naghihintay tumila ang ulan kahit na alam kong matagal-tagal pa sa sobrang dilim ng kalangitan.

Habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan, ganoon din lumalalim ang aking kaisipan. Marahil ay nararanasan niyo rin na sa bawat hampas ng malamig na hangin ay tila ba bumabalik tayo sa nakaraan kung saan naaalala natin ang magkahalong masasaya at malulungkot na nangyari sa'ting buhay.

Sa paghigop ko sa mainit na kape, narinig ko ang mga sigawan na mga batang dali-daling lumabas sa iskinita para maligo at maglaro sa kasagsagan nang malakas na ulan.

Hindi alintana ang kulog at kidlat dahil mas nakatuon ang atensyon nila sa mga kalaro kung saan nag-uunahan pa sumahod sa bubong na mas malakas ang agos.

Nahuli ko ang sarili na nakangiti habang pinapanood sila at naalala ang mga sandali noong ako'y bata pa lamang. Isang bata na minsa'y humihiling nang malakas na ulan para makaligo kasama ang mga kaibigan ko, kahit hindi ko pa alam kung papayagan ako ni Mama dahil sa takot na magkasakit at sipunin.

Minsan sa sobrang dami nating pinapangarap, mga bagay na gusto marating, mga hiling na pilit inaabot, nakakalimutan natin alalahanin ang mga simpleng pangyayari na hanggang sa ngayon nasa puso't isipan pa rin natin.

Nawa'y sa ating pagtanda, 'Wag natin kalimutan ang isa sa pinakamahalagang bagay na naituro satin habang nagtatampisaw tayo sa ulan.

Na sa bawat pagpatak nito, ang katumbas ay walang kapantay na kasiyahan.

Kaya naisipan ko na rin sumugod at muling damhin ito.
Tara! Maligo ulit tayo sa ulan. -Roe

18/05/2022

Nawa'y gumaan ang iyong pakiramdam, pagkatapos ng ulan.

🌹
13/05/2022

🌹

Nakakapagod sa mundo. Tara, magpahinga muna.

Behold BOHOL 4D3N ItineraryHighly Recommended Tourist GuideMs. Mhau of Bohol Tour & Services Package  (PM for more info)...
05/04/2022

Behold BOHOL 4D3N Itinerary
Highly Recommended Tourist Guide
Ms. Mhau of Bohol Tour & Services Package (PM for more info)
Direct with Lowest Tour Offers, contact 09359362900

Day 1 - Arrival, Check-In & Panglao Tour
9:30AM - Arrived in Panglao International Airport
10:00AM to 12NN - Late Breakfast, Hotel Check-In
Hotel : Ecostay Panglao Hotel
(Budget friendly as low as 999php, Free Breakfast)
1:00PM - Start of Panglao Tour
1:30PM - Late Lunch at Bohol Bee Farm
(Food - 380php/meal, 1.5k-3k for group meals)
3:00PM - Hinagdanan Cave
(Entrance Fee - 50php / 75php if mag-swimming)
4:00PM - Dauis Church / Panglao Church
5:30PM - South Palm Resort Beach for Sunset
(No entrance fee - You can buy food in restaurant)

Day 2 - Countryside Tour
8:00AM - Sikatuna Mirrors of the World
(Entrance - 150php / opt. 10php rent for Umbrella)
10:00AM - ATV Experience with Chocolate Hills Overview
(1,000php/pax for 1 hour with Tour Guide)
1:00PM - Chocolate Hills
(Entrance - 100php/pax)
1:20PM - Bohol Enchated (Tarsier, Butterfly)
(Entrance - 100php/pax)
2:00PM - Man made forest
2:30PM - Late Lunch at Loboc River Floating Restaurant
(Buffet - 850php/pax - Worth it!)
4:00PM - Phyton & Butterfly Sanctuary
(Entrance - 100php/pax)
5:30PM - Souvenir Shops / Pasalubong Stores

Day 3 - Anda Tour
6:00AM - ETD Hotel Panglao, Early Bfast at Jollibee/McDo
9:00AM - Cadapdapan Rice Terraces
(Envirofee - 100php/pax includes Tour Guide Fee)
10:30AM - Umantad Water Falls
(Envirofee - 30php/pax - Habal Habal Ride 100php vv)
1:00PM - Late Lunch at Anda Beach

Day 4 - Island Hopping
5:30AM - ETD Hotel, Early Breakfast at Jollibee/McDo
6:30AM - Dolphin Watching
8:15AM - Fish Feeding and Turtle Sanctuary
(Rental of Dive/Snorkeling G/ Fins - 150php to 450php)
10:00AM -Virgin Island, Lunch.
(Food - 250php to 500php/meal)
1:00PM - Hotel Check out, Airport Transfer.

Price / Info may vary, this is simple guide only, actual prices/experience may be different. Thank you.

Every day has a new beginning, a new blessing and a new hope. 💛
25/03/2022

Every day has a new beginning, a new blessing and a new hope. 💛

27/02/2022

🖤

"Hindi mo man makamit lahat ng pangarap mo,Ibibigay pa rin sayo ni Lord ang mga bagay na para sa'yo, Hindi man natin nga...
09/02/2022

"Hindi mo man makamit lahat ng pangarap mo,
Ibibigay pa rin sayo ni Lord ang mga bagay na para sa'yo,
Hindi man natin ngayon maintindihan ang kaniyang plano,
Alam kong darating ang panahon masasagot rin lahat ng "bakit" at "paano".
-Roe

"Ilang beses mo nakikita ang iyong sarili na tulala, malalim ang iniisip, hindi sigurado sa nararamdaman, lumilipad sa k...
02/02/2022

"Ilang beses mo nakikita ang iyong sarili na tulala, malalim ang iniisip, hindi sigurado sa nararamdaman, lumilipad sa kawalan at papalayo sa realidad. Sa isang iglap, ang mundo mo'y mabubuhay muli sa nakaraan. Paulit-ulit ang mga pangyayari at nagpapatuloy kahit alam mo na kung saan ito magtatapos --sa sakit at pighati.

Subalit sa kalagitnaan ay may tumapik, nahinto ang patuloy mong pag-iisip, hinihila ka pabalik at tinutulungan kang magising. Sa pagpatak ng luha mo'y naramdaman mong saglit kang nawala at sa pagmulat ng mga mata ay nakita mo sa salamin, isang taong lumalaban araw-araw, kinakaya bawat problema, hindi susuko kahit may dinadala. Handang lumaban kahit masakit, kahit minsan pakiramdam ay hindi na kaya. --Sa huli, ang katuwang ay iyong sarili" -Roe

We all deserve HAPPINESS. 🥺❤️
31/01/2022

We all deserve HAPPINESS. 🥺❤️

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Roe TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Roe TV:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share