Raffy Tulfo in Action

  • Home
  • Raffy Tulfo in Action

Raffy Tulfo in Action Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Raffy Tulfo in Action, Digital creator, .

07/12/2023

789 minus mo edad mo plus 1234 lalabas Yung kailan ka pinanganak

07/12/2023
07/12/2023
07/12/2023

Happy Birthday to the love of my life 🎂

Thank you for bringing so much joy into our lives, Gray. You deserve all the love the world can give. Know that we are always here to guide you and support you in whatever you want to do in life 🧸 Wishing for you to be a good boy, be in help to those who are in need and enjoy whatever life has to offer 🥳

We love you so very much! To more adventures and memories together đź’«
Let’s celebrate you today my love 🥰
Grayson Maxwell Tulfo Tungol

07/12/2023
07/12/2023

Intimate dinner for Grayson Maxwell Tulfo Tungol 🎂

We love you so much! 🤗

Jocelyn Tulfo
Maricel Tulfo-Tungol
Congressman Ralph Tulfo
Garreth Tungol

07/12/2023

Nobyembre 29 — Nakalaya na mula sa kamay ng grupong Hamas ang isa pang Filipino hostage na si Noralyn Babadilla at siya ay ligtas nang nakabalik sa Israel. Ito ay inanunsyo mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw.

Si Noralyn ang pangalawang Pinoy na pinalaya ng Hamas matapos pakawalan rin ng nasabing grupo ang Filipino caregiver na si Gelienor “Jimmy” Pacheco noong Biyernes, Nobyembre 24.

Kinumpira rin ni PBBM na accounted for na ang lahat ng Filipino na apektado ng gulo sa Israel.

Masaya si Sen. Idol Raffy Tulfo, na Chairperson ng Senate Committe on Migrant Workers, sa balitang ito. At pinasalamatan niya ang Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamumuno ni PBBM, sa pupusan at matagumpay nitong pakikipagugnayan sa gobyerno ng Israel at Qatar na naging daan para mailigtas ang mga kababayan natin sa panganib.

Dalangin ni Sen. Idol na patuloy na maging ligtas ang ating mga kababayang kasalukuyang naninirahan o nagtatrabaho pa rin sa Israel, kabilang na si Noralyn, at si Jimmy na babalik doon matapos lamang mag-Christmas break sa Pinas.

07/12/2023
07/12/2023

Disyembre 3 — Sa kasalukuyan, umabot na sa 50 ang naiulat na bilang ng mga nasugatan habang nananatili naman sa 4 ang naitalang nasawi sa nangyaring pagsabog sa loob mismo ng Mindanao State University (MSU) Main Campus Gymnasium sa Marawi City kaninang umaga. Ang nasabing pagsabog ay nangyari habang nagsasagawa ng misa ang catholic community nila roon.

Ikinabahala ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang kalunos-lunos na pangyayaring ito ngunit siniguro niya sa mga kababayan natin doon na ang ating mga law enforcer, pati na rin ang AFP, ay gumagalaw na upang panatilihin ang seguridad sa Marawi.

Sa kabilang banda, ay patuloy na minomonitor ni Sen. Idol ang imbestigasyon na isinasagawa Philippine National Police (PNP) para malaman ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang gumugulong na ang imbestigasyon. Gayundin, inaalam na rin ng PNP kung granada o improvised explosive device (IED) ang ginamit ng mga salarin.

Ayon kay Sen. Idol, walang puwang kailanman ang anumang klaseng karahasan sa ating lipunan lalo na't kung kapwa Pilipino natin ang walang habas na pinapatay.

Ipinapaabot rin ni Sen. Tulfo ang taos-puso niyang pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng mga nasawing biktima. Sinabi niya na makakaasa rin ang lahat ng mga nasaktan na hindi sila pababayaan ng ating gobyerno, lalo pa ng national government.

07/12/2023
07/12/2023

Pagbati para sa mga bagong abogado ng bayan na pumasa sa 2023 Bar Examinations!

Kasabay ng pagdami ng abogado sa bansa, ay hiling ko na dumami rin ang magbibigay tulong sa mga kababayan nating inaapi para makakuha sila ng hustisya.

Makakaasa rin kayo na patuloy kong isusulong hanggang ganap nang maging batas ang Senate Bill No. 1610 o “Free Legal Education Act of 2023.” Ang panukalang batas na ito ay magbibigay ng libreng tuition fees at iba pang school fees para sa mga kwalipikadong law students sa state universities at colleges.

Gayundin, makakatulong ito sa problema ng kakulangan ng empleyado sa legal na propesyon sa pamamagitan ng mandatory return service ng mga scholars na magtratrabaho sa Public Attorney’s Office (PAO) o sa anumang ahensya ng gobyerno na may kakulangan sa abogado sa loob ng dalawang taon.

Muli, congratulations to all Bar passers! We are proud of you!

07/12/2023

Disyembre 6, 2023 – Matagumpay na naresolba ng Senado at House of Representatives sa isang bicameral conference meeting ngayong araw ang mga hindi nagtutugmang probisyon ng Upper at Lower Houses sa Magna Carta of Filipino Seafarers.

Pinamunuan ni Sen. Idol Raffy Tulfo, na Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, ang Senate panel. Kabilang dito sina Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva, Sen. Chiz Escudero, Sen. Risa Hontiveros, at Sen. Imee Marcos.

Sa kabilang banda, ang House panel ay pinangunahan ni House Chairperson on Migrant Workers Kabayan Partylist Rep. Ron Salo. Kasama niya sina OFW Partylist Rep. Marissa Magsino, MARINO Partylist Rep. Sandro Gonzalez, Zamboanga 1st District Rep. Khymer Adan Olaso, at Pangasinan 6th District Rep. Marlyn Primicias-Agabas.

Kabilang sa mga naresolba ng mga Senador at House representatives sa nasabing pagpupulong ay ang probisyon sa escrow.

Bilang principal sponsor at isa sa mga authors ng Magna Carta of Filipino Seafarers sa Senado, lubos ang pasasalamat ni Sen. Idol sa mga kapwa niya Senador at representatives mula sa House sa kanilang kooperasyon para maplantsa na ang mga probisyon ng nasabing panukalang batas at pagsisikap para maging ganap na itong batas.

07/12/2023
07/12/2023

Super astig ang "The Real Robust Challenge" Awards Night dahil sa presence ni Idol Raffy Tulfo! Salamat sa pangmalakasan at pangmatagalan na partnership, Idol!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Raffy Tulfo in Action posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share