Ppalma Presscorps

  • Home
  • Ppalma Presscorps

Ppalma Presscorps PPALMA Press Corps.It is an organization of responsible journalists from First District Cot prov . This is a Trimedia TV,broadcast and print. God protects

03/11/2024
Isang Myembro ng ALG, nasawi sa Army-PNP operations; apat nitong kasamahan nasakote sa Maguindanao Del Sur CENTRAL MINDA...
30/10/2024

Isang Myembro ng ALG, nasawi sa Army-PNP operations; apat nitong kasamahan nasakote sa Maguindanao Del Sur

CENTRAL MINDANAO-Nasawi ang isang myembro ng Armed Lawless Group habang nahuli naman ang apat pa nitong kasamahan sa Joint Law Enforcement Operations ng 40th Infantry Battalion at Datu Hoffer Municipal Police Station sa Barangay Labu-Labu 1, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.



Kinilala ni 40IB Commanding Officer, Lt. Col. Ronaldo Mamangun, ang nasawi na si alyas Kagui Ramson/Kagui Mike, habang ang apat naman na kasamahan nito ay nasa kustodiya na ng pulisya. Narekober din ng mga alagad ng batas ang mga armas na kinabibilangan ng isang Cal .30 Rifle, isang M14 Rifle, dalawang M16A1 Rifle, isang XM15 Rifle, dalawang Cal .45 Pistol, dalawang bandolier, mga magazine at bala.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng mga awtoridad na ang grupo ni alyas Kagui Ramson/Kagui Mike ay suspek sa mga serye ng pagpaslang at sangkot din ang mga ito sa insidente ng paghahagis ng granada.
Pinuri ni Maj. Gen. Antonio Nafarrete, 6ID/JTF Central Commander ang magkasanib na pagsisikap na ipinakita ng 40IB at Datu Hoffer MPS para maging ligtas ang nasasakupang komunidad.
“Ang inyong kasundaluhan sa JTF Central ay nakatuon sa pagsuporta sa mga law enforcement operation kasama ang mga kapulisan upang tugisin ang mga masasamang loob na banta sa seguridad ng ating pamayanan. Katuwang ang mga maagap na impormasyong binibigay na ating mga mamamayan, ginagarantiyahan namin na ang ating lugar ay mananatiling ligtas, mapayapa at maunlad.”, pahayag pa ni Maj. Gen. Nafarrete.(6th ID G7 DPA with Garry Fuerzas)

21 patay 7 sugatan sa engkwentro ng 2 grupo ng M**F sa Maguindanao Del Sur CENTRAL MINDANAO-Sumiklab ang matinding sagup...
30/10/2024

21 patay 7 sugatan sa engkwentro ng 2 grupo ng M**F sa Maguindanao Del Sur

CENTRAL MINDANAO-Sumiklab ang matinding sagupan ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) sa Maguindanao Del Sur.
Nagkasagupa ang mga myembro ng 105th Base Command laban sa pinagsanib na pwersa ng 128th at 129th Base Command ng M**F sa Barangay Kilangan Pagalungan Maguindanao Del Sur.
Umaabot anya sa dalawamput isa ang nasawi at pito ang nasugatan sa engkwentro na nag-ugat sa awayan sa lupa.
Lumikas rin ang maraming mga sibilyan sa takot na maipit sa gulo.
Hiniling ng militar at pulisya sa Central Committee ng M**F na mamagitan na sa gulo.(Garry Fuerzas)

Grade 4 pupils sa Magpet Cotabato,masayang tinanggap ang maagang pamasko ng kapitolyoCENTRAL MINDANAO-Isang maagang pama...
30/10/2024

Grade 4 pupils sa Magpet Cotabato,masayang tinanggap ang maagang pamasko ng kapitolyo

CENTRAL MINDANAO-Isang maagang pamasko para sa mga batang Magpeteño na benepisyaryo ng “LALAkbay Para sa Kinabukasan” ng pamahalaang panlalawigan, sa ilalim ng liderato ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA, ang kanilang mga bagong sapatos na sinimulang ipinamahagi.
Abot sa 1,346 na Grade 4 pupils mula sa 42 na mga pampublikong paaralan ng nasabing bayan ang pinaglaanan ng pondo ng kapitolyo upang mabigyan ng tig-isang pares ng sapatos na magsisilbing inspirasyon at paalala sa kanila na ipagpatuloy ang paglalakbay tungo sa minimithing tagumpay, sa kabila ng pinagdadaanan o pagdadanan pang mga hamon sa buhay. Labis naman ang saya ng mga mag-aaral nang tanggapin ang kanilang bagong sapatos at nagpasalamat sa pagmamahal sa kanila ng pamahalaang panlalawigan lalo na ni Gov. Mendoza na siyang naglunsad ng nabanggit na programa, na pinangangasiwaan ng Provincial Governor's Office-Provincial Youth Development Division.(IDCD-PGO-NCOT-with Garry Fuerzas)

Serbisyong pangkalusugan, handog  ng pamahalaang panlalawigan sa mga resident ng Brgy Dagupan Kabacan Cotabato CENTRAL M...
30/10/2024

Serbisyong pangkalusugan, handog ng pamahalaang panlalawigan sa mga resident ng Brgy Dagupan Kabacan Cotabato

CENTRAL MINDANAO-Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor LALA TALIÑO-MENDOZA na maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa mga Cotabateño sa pamamagitan ng Medical-Dental Outreach program. Umabot sa 230 residente ng Barangay Dagupan, Kabacan ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal, habang 18 katao ang nabigyan ng dental services. Nasa 36 kabataan naman ang sumailalim sa operation tuli. Bilang karagdagang serbisyo, 10 bata ang nabigyan ng Complementary Food Packs (CFP) at 32 naman ang nakatanggap ng pagkain sa feeding program upang matiyak ang wastong nutrisyon.
Kasama sa mga naghatid ng kanilang propesyonal na serbisyo ang mga doctor mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO). Dumalo rin sa aktibidad sina boardmembers Jonathan Tabara at Joemar S. Cerebo, kasama si Provincial Advisory Council (PAC) Member Albert Rivera na nagpahayag ng kanilang suporta para sa adbokasiya sa kalusugan ng pamahalaang panlalawigan.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

4th quarter Social Pension payout ng mga senior citizen isinagawa sa Aleosan Cotabato CENTRAL MINDANAO-Inumpisahan ng Se...
30/10/2024

4th quarter Social Pension payout ng mga senior citizen isinagawa sa Aleosan Cotabato

CENTRAL MINDANAO-Inumpisahan ng Serbisyong Totoo Team ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na binubuo ng mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) ang distribusyon ng P11,233,000.00 na ayudang inilaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ng tanggapan nina Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian at DSWD 12 Regional Director Loreto V. Cabaya,Jr. sa may 3,741 na benepisyaryo, kung saan una nang tumanggap ng tig-P3,000.00 na ayuda ang 2,060 na Aleosanon na nagmula sa 13 na barangays.
Sa pagpapatuloy ng “4th quarter payout” na sinaksihan ni Board Member Roland D. Jungco bilang kinatawan ni Gov. Mendoza, masaya ring naiuwi ng 1,681 na higit na nangangailangang nakatatanda at walang tinatanggap na pensyon mula sa pamahalaan o pribadong insurance companies ang nasabing ayuda sa pangangasiwa ni PSWDO Head Arleen A. Timson at Program Coordinator Elizer Jr. J. Padojinog.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Department Heads ng Kapitolyo,pinulong ni Gov Mendoza CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA...
28/10/2024

Department Heads ng Kapitolyo,pinulong ni Gov Mendoza

CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ang management committee meeting kasama ang department heads ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.
Sentro ng nabanggit na pagpupulong ang pagbibigay ng year-end and Christmas bonuses sa mga empleyado ng kapitolyo na ibabatay sa guidelines at availability ng pondo. Ayon sa gobernadora, malaki ang kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng mga kawani ng probinsya na naging katuwang nito sa maayos na implementasyon ng mga programa at proyekto sa mga komumidad.
Hinikayat niya rin ang department heads na laging ipaalala sa nasasakupang opisina ang palagiang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng taumbayan.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Provincial Government ng Cotabato nagsagawa ng Adolescent Health Development and STI,HIV and AIDS OrientationCENTRAL MIN...
28/10/2024

Provincial Government ng Cotabato nagsagawa ng Adolescent Health Development and STI,HIV and AIDS Orientation

CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng Adolescent Health Development and STI, HIV and AIDS Orientation ang pamahalaang panlalawigan para sa barangay at Sangguniang Kabataan officials ng bayan ng Arakan Cotabato na pinangasiwaan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) at binisita naman ni Sangguniang Kabataan Provincial Federation President/Ex-Officio Boardmember Karen Michie de Guzman.
Bahagi ito ng isinusulong ng pamunuan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA pati na rin ng Department of Health na matutukan ang kapakanan ng mga kabataan sa lalawigan kaagapay ang mga itinalagang opisyales ng barangay at tulungan silang maging responsableng mamamayan kasabay ng pagtiyak na nabibigyang prayoridad at proteksyon ang kanilang kalusugan laban sa Sexually Transmitted Disease (STD), Human Immuno Virus (HIV)/Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS), at Teenage Pregnancy na maaaring makuha sa maagang pakikipagtalik at pakikipagrelasyon.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Implementasyon ng mga programa sa ilalim ng SEF,tinalakay ni Gov Mendoza sa pagpupulong sa PFPTACENTRAL MINDANAO-Tinalak...
28/10/2024

Implementasyon ng mga programa sa ilalim ng SEF,tinalakay ni Gov Mendoza sa pagpupulong sa PFPTA

CENTRAL MINDANAO-Tinalakay ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa pakikipagpulong sa mga opisyales ng Provincial Federated Parents-Teachers Association sa pangunguna ng presidente nitong si Datss P. Macagcaid ang implementasyon ng mga programa at proyektong pinondohan sa ilalim ng Special Education Fund (SEF).
Ayon sa gobernadora mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga g**o at magulang lalo na sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa lahat. Iprinisenta din nito ang iba't ibang interbensyon na ibinibigay ng kapitolyo para sa mga paaralan gaya ng armchairs, libro, travel expenses para sa mga batang dadalo sa national competitions at iba pa. Tiniyak din nito na patuloy na magiging katuwang ng PFPTA ang kanyang opisina sa pagtataguyod ng programa para sa mag-aaral.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Gov Mendoza,tiyak ang pagsuporta at pag-alalay sa mga kooperatiba ng lalawiganCENTRAL MINDANAO-Pinasalamatan ni Gov. LAL...
28/10/2024

Gov Mendoza,tiyak ang pagsuporta at pag-alalay sa mga kooperatiba ng lalawigan

CENTRAL MINDANAO-Pinasalamatan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ang mga naging kontribusyon ng mga kooperatiba sa pagpapaunlad ng iba't ibang sektor ng komunidad kasabay ng isinagawang Cooperative Congress sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City kung saan inilahad din nito ang patuloy at sinserong pag-alalay ng kanyang pamunuan sa mga ito na isa sa mga naging tulay upang mas maraming Cotabateño ang maiangat ang antas ng pamumuhay.
Tampok din rito ang iba't ibang aktibidad na inihanda ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) sa pangunguna ni Acting PCDO Shirly C. Pace tulad ng song solo, quiz bowl, dance contest at ang inaabangang paggawad ng parangal na kinabibilangan ng outstanding cooperatives, coop leader, municipal coop leader at women in cooperative. Naroon din sina Cooperative Development Authority (CDA) XII Acting Regional Director Juriski B. Mangelen, boardmembers Joemar S. Cerebo at Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc, 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos at Provincial IP Mandatory Representative Arsenio M. Ampalid.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Transport Group sa probinsya,tiniyak ang buong suporta kay Gov Mendoza CENTRAL MINDANAO-Sa kanilang pagbisita  sa Provin...
28/10/2024

Transport Group sa probinsya,tiniyak ang buong suporta kay Gov Mendoza

CENTRAL MINDANAO-Sa kanilang pagbisita sa Provincial Governor's Office, Amas, Kidapawan City, ipinaabot ng mga miyembro ng RAF Tourist Transport Group ang kanilang pakikiisa at pagsuporta sa mga ginagawa ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA para sa probinsya ng Cotabato.
Sa pangunguna ng kanilang presidente na si Ronnie A. Flores Jr., ipinagpapasalamat ng grupo ang pangangalaga at pagbibigay ng pantay na oportunidad ni Governor Mendoza sa lahat ng mga sektor sa lalawigan, lalo na sa kanilang sektor at iba pang mga mamamayang Cotabateño.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

42 mga bagong doktor sa probinsya,binigyang pugay ni Gov Mendoza CENTRAL MINDANAO-Mainit na pagbati at pagpupugay ang ip...
28/10/2024

42 mga bagong doktor sa probinsya,binigyang pugay ni Gov Mendoza

CENTRAL MINDANAO-Mainit na pagbati at pagpupugay ang ipinaabot ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA sa 42 na mga bagong doktor mula sa probinsya ng Cotabato na pumasa sa kakatapos lamang na Physician Licensure Examination ngayong taon kasama ang Top 1 mula sa lungsod ng Kidapawan na si Dr. Isaac Edron Jones Orig. Sila ay bumisita sa Provincial Governor's Office, Amas, Kidapawan City.
Hanga ang butihing gobernadora sa dedikasyon at pagsisikap ng mga batang Cotabateño na mapagtagumpayan ang naturang propesyon at makapaghatid ng kalingang medikal sa bawat mamamayan.
Pinasalamatan din ni Governor Mendoza ang mga magulang ng mga ito na kasama din sa naturang pagbisita sa walang sawang suporta at gabay upang makamit ng kanilang mga anak ang mga pinapangarap sa buhay.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

𝟮𝟲 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗗𝗠 𝗗𝗔𝗥𝗘𝗦CENTRAL MINDANAO-...
25/10/2024

𝟮𝟲 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗗𝗠 𝗗𝗔𝗥𝗘𝗦

CENTRAL MINDANAO-Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ni Mayor Rolly “Ur Da Man” Sacdalan na maghatid ng suporta at pag-asa sa mga Midsayapeñong naapektuhan ng kalamidad, isinusulong niya ang programang UDM DARES (Utilization of Disaster Management thru Disaster Aid in Response to Emergency Situations).
Sa ilalim ng programang ito, ipinamahagi ang tulong pinansyal sa 26 na pamilyang naapektuhan ng kalamidad mula Hulyo hanggang Oktubre 2024. Tumanggap ng ₱10,000.00 ang 20 na pamilyang totally damaged ang tahanan, habang ₱5,000.00 naman ang natanggap ng 6 na pamilyang partially damaged ang tahanan.
Ang programang ito ay patunay ng mabilis na pagtugon ng pamahalaang lokal sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya, na may layuning matulungan silang makabangon at makapagsimula muli.
Pinangangasiwaan ang programa ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWD Officer John Karlo Ballentes, katuwang si Emergency Response Focal Person Maribel Brillantes-Kamid.(Midsayap Infos with Garry Fuerzas)

Kabacan Cotabato Municipal Athletic Meet nagbukas naMALAKI  ang paniniwala ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-G...
25/10/2024

Kabacan Cotabato Municipal Athletic Meet nagbukas na

MALAKI ang paniniwala ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman na dapat bigyan ng atensyon at suporta ang mga kabataan sa kanilang mga nais gawin.
Kaugnay ito sa pagbubukas ng Kabacan Municipal Athletic Meet sa bayan. Aniya, bukod sa sportsmanship ay mahahasa ang talento at galing ng bawat kabataang Kabakeño.
Ilan sa mga sports na kanilang bibigyang pansin ay ang Arnis, Athletics, Badminton, Basketball, Billiard, Chess, Football, Futsal, Gymnastics, Lawn Tennis, Sepak Takraw, Table Tennis, Swimming, Taekwendo, at Volleyball.
Ang tatlong distritong magtatagisan ng galing ay ang South, North at West Districts na kinabibilangan ng elementarya at sekondaryang mag-aaral nito.
Importanteng aktibidad umano ito upang mailayo ang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiya gaya na lamang ng panonood ng mga video sa tablet o cellular phone.
Magtatagal naman ang nasabing aktibidad hanggang linggo October 27, 2024.
Samantala, tiniyak naman ni Mayor Gelyn na kanyang pagpaplanuhan pa ang susunod na aktibidad at ito lamang ay simula sa mga programang tapat at totoo sa lahat ng sektor.(Unlad Kabacan with Garry Fuerzas)

Mahusay na pagpapatupad ng PALLGU sa probinsya ng Cotabato, pinuri ng NFA CENTRAL MINDANAO- Isang plaque of appreciation...
25/10/2024

Mahusay na pagpapatupad ng PALLGU sa probinsya ng Cotabato, pinuri ng NFA

CENTRAL MINDANAO- Isang plaque of appreciation mula sa National Food Authority (NFA) Central Office ang tinanggap ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA dahil sa mahusay na pagpapatupad ng pamahalaang panlalawigan ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Unit (PALLGU) ng nabanggit na ahensya sa probinsya ng Cotabato.
Ang pagkilala ay iginawad sa Provincial Governor’s Office, Amas, Kidapawan City kasabay ng pagbisita nina NFA Department Manager Celerina T. Capones, NFA-XII Regional Manager Richardson A. Basig, NFA-Cotabato Branch Manager Richard L. Balbin, at mga kawani ng NFA Central Office.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng butihing gobernadora sa NFA sa patuloy na paghahatid ng mga programang nakapaghahatid ng kaginhawaan sa bawat Cotabateño.
Samantala, kasabay nito ay pinuri naman ng butihing gobernadora ang mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) matapos naparangalan bilang “Best Group Presenter” sa ginanap na VCA output presentation on the Enhancing Competitiveness: A training on Rice Value Chain Analysis for the Rice Agricultural Extension Workers in Region XII na isinagawa sa ATI-RTC XII, San Felipe, Tantangan, South Cotabato.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Bagong renal dialysis clinic at intensive care unit ng CPH, magsisimula nang magbigay serbisyo sa publikoCENTRAL MINDANA...
25/10/2024

Bagong renal dialysis clinic at intensive care unit ng CPH, magsisimula nang magbigay serbisyo sa publiko

CENTRAL MINDANAO-Magsisimula na sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan ng lalawigan ng Cotabato ang bagong renal dialysis clinic with 9 stations at 6-bed capacity na intensive care unit (ICU) sa Cotabato Provincial Hospital (CPH).
Batay sa sulat na pinadala ni Provincial Health Officer Dr. Eva C. Rabaya, sa tanggapan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA malugod nitong ibinalita na nabigyan na ng license to operate ng Department of Health ang dalawang nabanggit na pasilidad at pormal nang mag-uumpisa ang operasyon nito sa Lunes, Oktubre 28, 2024.
Sa pagbisita ng ina ng lalawigan sa dialysis clinic at ICU ng pagamutan muli nitong pinaalalahanan ang mga medical frontliners at kawani nito na mas lalo pang pag-ibayuhin ang pagbibigay ng serbisyong medikal.
Masaya rin ito dahil sa wakas ay nagbunga rin ang pagsisikap ng kapitolyo na matulungan ang mga indibidwal na dumaranas renal disease at iba pang karamdamang nangangailangan ng intensive medical care.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ppalma Presscorps posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share