Dito sa Cagayan

  • Home
  • Dito sa Cagayan

Dito sa Cagayan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dito sa Cagayan, Digital creator, .

Ang Palaui Island ay isang walang nakatirang isla na matatagpuan sa hilagang-silangang baybayin ng Luzon sa Cagayan Vall...
18/05/2024

Ang Palaui Island ay isang walang nakatirang isla na matatagpuan sa hilagang-silangang baybayin ng Luzon sa Cagayan Valley.

Ang isla ay kilala para sa hindi nasirang kagandahan ng malinis nitong mga beach. Isa sa mga pinakatanyag na beach sa isla, ang Cape Engaño, na matatagpuan sa hilagang dulo ng isla, ay kilala sa pulbos na puting buhangin, kristal na malinaw na tubig, at nakamamanghang rock formation.

Ang isla ay isang protektadong marine sanctuary na tahanan ng iba't ibang marine life, kabilang ang mga pagong, dolphin, at iba pang species ng isda.

📸ctto

Nagpaabot ng tulong ang Department of Agriculture o DA Region 2 sa mga Mango Growers sa lambak ng Cagayan na apektado da...
17/05/2024

Nagpaabot ng tulong ang Department of Agriculture o DA Region 2 sa mga Mango Growers sa lambak ng Cagayan na apektado dahil sa oversupply ng mangga.

Ayon kay Ma. Rosario Paccarangan, Chief ng Agri-business and Marketing Assistance Division ng DA Region 2 sinabi niya na nakipag-uganyan sa sila sa mga buyers maging sa farmers cooperative and association upang bilhin ang mga inaning mangga ng mga mango growers sa rehiyon.

Limang graduate ng Saint Paul University Philippines (SPUP) ang kasali sa listahan ng national topnotchers sa kalalabas ...
16/05/2024

Limang graduate ng Saint Paul University Philippines (SPUP) ang kasali sa listahan ng national topnotchers sa kalalabas lamang na resulta ng May 2024 Philippines Nurses Licensure Examination.

RANK 2 si JIM JERICO CEDRIC GARO UY na mula sa Piat, Cagayan. Nakapagtala siya ng 91.80% na rating. Nagtapos siya sa SPUP bilang Cum Laude.

RANK 6 naman si ERIKA JOY PAJARILLO NORTADO. Nakapagtala siya ng 90.80% na rating.

RANK 9 naman si ROSITA MALLILLIN TANIO na nakapagtala ng 90.20% na rating.

Samantala, parehas naman na RANK 10 sina DAPHNE MARL LOUISE UBIÑA AQUINO at CZARINA ESPEDIDO JOSE. Nakapagtala sila ng 90% na rating.

Congratulations!

📷 Paulinian Student Nurses Organization- SPUP


General Flood AdvisoriesIssued , 15 May 2024Region 2 (Cagayan Valley) GFA #3Ang mga taong naninirahan malapit sa mga dal...
15/05/2024

General Flood Advisories
Issued , 15 May 2024

Region 2 (Cagayan Valley) GFA #3

Ang mga taong naninirahan malapit sa mga dalisdis ng bundok at sa mabababang lugar sa mga nabanggit na sistema ng ilog at ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Councils ay pinapayuhan pa rin na gumawa ng mga kinakailangang hakbang sa pag-iingat.

Aksidente sa Puncan, Carranglan, Nueva Ecija ng isang Florida Bus at Ten Wheeler Truck around 7:05 AM Monday morning, Ma...
14/05/2024

Aksidente sa Puncan, Carranglan, Nueva Ecija ng isang Florida Bus at Ten Wheeler Truck around 7:05 AM Monday morning, May 13, 2024.

📸 Reymark Alejo Santiago

UNANG GINANG NG CAGAYAN, PANGUNGUNAHAN ANG REGULAR MONTHLY MOBILE MEETING NG RIC SA CALAYAN ISLANDMalugod na sinalubong ...
13/05/2024

UNANG GINANG NG CAGAYAN, PANGUNGUNAHAN ANG REGULAR MONTHLY MOBILE MEETING NG RIC SA CALAYAN ISLAND

Malugod na sinalubong ni First Lady Myrna R. Llopis ng Calayan Island si Atty. Mabel Villarica-Mamba, Unang Ginang ng Cagayan sa kaniyang pagdating sa Isla kahapon, Mayo 12, 2024.

Layon ng pagtungo ni Atty. Mabel Villarica-Mamba sa Calayan na pangunahan ang regular monthly mobile meeting ng Rural Improvement Club (RIC) federation mula Mayo 13 hanggang Mayo 15, 2024.

Kasama rin ni Atty. Villarica-Mamba ang ibang deligasyon ng RIC na mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Tatalakayin sa pulong ang updating hinggil sa RIC Calayan, pagplaplano, at fellowship upang mapahigpit pa ang relasyon at ugnayan ng mga kababaihan sa naturang pederasyon.

Layon rin umano ng mobile monthly meeting ng RIC na isinasagawa sa mga bayan upang maipakilala sa lahat ng opisyal at miyembro ng RIC ang bawat produkto at ang bayan mismo na pagdarausan ng pulong.

Matatandaang na-organisa noong last quarter ng 2023 ang RIC Calayan chapter sa pangunguna ni Unang Ginang Llopis matapos mailuklok bilang RIC Provincial Federation President si Atty. Mabel Mamba na siya ring Regional RIC President sa rehiyon dos.

Mom, thank you for being my anchor in this stormy sea of life. 💕
11/05/2024

Mom, thank you for being my anchor in this stormy sea of life. 💕

Ang mga tauhan ng SWAT ng Tuguegarao Component City Police Station, Cagayan Police Provincial Office ay nagsasagawa ng p...
11/05/2024

Ang mga tauhan ng SWAT ng Tuguegarao Component City Police Station, Cagayan Police Provincial Office ay nagsasagawa ng police visibility sa Night Market sa Mall of the Valley para palakasin ang anti-criminality measures upang maiwasan ang paglitaw ng krimen/insidente sa loob ng area of ​​responsibility.

Pagkatapos na makapagtala ang PAGASA ng matataas na heat index sa Tuguegarao City, Cagayan sa nakalipas na mga araw, nak...
10/05/2024

Pagkatapos na makapagtala ang PAGASA ng matataas na heat index sa Tuguegarao City, Cagayan sa nakalipas na mga araw, nakararanas kanina ang lungsod ng mula sa bahagya hanggang sa malakas na buhos ng ulan.


🍃💧LAPI FALLS ,📍Peñablanca, CagayanMapupuntahan ang Lapi Falls mula sa Tuguegarao City sa pamamagitan ng Tricycle o Priva...
09/05/2024

🍃💧LAPI FALLS ,
📍Peñablanca, Cagayan

Mapupuntahan ang Lapi Falls mula sa Tuguegarao City sa pamamagitan ng Tricycle o Private Van Transport papunta sa kalapit na Peñablanca, Cagayan.

Hinimatay ang komedyanteng si Boobay, habang nagho-host ng isang event sa Aparri, Cagayan kahapon, May 7.Base sa kanyang...
08/05/2024

Hinimatay ang komedyanteng si Boobay, habang nagho-host ng isang event sa Aparri, Cagayan kahapon, May 7.

Base sa kanyang facebook live, OKAY na OKAY siya at nagpapasalamat sa lahat ng nagalala sakanila, anya nahimatay siya dahil sa sobrang lakas ng ilaw.

Ayon sa fb post ni Julius Babao"Malapit nang matapos ang ipinapagawa naming PERMANENT EVACUATION CENTER sa Alcala, Cagay...
07/05/2024

Ayon sa fb post ni Julius Babao

"Malapit nang matapos ang ipinapagawa naming PERMANENT EVACUATION CENTER sa Alcala, Cagayan! Sana ay malaki ang maitulong nito sa mga kababayan natin dyan na madalas sinasalanta ng mga bagyo at baha."

Maraming Salamat po! Madaming kababayan dito sa Cagayan ang matutulungan nito. 💕

Hawak na ng kapulisan ang dalawang lalaki matapos magnakaw ng kambing sa Barangay Capissayan, Gattaran, Cagayan noong Ma...
06/05/2024

Hawak na ng kapulisan ang dalawang lalaki matapos magnakaw ng kambing sa Barangay Capissayan, Gattaran, Cagayan noong Mayo 03, 2024.

Ayon kay Police Major Gary Macadangdang, Chief of police sa naturang bayan, ang mga suspek ay edad 27 at 28 kung saan ang isa ay mula sa Ilocos Norte habang ang isa ay residente naman sa bayan ng Gattaran.

Sinabi ni PMajor Macadangdang, umabot sa apat na kambing ang natangay ng mga suspek na galing sa mga bayan ng Lal-lo, Gonzaga, Baggao, at Gattaran.

Parehong nasa gilid umano ng kalsada ang mga kambing nang isinakay ng mga suspek ang mga ito sa kanilang sasakayan.

Aniya, malaking tulong ang kuhang CCTV footage na kuha ang sasakyan na ginamit ng mga suspek at ibinahagi sa social media ng Barangay Capissayan dahil nang makita ng isang concerned citizen ang kahalintulad na sasakyan ay agad nitong inireport sa kanilang himpilan.

Nahuli ang mga suspek sa Brgy. Fugu sa nasabing bayan na kasalukuyan na umanong ibinebenta ang mga ninakaw na kambing.

Nabatid kay PMajor Macadangdang na nagtrabaho sa Ilocos Norte ang suspek na mula sa Gattaran kaya nakilala nito ang isa pang suspek.

Hindi pa pinapangalanan ni PMajor Macadangdang ang mga suspek dahil kasalukuyan pa umano ang kanilang imbestigasyon at inaalam rin kung may mga kasama pa ang mga ito.

📷PNP-GATTARAN

Naiuwi na ang mga labi ng Pinay na OFW na si Marjorie Saquing-Ancheta sa Barangay Masical, Amulung, Cagayan ngayong Ling...
05/05/2024

Naiuwi na ang mga labi ng Pinay na OFW na si Marjorie Saquing-Ancheta sa Barangay Masical, Amulung, Cagayan ngayong Linggo, May 5. Nasawi ang OFW dahil sa di-inaasahang pagbaha sa Dubai noong Abril.

📷: LGU-Amulung Information Management Office

Intayun agpansit jay TAP'S PANCITERIA!📍 Maharlika Highway, Zone 1, Camasi, Peñablanca, Cagayan, Cagayan Valley.📷 Dwayne ...
04/05/2024

Intayun agpansit jay TAP'S PANCITERIA!

📍 Maharlika Highway, Zone 1, Camasi, Peñablanca, Cagayan, Cagayan Valley.

📷 Dwayne Christian Daguro

Nakapag night market na ba ang lahat? Tara na!📍Along Gomez St. corner Bonifacio St. corner Magallanes St. Tuguegarao Cit...
03/05/2024

Nakapag night market na ba ang lahat? Tara na!

📍Along Gomez St. corner Bonifacio St. corner Magallanes St. Tuguegarao City

⏰From 6:00PM to 12:00MN

NGCP Notice of Scheduled Power Interruption 🗓️May 5, 2024 6:00AM - 6:00PM
02/05/2024

NGCP Notice of Scheduled Power Interruption

🗓️May 5, 2024 6:00AM - 6:00PM

The Department of Agriculture (DA) intends to increase funding by about twofold in the upcoming year in order to increas...
02/05/2024

The Department of Agriculture (DA) intends to increase funding by about twofold in the upcoming year in order to increase the incomes of farmers and fishermen, modernize farms, and enhance food security.

Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. announced in a statement that they would recommend a budget of around PHP513.81 billion, which is more than twice as much as the existing PHP208.58 billion.

Read more: https://ditosapilipinas.com/national/news/article/04/19/2024/da-double-budget-better-infrastructures/567

https://ditosapilipinas.com/category/The Department of Agriculture (DA) intends to increase funding by about twofold in the upcoming year in order to increase the incomes of farmers and fishermen, modernize farms, and enhance food security.

Happy Labor Day!
01/05/2024

Happy Labor Day!

Congratulations CAGAYAN! 🥈🏅🎖️
30/04/2024

Congratulations CAGAYAN! 🥈🏅🎖️

Hindi bababa sa 43 katao ang nasugatan nang mahulog ang overloaded na pampasaherong jeep sa apat na metrong bangin sa ba...
29/04/2024

Hindi bababa sa 43 katao ang nasugatan nang mahulog ang overloaded na pampasaherong jeep sa apat na metrong bangin sa bayan ng Enrile, Cagayan noong Linggo (Abril 28), ayon sa mga awtoridad.

Sa inisyal na ulat mula sa local disaster risk reduction and management office, sinabing nag-malfunction ang manibela ng sasakyan at hindi agad napigilan ng driver habang binabagtas ang tabing kalsada sa Barangay San Roque.

Nagtamo ng mga sugat at bali ang mga sugatang pasahero at dinala sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) para magamot.

Batay sa inilabas na abiso ng Department of Education (DepEd), inaatasan ang lahat ng pampublikong paaralan na magpatupa...
28/04/2024

Batay sa inilabas na abiso ng Department of Education (DepEd), inaatasan ang lahat ng pampublikong paaralan na magpatupad ng asynchronous classes o distance learning sa darating na Lunes hanggang Martes (April 29-30).

Ito ay alinsunod sa inilabas na heat index forecast ng PAGASA at ang anunsyo sa isasagawang pangmalawakang transport strike.

Kaakibat nito ang mga teaching and non-teaching personnel rin ng lahat ng pampublikong paaralan ay hindi kinakailangang mag-report sa kani-kanilang stations.

Kasama ang Aparri Cagayan sa 44 lugar sa bansa ang tinatayang makararanas ng delikadong antas ng heat index na 42-48°C n...
27/04/2024

Kasama ang Aparri Cagayan sa 44 lugar sa bansa ang tinatayang makararanas ng delikadong antas ng heat index na 42-48°C ngayong Sabado, April 27, ayon sa .

Stay Hydrated po!

Natamaan ng kidlat ang tatlong indibidwal sa Barangay Naddungan, Gattaran, Cagayan kahapon, April 25, na naging sanhi ng...
26/04/2024

Natamaan ng kidlat ang tatlong indibidwal sa Barangay Naddungan, Gattaran, Cagayan kahapon, April 25, na naging sanhi ng pagkasawi ng dalawang lolo at pagkasugat ng isa pa nilang kasama.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dante Seguro, 77-anyos at Rey Fabia, 65-anyos na kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat, naabutan ang mga biktima ng ulan na may kasamang kulog at kidlat habang pauwi ang mga ito mula sa bundok.

Nagpasyang sumilong muna ang tatlo sa ilalim ng puno ng bigla na lamang kumidlat at tinamaan ang dalawang biktima kung saan tumilapon naman ang isa nilang kasama na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang naturang biktima.

Aabot sa 140 na baboy ang kasalukuyang nililitson sa Buguey, Cagayan.Ito ay bahagi ng kanilang selebrasyon ng ikalawang ...
25/04/2024

Aabot sa 140 na baboy ang kasalukuyang nililitson sa Buguey, Cagayan.

Ito ay bahagi ng kanilang selebrasyon ng ikalawang taon ng Agri-Fiesta sa nabanggit na bayan kung saan tampok dito ang Lechon, Pinakbet, at Kakanin Festival.

Bahagi ito ng effort ng lokal na pamahalaan upang mas palakasin ang food tourism sa nasabing bayan.

Iniutos ng Commission on Elections (Comelec) — First Division na idiswalipika si Cagayan Governor Manuel Mamba sa nagdaa...
25/04/2024

Iniutos ng Commission on Elections (Comelec) — First Division na idiswalipika si Cagayan Governor Manuel Mamba sa nagdaang May 9, 2022 elections.

Sa 23-pahinang desisyon nito noong Miyerkules, Abril 24, sa hiwalay na complaint-petition na inihain ng abogadong si Victorio Casauay, idineklara ni Comelec First Division Presiding Commissioner Socorro Inting at Commissioners Aimee Ferolino at Ernesto Ferdinand Maceda Jr. ang pagka-gobernador sa Cagayan ay idineklarang bakante.

Idineklara rin ng Comelec na ang law of succession ay dapat ilapat at ang bise gobernador ay awtomatikong magtatagumpay at dapat manungkulan sa ganoong paraan.

Wala pang komento si incumbent Vice Gov Melvin Vargas Jr. sa pinakabagong utos ng Comelec.

Hiniling din ng mga komisyoner sa departamento ng batas ng Comelec na simulan ang isang paunang imbestigasyon “para sa posibleng pagsasampa ng kaso ng paglabag sa halalan” laban kay Mamba dahil sa diumano’y paglabag sa mga batas sa halalan sa pagbili ng boto.

Sa kabila ng pinakahuling utos, sinabi ni Mamba na “isang mosyon para sa muling pagsasaalang-alang ay agad na ihahain sa Commission on Elections En Banc upang iapela ang utos ng disqualification.”

May limang araw aniya ang kanyang legal team para maghain ng Comelec en banc motion for reconsideration.

Umapela si Mamba sa mga taga-Cagayan na maging mahinahon at buo, at sinabing siya ay “mananatili at magpapatuloy” sa kanyang tungkulin bilang gobernador ng lalawigan hanggang sa walang pinal na desisyon.

Sinabi ng gobernador noong Disyembre 2022 ay nagkaroon din siya ng kaparehong sitwasyon nang maglabas ng disqualification order laban sa kanya ang Second Division ng Comelec.

Matatandaan na ang talunang kandidato sa pagka-gobernador na si Dra. Zara De Guzman-Lara ang naghain ng naunang kaso laban kay Mamba.

Sa pinakahuling kaso, sinabi ng abogadong si Victorio Casauay na ang tagumpay na ito ay para sa lahat ng mga Cagayano na karapat-dapat sa isang pinuno na sumasalamin sa kanilang mga pangarap at mithiin at gumagalang sa panuntunan ng batas.

The heat index may rise to dangerous levels in around 25 areas of the country on Tuesday, April 23, 2024, according to P...
23/04/2024

The heat index may rise to dangerous levels in around 25 areas of the country on Tuesday, April 23, 2024, according to PAGASA.

Based on the latest PAGASA Heat Index bulletin, temperatures of 42°C to 46°C may be experienced in the following areas:

- NAIA Pasay City, Manila, 42°C

- Science Garden, Quezon City, 42°C

- Dagupan City, Pangasinan, 44°C

- Bacnotan, La Union, 43°C

- Aparri, Cagayan, 44°C

- Tuguegarao City, Cagayan, 43°C

- Echague, Isabela: 43°C

- Iba, Zambales—42°C

- Clark Airport, Pampanga, 42°C

- Baler, Aurora—42°C

- Sangley Point, Cavite, 42°C

- Infanta, Quezon, 45°C

- San Jose, Occidental Mindoro, 42°C

- Puerto Princesa, Palawan, 45°C

- Aborlan, Palawan, 45°C

- Legazpi City, Albay, 43°C

- Virac, Catanduanes, 44°C

- Masbate City, Masbate, 46°C

- Juban, Sorsogon, 43°C

- CBSU-Pili, Camarines Sur, 45°C

- Mambusao, Capiz, 42°C

- Iloilo City, Iloilo, 43°C

- Dumangas, Iloilo, 43°C

- Catarman, Northern Samar, 44°C

- Guluan, Eastern Samar, 44°C

STAY HYDRATED!

Sisimulan na ang pagpapatayo ng Poblacion-Bagunot Bridge sa Baggao, Cagayan matapos ang isinagawang groundbreaking activ...
22/04/2024

Sisimulan na ang pagpapatayo ng Poblacion-Bagunot Bridge sa Baggao, Cagayan matapos ang isinagawang groundbreaking activity ngayong araw ng Department of Public Works and Highways Regional Office II.

Pinondohan ng P1.080 Billion ang nasabing proyekto na mayroong span na 900 lineal meters upang makatawid sa Pared River ang libu-libong residente sa lugar.

Inaasahang makukumpleto ang konstruksiyon ng nasabing tulay sa taong 2027.

Ang nasabing tulay ay magpapagaan sa transportasyon ng mga residente sa lugar kung saan sa ngayon ay kinakailangang mamangka ang mga ito upang makatawid sa oras na tumaas ang lebel ng tubig sa ilog.

Kinagigiliwan ng netizens ang post ni Herson matapos niya ma upload ang naturang eksena na nakunan niya sa isang Baranga...
21/04/2024

Kinagigiliwan ng netizens ang post ni Herson matapos niya ma upload ang naturang eksena na nakunan niya sa isang Barangay ng Tuguegarao City.

"Sa sobrang init dito sa Tuguegarao, sana maka survive yung mga penguin dito sa Ugac.🔥"

📸Herson Roquinio

Ang longganisang Tuguegarao na ito ay isang non-sweet type, maalat at may bawang na longganisa na halos kapareho ng Viga...
20/04/2024

Ang longganisang Tuguegarao na ito ay isang non-sweet type, maalat at may bawang na longganisa na halos kapareho ng Vigan longganisa o Lucban longganisa. Kilala rin ito bilang longganisang Ybanag at sikat dito sa rehiyon ng Cagayan.

Mangan! 😋

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dito sa Cagayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share