13/05/2024
I LET MY BOYFRIEND DANCE MY BESTFRIEND ON HER 18TH BIRTHDAY
"Love, I can't do that!"
He sat beside me, shaking his head and begging that I'll take back what I said earlier. I grab his hand.
"Please? Just for once, Summer needs a man who will dance with her eighteen roses. I want you to be her last dance, Jerome."
Kinuha niya ang kamay niya na hawak ko. "Now, you're calling me by my name. Are you insane? Why are you doing this to me?"
Napahilamos ako sa mukha ko. Naiinis na ako.
"Just do it. Pag ginawa mo 'yon, I let you taste my body, I will let you impregnate me. Just like what you want."
He smiled then cupped my face and kiss me on my lips.
"I love you. I will do everything what you want kung ganyan ang premyo." he said then bit my lower lip.
Ngumiti ako pagkatapos niya akong halikan. I know that I love my bestfriend so much, sana maintindihan niya na kailangan niya 'yong gawin.
Five days had passed at isang araw na lang birthday na ni Summer. I'm one of her eighteen treasure kaya kailangan kong mag handa ng isusuot because she want us to wear a dress.
A familiar sounds suddenly noise, i look at my phone and summer is calling I swipe it up to answer.
"Hello, Precious?"
Hindi muna ako sumagot, nagpakawala muna ako ng hininga bago nagsalita. "Hello, Sumner. Bakit ka napatawag? Is there anything wrong?"
Naririnig ko ang ingay sa linya niya, maraming tao ang nagsasalita, siguro dahil naghahanda na sila para bukas.
"Why did you let Jerome to be my last dance?"
When the moment she said that, a sudden pain I felt in my heart. I cheer myself not to cry, ayoko naman kasi talaga na ipasayaw si Jerome kay Summer, pero ayokong may ibang lalaki ang makakahawak sa bestfriend ko.
"Why not? I'm your bestfriend at saka, wala namang malisya pag sinayaw ka niya diba?"
A moment of silent.
"O-oo naman, wala! Jerome is like my brother kaya thank you talaga, Precious. Ang swerte ko dahil ikaw ang naging bestfriend ko, you always make me happy!"
Ramdam ko ang saya sa boses niya, totoo naman kasi ang sinabi niya na parang kuya niya lang si Jerome at ganon din naman si Jerome sakanya. Tinuring niyang nakababatang kapatid si Summer dahil wala itong kapatid na babae.
"Welcome, Summer. Kailangan ko ng i-end ang call, marami kasi akong ginawa sa shop ni mama, she needs my help. See you tomorrow, Summer. I love you!"
Hindi ko na siya pinasagot, pinatay ko na agad ang tawag. Ayokong marinig niya ang iyak ko. I can't imagine my man dancing with my bestfriend. Hindi ko kaya pero kailangan kong gawin.
Buong gabi akong nagsulat ng speech ko para kay Summer bukas. I'm her last treasure kaya kailangan habaan ang speech ko.
Pagkaumaga ay agad akong nag handa para mamaya. I look at my black dress, it will fit on me kaya? Babagay kaya ito sa'kin? Jerome buy me this dress kaya tuwang tuwa ako.
Pag patak ng alas singko ng hapon ay nagbihis na ako. Nag make up na rin ng light dahil hindi ako sanay mag make up, naglagay na rin konting lipstick. Sinuot ko na rin ang dress na binili ni Jerome sa'kin. I look at myself in the mirror. Okay naman ang dress, above the knee ito kaya kitang kita ang legs ko na hindi ko masyadong ini-expose. Ng maramdamang okay at komportable na ako ay agad akong bumaba.
Sa pagbaba ko ay hindi ko inaasahang nandoon si Jerome sa baba, naka black polo ito na nagpa gwapo lalo sakanya. He look at me, ni hindi inaalis ang tingin niya sa'kin hanggang nakababa na ako.
He hold my hand. "Wow. You're so beautiful in your dress. I'm so lucky to have you, Love."
Ngumiti ako sakanya. "Napaka bolero naman ng boyfriend ko." sabay hampas sakanya ng mahina.
"Hindi ako bolero, Love. Totoong maganda ka sa dress na binili ko sayo."
Napatawa na lang ako at umalis na kami ng bahay inilagay ko na rin ang regalo ko kay Summer sa kotse ni Jerome at dumiretso na kami agad sa bahay nila Summer. Summer is rich, kaya napaka engrande ng birthday niya ngayon dahil nag iisang anak lang din siya kagaya ko.
Pagdating namin ay agad kaming sinalubong ng dagat dagat na tao. Maraming tao ang dumalo, nakikita ko rin ang ibang kaklase namin noon at ngayon, lahat imbitado meron ding matatanda na siguro ka business partner ng daddy niya.
Dumiretso kami sa table namin kung saan kasama ko si Jerome at mga tropa namin.
"Woah, the couple is here! And look at Precious, she's so beautiful!" natasha souted kaya lahat ng tropa namin ay napatingin sakin.
Nagsimula na ang party at kailangan ng bumaba ni Summer, so Jerome excuse himself para pumunta malapit sa stair para alalayan siya mag lakad papunta sa upuan niya.
At unang ginanap ay yung eighteen candle sunod naman ay eighteen roses. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng makitang patapos na ang sayaw ni Summer at ng daddy niya at sunod nun ay si Jerome na.
Hinawakan ako ni Natasha sa balikat at nag tanong. "Okay ka lang ba, Cious?" tumango na lang ako bilang sagot. I couldn't talk.
Ng makitang isinayaw na ni Jerome si Summer hindi ko napigilan ang luhang tumulo sa mata ko. Bakit? Bakit ganito ka sakit eh sumasayaw lang naman sila? Nakahawak lang naman ang kamay ni Jerome sa bewang ni Summer.
"Okay ka lang ba talaga?" natasha asked again and this time napailing na ako.
"Masaya lang ako na may huling kasayaw si Summer." sagot ko na lang at ibinalik ang tuon sakanila. Ang saya saya nila, nag uusap sila habang nagsasayaw. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng boyfriend ko.
Ng matapos ang eighteen roses lumapit agad sakin si Jerome at hinalikan ako sa labi. Niyakap ko siya ng mahigpit sabay sabing "Thank you for dancing my bestfriend, Love."
Tumango lang ito. Tinuro niya ang nakapilang babae na ngayon ay nakatayo na. "Pumunta ka na doon. Malapit ka na, yung regalo mo ibibigay ko na lang mamaya pag ikaw na ang nag speech."
Naghintay ako ng ilang minuto, mga classmate ko noon na naging bestfriend ni Summer ang mga kasama ko. Si Natasha na ang nagsasalita at malapit na itong matapos. Ako na agad ang susunod.
Napabuntong hininga ako. Kinakabahan sa sasabihin ko. Ng ako na, nanginiginig kong hinawakan ang mikropono.
Binasa ko ang labi ko, "Uhm. Happy birthday, Summer! Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero nagsimula ang friendship natin noong nagsumbong ka sakin na kinuha yung lollipop mo ng kaklase natin noong kinder tayo, so ayun pinagtanggol kita kaya nakasanayan mong pinagtatanggol kita lagi. At hanggang ngayon lagi kang nagpapatanggol sakin kasi takot kang makipag-away. Summer, take this gift of mine, simple lang 'to pero alam kong magugustuhan mo 'to."
Tumayo si Jerome na hawak hawak yung regalong ibibigay ko. "Pwede bang ikaw na mag bigay ng regalo ko, at 'wag ka munang umalis sa harap niya." bulong ko kay jerome. Tumago lang ito at naglakad papunta kay Summer.
"Pwede bang buksan mo?"
Nagtataka ito. Dapat mamaya pa 'yan bubuksan. Wala na itong nagawa kundi buksan ang regalo ko. Ng mabuksan niya at kinuha niya agad ang mikroponong nasa tabi niya.
"Walang laman?" sabi niya.
"Wala ba?" sabay pahid ko ng luha. "Walang laman kasi nasa harap mo ang regalo ko. Si Jerome ang regalo ko sayo,"
Hindi ko napigilan ang pag hikbi ko. Inalalayan ako ni Natasha.
"I know you want him. I know that you love him, that why I'm giving boyfriend to you. Kasi," napahikbi ulit ako.
"Kasi, ang boyfriend ko, ay boyfriend mo rin kapag wala ako sa harap niyo. Masakit pero, I want you both to be happy kasi baka ako lang yung naging hadlang sa pag-iibigan niyo."
Post from year 2020
Credits to: Luca Zed
(cannot find the original link anymore)