Kumusta ang human rights sa bansa? | ALAB Analysis (Disyembre 10, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Kumusta na ang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa?
Pag-uusapan natin 'yan sa ALAB Analysis kasama si former senator Leila De Lima. Tumutok at makisali sa diskusyon! 🔥
Mga basehan ng impeachment laban kay VP Duterte | ALAB Alternatibong Balita (Disyembre 6, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:
🔥 Impeachment complaint, isinampa dahil sa maanomalyang rekord ng Bise-Presidente
🔥 Mga katutubo, pinapalayas ng DAR para raw sa San Miguel Corp project?
🔥 Rights Watch: Freezing ng bank accounts ng mga NGO, ano ang nilalabag?
Sama-sama nating panoorin ang #ALAB Alternatibong Newscast
Clemency, panawagan para kay Mary Jane Veloso | ALAB Analysis (Nobyembre 29, 2024)
Magandang balita ang napipintong pag-uwi sa Pilipinas ni Mary Jane Veloso, isang OFW na dating nasa death row sa Indonesia. Ano ang hiling ng pamilya at mga tagasuporta ni Mary Jane? ��
Panoorin ang ALAB Analysis! 🔥
'Duterte panagutin' network launch
LIVE: Families of EJK victims and rights advocates launch 'Duterte panagutin' network in Quezon City.
The network aims to press for justice and accountability of Rodrigo Duterte for violations on human rights and International Humanitarian Law.
BREAK IT DOWN: Bakit kompensasyon o danyos ang hiling ng mga apektado ng climate change
Kompensasyon, bayad-pinsala, o danyos ang hiling ng mga apektado ng climate change o pagbabago ng klima. Wala na nga naman kapantay ang pinsalang dala ng malalakas na bagyo, pagbaha, o grabeng init at tagtuyot sa buong mundo. Nasa climate crisis ang sangkatauhan at buong planeta. Pero ang tanong, bakit climate compensation?
Alamin ito sa pinakabagong episode ng BREAK IT DOWN kasama si Rosario Guzman ng IBON Foundation!
Ang BREAK IT DOWN ay programa ng Altermidya at IBON Foundation
US-PH military info sharing deal, bakit mapanganib? | ALAB Alternatibong Balita (Nobyembre 22, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:
🔥Kasunduan sa military information sharing ng U.S. at Pilipinas, kinundena
🔥Mga magsasaka sa Hacienda Luisita, bakit patuloy na ginigipit?
🔥Mga biktima ng Ampatuan massacre, wala pang ganap na hustisya
🔥Pilipinas, handa ba sa fully automated elections?
Sama-sama nating panoorin ang #ALAB Alternatibong Balita!
Climate change at tumitinding bagyo | ALAB Analysis (Nobyembre 15, 2024)
Malalakas at sunud-sunod na bagyo ang humahataw sa Pilipinas dahil nga raw sa epekto ng climate change. Pero sino ba ang dapat managot sa tumitinding epekto ng climate change?
'Yan ang tatalakayin natin sa ALAB Analysis kasama ang environmental lawyer at Bayan Muna nominee na si Atty. Kaloi Zarate
Frenchie Mae Cumpio, haharap sa korte | ALAB Alternatibong Balita (Nobyembre 8, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Narito ang mga balita’t pananaw ngayong linggo mula sa Altermidya Network:
🔥 Journalist na si Frenchie Mae Cumpio, tetestigo sa korte sa unang pagkakataon!
🔥 Mga kabahayan sa Bicol, lubog pa rin sa baha dulot ng #KristinePH
🔥 Mandatory ROTC, labag sa Kontitusyon ayon sa youth groups
🔥 Balitang Emoji: Mga resibo, pineke raw para sa confidential funds?
Sama-sama nating panoorin ang #ALAB Alternatibong Newscast!
ALAB Analysis: US elections, Paano maapektuhan ang Pilipinas? | November 1, 2024
Sa November 5 na ang US presidential elections at sabi ng political analysts, kahit sino ang manalo— Democrat o Republican, tiyak na maiimpuwensyahan pa rin ang mga polisiya sa pulitika at ekonomya ng bansa.
Paano nga ba makaaapekto ang US elections sa mga Pilipino?
'Yan ang tampok sa ALAB Analysis! Sumali sa diskusyon!
Philhealth funds transfer, bakit tinututulan? | ALAB Alternatibong Balita (Oktubre 25, 2024)
MAALAB NA PAGBATI, PILIPINAS!
Narito ang mga nag-aalab na balita’t pananaw mula sa Altermidya Network:
🔥 Calamity fund, nasaan?
🔥 Paglipat ng unused Philhealth funds sa unprogrammed funds, kinuwestyon
🔥 Demolisyon para sa subdibisyon
🔥 Coal mining at karapatan ng mga katutubo
🔥 Nagluto ng adobo, kinasuhan ng terorismo
Sama-sama nating panoorin ang #ALAB!
Ang Lupa ay Buhay
Isa si Tatay Berting sa mga magsasakang biktima ng tumitinding pandarahas at pangangamkam ng lupa sa Lupang Ramos sa Dasmariñas City, Cavite. Malinaw para kay Tatay Berting na ang magsaka ay hindi isang krimen, at ang maghangad ng lupa na mabubungkal at mapapakinabangan ng mga susunod pang henerasyon ay isang karapatan na dapat ipaglaban.
Panoorin ang maiksing panayam kay Tatay Berting at ang kanyang matapang na pakikipaglaban para sa lupa, para sa buhay.
#LupangRamos
#DefendLupangRamos
#TunayNaRepormaSaLupa
LVT Legacy Lectures
LVT Legacy Lectures