16/02/2024
I REALLY WANT TO STUDY BUT....
I am searching for my dream school for my senior hig school sana then I found this page. I don't know if it is active or not pero kailangan ko lang mailabas ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na kasi kaya. Umiiyak ako ngayon. Sobrang sakit.
This is an open letter to everyone who had the chance to study. I want to start my confession by telling the lucky students that... Don't you know that there are so many people (like me) who would love to be in your current situation? Those who can go to their dream school without thinking about how they will get the tuition fee or the payment for the uniform. You're lucky. I wish I could be in your situation. I love to study. I am very jealous of every student na nabigyan ng chance para makapag-aral kasi ako hindi. I really, really want to be in their situation. But I can't. I am the eldest of my four siblings. My dad is about to become a senior citizen. My mom is just a laundress. We have nothing but enough money for our food every day. Ni hindi ko pa nga naranasan dati na magkaroon ng sapatos na maganda, mga bagong gamit eskwela tuwing pasukan, at makakain man lang sa SM with my friends. Nabully rin ako dati sa school kasi yung bag ko butas-butas na, nabili lang namin kasi yun ni mama sa ukay ng 100 pesos. Naalala ko rin dati nung elementary ako, gutom na gutom na ako nun kaya pumunta ako ng canteen, nakipagsisikan pa ako nun, kunyare bibili ako ng fudgee bar pero piso nalang pala pera ko. So ang ginawa ko, hindi ko muna binayaran si ate pero nangako ako na babayaran ko lang din siya pag nagkapera na ako. Marami na akong pinagdaanan as a student at alam kong sa ngayon hindi ko na yun mararanasan. Siguro hindi pa talaga para sa akin ang pag-aaral, siguro makakapagtapos rin ako sa tamang panahon. Sana nga katulad ninyo rin ako na nasa paaralan pero hindi eh I really need and should look for a job to support my family. Hindi ko kinakaya ang sistwasyon namin na itinutulog nalang ang gutom sa tuwing wala kaming makain. Kaya kayong mga gigising nalang para pumunta ng paaralan, kung pagod na kayo, isipin ninyo na mas may pagod kasi maaga silang namulat sa reyalidad ng buhay habang kayo hinahanda palang ng paaralan sa mas magandang oportunidad.