09/02/2023
Sa Senate hearing ng Committee on Women, Children, Family Relations & Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros hinggil sa teenage and adolescent pregnancies kahapon (Feb. 7), napagusapan na laganap na ang kaso ng pagbubuntis sa mga teenagers sa bansa.
Kaya nagmungkahi si Sen. Idol Raffy Tulfo ng ilang pamamaraan upang mapigilan o mabawasan ang nasabing problema, pati na ang r**e sa mga kabataan.
1. Mahigpit na monitoring at kung kinakailangan ay magregister ang lahat ng mga authorized na magsusundo sa mga minor female students. Sa mga ito lamang dapat ipagkatiwala ng school authorities ang mga sinusundong estudyante.
2. Panukalang batas para maamyendahan ang Presidential Decree 1619, upang magkaroon ng mas mataas na parusa at multa ang mga establisyementong mahuhuling nagbebenta ng alak sa mga menor de edad. Magbuo din ng task force na pamununuan ng PNP, kasama ang NBI, DOH at DILG, para masigurong lahat ng local governments ay nag-iisyu ng liquor license sa lahat ng establisyementong nagbebenta ng alak. Ang parusa sa violators na nagbenta sa minors o sa matanda na napagutusan ng minors na bumili para sa kanila, ay outright cancellation ng kanilang lisensya perpetually, mas mahabang pagkakakulong at business closure. Marami na kasing mga dalagitang nabuntis o na-r**e dahil sa inuman ng mga kabataan at barkadahan.
3. Dapat ay mas maghipit ang mga hotels, motels at lahat ng mga “gimikan” sa pagpapatupad ng ID Screening, at responsibilidad ng mga tauhan ng nasabing establisyemento, lalo na sa mga gimikan, na kapag mayroon silang female customers na lango na sa alak at nagpapasuray-suray na, ay pigilan nang makauwi at i-secure muna habang tinatawagan ang mga awtoridad, kamaganak o mga babaeng kaibigan para ito ay sunduin at ihatid ng ligtas sa kanyang bahay. Marami na kasing mga insidente ng date r**e, partikular sa mga teenagers, na nilalagyan ng pampatulog ang kanilang inumin o sadyang nilalasing hanggang halos mawala na sa tuliro ang biktima at saka dinadala ng kasama nitong lalake sa kung saan man para doon pagsamantalahan.
4. Kailangang maimplement ng Pilipinas, through a legislation, ang tinatawag na Know Your Client “KYC” rule para sa lahat ng social media applications, kabilang na ang Bigo, Alua at Onlyfans para masala ang mga kabababaihang menor de edad sa paggamit nito. Ang karamihang mga lalakeng audience kasi dito ay mga older married and moneyed men na naghahanap ng relationship at s*x.
5. Strict monitoring naman sa mga KTV bars na nabibigyan nila ng license to operate ang dapat gawin ng mga LGUs to make sure na ang mga GROs o Guest Relation Officers na nagtatrabaho dito ay nasa tamang edad. Ang mga KTV bars na ito ay kadalasang takbuhan ng mga menor de edad na kababaihan na naglalayas sa kanilang mga tahanan o ginoyo ng kanilang mga barkada para magtrabaho at magkaroon ng pera. Dito, madali silang mapagsamantalahan.
Manatiling updated kay Senator Idol! iLike at iFollow ang ating mga official social media accounts:
FB: Raffy Tulfo
Raffy Tulfo in Action
TW: twitter.com/IdolRaffyTulfo
YT: youtube.com/RaffyTulfoVlogs
youtube.com/RaffyTulfoInAction
TikTok: tiktok.com/