06/01/2024
Minsan gusto kong magtampo. Gusto kong mag-open up. Gusto kong umamin how much their actions affects me. Pero nandoon yung thought na baka isipin nila napaka-arte ko. Na ang oa ko, onting bagay lang umiiyak agad ako. Have you ever wanted to let it all out but you can't dahil para sa iba, maliit lang 'yon pero para sa'yo, iba 'yung impact. Para kasing kasalanan mo pa na gano'n ka ka-sensitive kaya mas mabuting manahimik na lang. Have you experienced it? Yung feeling na mag-isa kang nakaupo sa kwarto mo tapos ang lalim ng mga iniisip mo. Hindi ka naman umiiyak but you just feel empty and sad replaying moments from your life wondering where did it all go wrong. Hindi kasi ako vocal na tao. I dont tell what I really feel, kahit hindi na okay sakin yung isang bagay mas pipiliin ko pa rin na manahimik nalang. Kahit nasasaktan na ako mas gugustuhin kong dumistansya kesa ipaliwanag yung dahilan. Yun siguro yung dahilan kung bakit akala nila wala akong pakialam, na okay lang sakin lahat. But the truth is, I notice everything. Hindi ko lang sinasabi pero ramdam ko lahat. Behind the smile na ipinapakita ko, there are thousands of pain na matagal ko ng tinatago— sa family issue, sa friends, sa sarili ko. Sobrang bigat na sa dibdib. I always wanted to end my life but still andun pa rin yung hope na sana matapos na 'to. But then again, everytime na gigising ako in the morning, problems na naman yung bubungad sakin. Hanggang sa nasanay na'ko. Pero mahirap mag-pretend, sobrang nakakapagod. They'll say to you na, "Buti ka pa ang saya saya mo". But they don't know na meron ka ding itinatago. That's the most painful.