22/11/2022
"REUNION"
Isang follower ang nagpahayag ng kanyang saloobin sa nalalapit nilang reunion na marami sa atin ang makakarelate sa kanyang kwento.
"Ako lang ba yung nakakaramdam ng ganito? Nagpaplano ng reunion ang mga batchmates ko ng reunion, after 20 years ng graduation namin (graduated 2005 Nursing). Nalulula ako sa venue na gusto nila, either US or Singapore. Parang nanliliit na naman ako sa estado ng buhay ko ngayon. Naramdaman ko na naman bakit parang loser pa rin ako pala even after 20 years. Hindi ko maiwasan magkumpara ng buhay ko at narating ko na sa meron na sila (alam kong maling gawin yun). Halos lahat sila happily married, may mga asawang may maayos na work, may mga bahay na, magagarang sasakyan.
"Masasabi kong maayos ang mga buhay nila even before our graduation. Yung life ko after graduation, ok naman din. After graduation namin and after I passed the Board Exam tuloy-tuloy na ang pagwowork ko. Hindi ako nabakante. Almost 14 years na ako dito sa Middle East. Yung pakiramdam na parang ang layo-layo na nilang lahat sa yo. Parang nag-uumpisa pa lang ulit ang buhay mo. Failed marriage meron ako after 7 years, financially unstable dahil sa nangyari. Back to zero ulit. Totoo pala yung sinasabi nila tungkol sa class reunion, na minsan kaya hindi na lang pumupunta yung iba kasi parang ma out of place ka lang naman.
"Bumalik na naman yung pakiramdam ko nung college ako na nasa mali akong lugar. Halos mayayaman/may kaya silang lahat, nagkataon lang na pinapaaral ako kaya dun ako napunta sa school na yun. Mababait naman silang lahat kahit may ilan pa ring magpaparamdam sa yo na malayo sila ng antas sa yo. At heto na naman yung pakiramdam na yun. Yung narating ko sa ngayon ay malaking achievement na para sa akin. Pero kung sakaling magkikita-kita kami, walang-wala sa kanila. Hindi ko nga afford pa na magtravel to Singapore, wala akong sasakyan kahit sa Pinas pa nila gustuhin ang venue.
Hay!
"Mababaw para sa ilan. Pero sa ibang nakakaramdam ng ganito, laban lang tayo. Makakahabol din tayo. Hindi naman karera ang buhay. Nagkataon lang minsan kahit anong hustle natin, yung kapalaran iba ang binibigay.
Submitted by a reader
Credits to Kami.ph