24/11/2023
BITUIN
Bituin na kay nining,sa puso koy nahuhumaling , ninanais kang abutin upang ika'y makapiling.
Ikaw ang nag-iisang bituin sa paningin,hatid mo'y tuwa sa damdamin na di ma amin-amin.
Pakatatandaan lagi, hindi kaman mahagkan ikaw parin ay tanaw sa kalawakan, nag iisang bituin sa aking puso't isipan.
Sa mga ulap, ika'y nagbigay palamuti kahit dala mo ay pighati.
gayun man, mananatiling ukit ang mga ngiti saking mga labi.
Ika'y bituin na kumikislap na para bang nangugusap,at nag silbi ko naring pangarap.
Nangugusap na mga mata na Sana man lang ikaw ay aking mahagkan nang maipadama itong mga nararamdaman at ika'y hahagkan kahit na ako nahihirapan.
Gaya ng buwan sa pag-sapit ng umaga ikaw ay lilisan.
At sa pag lisan, luha't pighati ang iyong iniiwan, At sa Umaga, di mapakali, kaka-isip kung ika'y masisilayan sa darating na gabi.
Tila nananabik ako sayong mga ning-ning na gustong-gusto Kong abutin.
Nag-iisang kislap sa dilim na nag bibigay Ganda saaking paningin.
Bituin na kay hirap abutin, kailan mo kaya ako palalapitin?