02/04/2024
LESSONS FROM SARDIS
Revelation 3:1-6
______________________
Imagine: May napaka importante kang pinaghahandaan bukas ng umaga. So nag alarm ka, natulog, tapos kinaumagahan, nagsnooze ka ng alarm mo, tapos tinanghali ka ng gising at namiss mo na yung importanteng pinaghandaan mo. Kung nagawa mo na to, alam mo yung feeling na parang may tumama sayo na mapapangiwi ka nalang.
May serious consequences ang carelessness. At alam to ng city of Sardis.
Ang Sardis at minsang tinaguriang jewel of Lydian empire: isang napakagandang city na nakapwesto sa isang well-defended area. Pero, ang advantageous location nito ang nagdala sa mga taga rito para maging arogante at masyadong confident. Ang tingin nila sa sarili nila ay mga invincible sila o di basta basta babagsak. Pero nung 546 BC, sinalakay sila ng mga Persian invaders, kinuha ang mga yaman nila, at iniwang wasak ang city. Nangyari ito kasi nakatulog yung mga bantay sa gate ng city kaya naiwang walang guard ang city. Isa itong simpleng pagkakamali na nagdulot ng malalang epekto.
Isang attack lang ay sobrang lala na, kaso, nangyari ulit ito. After 300 years, noong 214 BC, mga Syrians naman ang sumalakay sa Sardis kung paano sila napasok ng mga Persians noon.
Ang city na dapat well-defended, eh naiwang sira sira dahil sa kanilang arrogance at complacency. Makikita natin sa history ng Sardis na malaki ang kabayaran ng pagtulog o pagwalang bahala sa importanteng mga pangyayari.
Kaya nang sabihin ni Jesus sa Revelation ang mga salitang "Wake Up!", talagang tumama sa mga taga Sardis ito. Dahil para sa isang city na kilala sa kanilang matinding pagbagsak, ang mga salita ni Jesus ay parang malakas na alarm.
Pero kahit na binibigyan sila ng warning ni Jesus, nagsasalita Siya ng may love. Hindi Siya nagwawarn sa Church para icondemn sila. Ginawa Niya ito para ibalik sila na magfocus sa dapat at importante nilang dapat gawin. Hindi gusto ni Lord na mawasak ang Church dahil sa apathy (walang pake) nito o bihagin ng makamundo mga pananaw dahil sila ay tulog spiritually. Gusto Niyang gumising, bumangon, at ipaglaban ng Church ang kanilang pananampalataya.
Isa tong wake up call na kailangan din natin sa mga buhay natin ngayon.
Alam nating nabubuhay tayo sa isang broken na mundo na kailangan si Jesus. At tayo bilang mga representatives ni God ay inutusan na ishare ang Kanyang message of hope. Pero, tulad ng mga taga Sardis, madalas tayong nagiging apathetic sa bitbit nating mabuting Balita. Pero hindi ito dapat magtuloy na ganito.
Salamat na lang, may dalang solution ang message ni Jesus para sa pagiging tulog spiritually. Di lang warning ang binigay ni Lord sa kanila kundi pati instructions kung paano maging alerto. 3 practical steps ang binigay ni Lord para magising at makakilos ang bawat believer.
First, "STRENGTHEN WHAT REMAINS".
Pinapaalala ni Lord sa atin na ang battle for faith ay dipa tapos pero lagi tayong may pag-asa kay Jesus.
2nd, "REMEMBER WHAT YOU HAVE RECEIVED AND HEARD."
Ineencourage tayo ni Lord na bumalik sa basics lalo na kapag nagsstrugle tayo. Sometimes looking backwards actually moves us forward. Alalahanin natin ang Word of God! Isipin natin yung resurrection ni Jesus, ang Kanyang extraordinary grace at kung ano ang halaga nito sa buhay natin.
Finally, "HOLD IT FAST, AND REPENT."
Tinuturuan tayo ni Lord na ivalue ang discipline at magkaroon ng matibay na commitment na maging firm sa pananampalataya. Don't give up, lalo na sa panahon ng taghirap.
Isang susi para lumalim ang ating spiritual devotion ay ito: Wake Up! God's got so much more for you than you know! It's time to rise and shine, and step into all that's ahead of you today. Ito ang alarm clock natin, wag mong snooze ok?