HFA Cor Unum & Dagitab

  • Home
  • HFA Cor Unum & Dagitab

HFA Cor Unum & Dagitab Cor Unum & Dagitab - The Official Student Publication of Holy Family Academy The Official Student Publication of Holy Family Academy.

Sa pag-ukit ng landas ng sakripisyo, pagtitiis, at muling pagkabuhay โ€” paanong hindi tayo mapahahanga sa Kanyang kadakil...
31/03/2024

Sa pag-ukit ng landas ng sakripisyo, pagtitiis, at muling pagkabuhay โ€” paanong hindi tayo mapahahanga sa Kanyang kadakilaan?

Maligayang Araw ng Pagkabuhay, Familians! Nawa'y ang araw na ito ay maging isang patotoo sa pag-ibig at kaluwalhatian ng Diyos, na ipinamalas sa pamamagitan ng sakripisyo ni Hesus.

โœ๏ธ Aleana Lumanlan
๐ŸŽจ Cheynne Roxas

2/2TINGNAN: Dulang Musikal ng El FilibusterismoItinampok ng mga nasa ika-10 baitang ang nobelang El Filibusterismo sa is...
28/03/2024

2/2

TINGNAN: Dulang Musikal ng El Filibusterismo

Itinampok ng mga nasa ika-10 baitang ang nobelang El Filibusterismo sa isang dulang musikal noong ika-25 ng Marso sa St. Ceciliaโ€™s Theatre.

๐Ÿ“ท Rich Bergonio
๐Ÿ“ท Aras Selom

1/2TINGNAN: Dulang Musikal ng El FilibusterismoItinampok ng mga nasa ika-10 baitang ang nobelang El Filibusterismo sa is...
28/03/2024

1/2

TINGNAN: Dulang Musikal ng El Filibusterismo

Itinampok ng mga nasa ika-10 baitang ang nobelang El Filibusterismo sa isang dulang musikal noong ika-25 ng Marso sa St. Ceciliaโ€™s Theatre.

๐Ÿ“ท Rich Bergonio
๐Ÿ“ท Aras Selom

Ang Semana Santa ay isang mahalagang patunay ng walang-hanggang pagmamahal ni Hesus para sa atin dahil handa siyang mags...
25/03/2024

Ang Semana Santa ay isang mahalagang patunay ng walang-hanggang pagmamahal ni Hesus para sa atin dahil handa siyang magsakripisyo upang mailigtas tayo sa ating mga kasalanan. Nawaโ€™y sa panahong ito ay maglaan tayo ng oras upang pagnilayan ang mga pinagdaanan ni Kristo at magdala ito ng kapayapaan at kapasalamatan sa ating mga puso.

๐ŸŽจ Eunice Mangiliman

Halalan sa pagka-SC, matagumpay na naisagawaNaganap kahapon, ika-19 ng Marso, ang eleksyon para sa Student Council (SC) ...
19/03/2024

Halalan sa pagka-SC, matagumpay na naisagawa

Naganap kahapon, ika-19 ng Marso, ang eleksyon para sa Student Council (SC) 2024. Sa tulong ng mga kasalukuyang miyembro ng SC at Cor Unum at Dagitab na nasa ika-12 baitang, matagumpay na naisakatuparan ang pagproseso at pagbilang ng mga boto.

Inanunsyo sa PA system ng HFA New Site ang mga bagong halal na lider-estudyanteng maglilingkod sa komunidad sa darating na akademikong taon. Pinangasiwaan ni G. John Vincent Sugay, ang Coordinator ng Student Activities, ang pag-anunsyo.

Familians, narito na ang bagong pangkat ng mga Opisyal ng Student Council para sa taong aralan 2024 โ€“ 2025.

President: Rea Lana David
Senior Vice President: Adia Mamangun
Senior Secretary: Zabrina Chloe Santos
Senior Treasurer: Ellison Kalel Ramos
Senior Business Manager: Amirah Suba
Junior Vice President: Illyse Brielle Waje
Junior Secretary: Case Cunanan
Junior Treasurer: Eann Arcez Buan
Junior Business Manager: Zyrah Euree Aguas
Grade 12 STEM Representative: Kirsten Julia Buan
Grade 12 ABM/HUMSS Representative: JV Pajarin
Grade 12 Formation Leader: Aisha Ferreras
Grade 11 STEM Representative: Annya
Lucille David
Grade 11 ABM/HUMSS Representative: Lysa Marie Ludwig
Grade 11 P.R.O.: Jeanicah Barrameda
Grade 11 Formation Leader: Zarina Vienne Cruz
Grade 10 Representative: Kirsten Beatrice Pineda
Grade 10 P.R.O.: Ralphine Jaela Lingat
Grade 10 Formation Leader: Rhian Allison Lopez
Grade 9 Representative: Chantelle Abrianna Dumilon
Grade 9 P.R.O.: Elisha Sagmit
Grade 9 Formation Leader: Denise Espiritu
Grade 8 Representative: Anjela Eva Therese David
Grade 8 P.R.O.: Sophia Angela Mana
Grade 8 Formation Leader: Andrei Mikaelle Ayson

Pagbati sa mga bagong opisyal ng Student Council!

โœ๏ธ Janel Bea David
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio
๐Ÿ“ท Cathryn Shanelle Manalang

Miting De Avance 2024, matagumpay na idinaos Buong tapang na sinagot ng mga kandidato ang mga tanong mula sa komunidad n...
15/03/2024

Miting De Avance 2024, matagumpay na idinaos

Buong tapang na sinagot ng mga kandidato ang mga tanong mula sa komunidad ng Holy Family Academy sa Miting De Avance 2024 na ginanap sa covered court kahapon, ika-15 ng Marso, 2024.

Ang Student Council committee, mga miyembro ng student council mula sa ika-12 baitang, at ang Cor Unum at Dagitab ang naghanda ng programa para mailahad ng mga kandidatong tumatakbo para sa Student Council 2024 - 2025 ang kanilang mga plataporma.

Pormal na simulan ng mga tagapagdaloy na sina Allen David C. Panganiban, ang kasalukuyang pangulo ng Student Council, at Nicah Anne C. Sese, ang kasalukuyang Managing Editor for Internal Affairs ng Cor Unum at Dagitab, ang programa. Sinundan naman ito ng pambungad na panalangin ng kasalukuyang Senior Secretary na si Erin Gale D. Rueda. Nagbigay rin ng pambungad na talumpati ang Senior Vice President na si Beatrice Dimalanta.

Pinangunahan ng mga standard bearer ng Volar Alto na sina Rea Lana David at Adia Mamangun ang pagpapahayag ng kanilang mga plataporma at pangunahing programa para sa taong akademiko 2024-2025. Ilan sa mga tampok nilang programa ay ang Start the Year Right at Council Online. Nilinaw rin nila sa kanilang presentasyon na wala sa kanilang mga kamay ang posibilidad ng pagkakaroon ng Funtime sa susunod na taon pero nangako silang titiyakin nilang maghahanda ang kanilang konseho ng mga aktibidad na ikatutuwa ng mga Familians.

Matapos nito, ang independent candidate na si Aldwainne "Lolo" D. Endaya, na kumakandidato para sa posisyong Grade 11 Formation Leader, ang sumunod na nagpakilala ng kaniyang mga plataporma. Ilan sa mga tampok niyang plataporma ay ang โ€˜Mag-segregate at Maglinis Tanaโ€™ Program at ang โ€˜Lingap-Lugud Kareng Maglingkudโ€™ Program. Sa kaniyang talumpati, kaniyang hinabilin na huwag siyang iboto dahil lamang sa siya ay kanilang kabigan bagkus iboto siya dahil sa naniniwala ang mga estudyante sa kaniyang mga ibinahaging plataporma.

Matapos ang presentasyon ng mga plataporma ng Volar Alto at ni Endaya, sumunod ang pag-uusisa sa kredibilidad at plataporma ng mga kandidato. Ilan sa mga tampok na tanong para sa lahat ay kung sino raw ang nagsilbing inspirasyon ng mga kandidato para maging isang lider. Kalakhan sa mga kandidato ay sinagot ang pangalan ng dating bise presidente na si Atty. Leni Robredo. Samantala, naiiba naman ang tugon ni Jaela Lingat nang banggitin nitong ang kaniyang ate na si Ralphine Jayriz Lingat, ang 2021-2022 SC Senior Vice President, ang nagsilbi niyang inspirasyon.

Sa pagwawakas, naghatid ng kanilang huling mensahe ang tumatakbong Presidente mula sa Volar Alto na si Rea Lana D. David at ang tumatakbong Grade 11 Formation Leader na si Aldwainne D. Endaya. Tinapos ni Allen David Panganiban ang programa sa pamamagitan ng mga pangwakas na salita, kasunod ay ang pangwakas na panalangin na pinangunahan ni Ethan Miguel P. Biagtan, ang kasalukuyang Managing Editor for External Affairs ng Cor Unum at Dagitab.

โœ๏ธ Leean Miguel Maniti
๐Ÿ“ท Rich Bergonio
๐Ÿ“ท Aras Selom

https://forms.gle/fdVh6MYBPWLMkhHt8Ilahad ang inyong mga saloobin! Bumoto nang may mithiin!Sa pagsisimula ng Student Cou...
10/03/2024

https://forms.gle/fdVh6MYBPWLMkhHt8

Ilahad ang inyong mga saloobin! Bumoto nang may mithiin!
Sa pagsisimula ng Student Council Election 2024-2025, naniniwala ang Cor Unum at Dagitab na nararapat na ipahayag ng mga Familians ang kanilang karapatan sa pagboto at paglalahad ng kanilang mga saloobin para sa nalalapit na Miting De Avance.
Kaya naman, hinihiling namin ang inyong partisipasyon sa pagbabahagi ng inyong mga katanungan para sa mga kandidato ngayong halalan.

Mangyaring suriin ang infographic para sa mga detalye.

Narito ang link para sa mga katanungan:
https://forms.gle/fdVh6MYBPWLMkhHt8

TINGNAN: Sinimulan na ng mga estudyante ng Accountancy and Business Management (ABM) ng Holy Family Academy ang kanilang...
06/03/2024

TINGNAN: Sinimulan na ng mga estudyante ng Accountancy and Business Management (ABM) ng Holy Family Academy ang kanilang Bazaar sa Museo ning Angeles ngayong ika-6 ng Marso, 2024.

Nakahilera ang mga tolda ng bawat pangkat kung saan nakahanda ang mga produkto at pagkaing itinitinda ng mga mag-aaral ng ABM, gaya ng damit, alahas, pagkain, at inumin.

Ang mga tindahang maaaring bisitahin ay ang Harriaโ€™s House, Hulmaโ€™t Himig, Startears Creatives, Endless Medley, Golden Coast, Bunni Grove, Pink Revolution, Armoรฑa de Espanya, at Swave Studio.

Bukas para sa lahat ang kanilang bazaar mula ika-10 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi, simula ngayong Miyerkules hanggang Biyernes, Marso 08.

โœ๏ธ Chelsea Vance Coleman
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio

Ilahad ang inyong mga saloobin! Bumoto nang may mithiin!Sa pagsisimula ng Student Council Election 2024-2025, naniniwala...
04/03/2024

Ilahad ang inyong mga saloobin! Bumoto nang may mithiin!

Sa pagsisimula ng Student Council Election 2024-2025, naniniwala ang Cor Unum at Dagitab na nararapat na ipahayag ng mga Familians ang kanilang karapatan sa pagboto at paglalahad ng kanilang mga saloobin para sa nalalapit na Miting De Avance.

Kaya naman, hinihiling namin ang inyong partisipasyon sa pagbabahagi ng inyong mga katanungan para sa mga kandidato ngayong halalan.

Mangyaring suriin ang infographic para sa mga detalye.

Narito ang link para sa mga katanungan:
https://forms.gle/fdVh6MYBPWLMkhHt8

โœ๏ธ Nicah Anne Sese
๐ŸŽจ Daphnie Luissa Lenon

4/4 BALIKAN: Chrominance 2023Familians, na-miss niyo ba ang Intramurals? ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›Tingnan ang mga larawan mula sa ikalawa ha...
03/03/2024

4/4

BALIKAN: Chrominance 2023

Familians, na-miss niyo ba ang Intramurals? ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›

Tingnan ang mga larawan mula sa ikalawa hanggang ikalimang araw ng labanan ng mga kulay at tunghayan ang mga palaro at iba pang kaganapan sa Intramurals! ๐Ÿคฉ

๐Ÿ“ท Francis Jay Aquino
๐Ÿ“ท Cathryn Shanelle Manalang
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio
๐Ÿ“ท Aras Joaquin Selom
๐Ÿ“ท Caryl Beatrix Angeline Reyes
๐Ÿ“ท Kirsten Beatrice Pineda
๐Ÿ“ท Angela Sam Carlos

3/4BALIKAN: Chrominance 2023Familians, na-miss niyo ba ang Intramurals? ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›Tingnan ang mga larawan mula sa ikalawa han...
03/03/2024

3/4

BALIKAN: Chrominance 2023

Familians, na-miss niyo ba ang Intramurals? ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›

Tingnan ang mga larawan mula sa ikalawa hanggang ikalimang araw ng labanan ng mga kulay at tunghayan ang mga palaro at iba pang kaganapan sa Intramurals! ๐Ÿคฉ

๐Ÿ“ท Francis Jay Aquino
๐Ÿ“ท Cathryn Shanelle Manalang
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio
๐Ÿ“ท Aras Joaquin Selom
๐Ÿ“ท Caryl Beatrix Angeline Reyes
๐Ÿ“ท Kirsten Beatrice Pineda
๐Ÿ“ท Angela Sam Carlos

2/4BALIKAN: Chrominance 2023Familians, na-miss niyo ba ang Intramurals? ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›Tingnan ang mga larawan mula sa ikalawa han...
03/03/2024

2/4

BALIKAN: Chrominance 2023

Familians, na-miss niyo ba ang Intramurals? ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›

Tingnan ang mga larawan mula sa ikalawa hanggang ikalimang araw ng labanan ng mga kulay at tunghayan ang mga palaro at iba pang kaganapan sa Intramurals! ๐Ÿคฉ

๐Ÿ“ท Francis Jay Aquino
๐Ÿ“ท Cathryn Shanelle Manalang
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio
๐Ÿ“ท Aras Joaquin Selom
๐Ÿ“ท Caryl Beatrix Angeline Reyes
๐Ÿ“ท Kirsten Beatrice Pineda
๐Ÿ“ท Angela Sam Carlos

1/4BALIKAN: Chrominance 2023Familians, na-miss niyo ba ang Intramurals? ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›Tingnan ang mga larawan mula sa ikalawa han...
03/03/2024

1/4

BALIKAN: Chrominance 2023

Familians, na-miss niyo ba ang Intramurals? ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›

Tingnan ang mga larawan mula sa ikalawa hanggang ikalimang araw ng labanan ng mga kulay at tunghayan ang mga palaro at iba pang kaganapan sa Intramurals! ๐Ÿคฉ

๐Ÿ“ท Francis Jay Aquino
๐Ÿ“ท Cathryn Shanelle Manalang
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio
๐Ÿ“ท Aras Joaquin Selom
๐Ÿ“ท Caryl Beatrix Angeline Reyes
๐Ÿ“ท Kirsten Beatrice Pineda
๐Ÿ“ท Angela Sam Carlos

3/3๐‡๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’: ๐‚๐ก๐ฅ๐จ๐ซ๐จ๐ฌ, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐ข๐ซ๐š๐ง๐  ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐งNanaig ang nag-uumapaw na galak ng mga F...
25/02/2024

3/3

๐‡๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’: ๐‚๐ก๐ฅ๐จ๐ซ๐จ๐ฌ, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐ข๐ซ๐š๐ง๐  ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐ง

Nanaig ang nag-uumapaw na galak ng mga Familians sa huling araw ng Chrominance 2023 - 2024 nitong ika-24 ng Pebrero sa covered court ng Holy Family Academy.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na panalanging pinangunahan ni G. Raphael John De Jesus. Sinundan naman ito ng pag-awit ng San Benito Chorale ng Lupang Hinirang. Pagkatapos nito ay pormal namang nagpakilala ang mga tagapagdaloy ng programang sina G. Jastin Pangilinan at Gng. Marvi Yosuico.

Naghandog ang mga miyembro ng La Sagrada Familia ng kagiliw-giliw na sayaw, kasabay ang mga kandidato ng Mr. at Ms. Chrominance 2023.

Ipinakilala ng mga tagapagdaloy ang mga hurado para sa Mr. at Ms. Chrominance 2023 na sina Bb. Maria Alyssa Sarmiento - ang Queen of the North 2022: Mindanao, G. Noel Vital - isang modelo ng House of Lily at Tierra Firm Active, at Bb. Andra Ting - ang Miss Philippines Pampanga 2024

Nagpatuloy ang programa sa pagpapakilala sa mga kandidato ng bawat kulay.

Kyanos ๐Ÿฉต
JHS - Sean Wesley Lacsina at Sabina Annika Sabado
SHS - Patrick Jude Rivera at Heart Ashleigh Gabriel

Chloros ๐Ÿ’š
JHS - Adrian Matt Dizon at Joaquin Afridel Roque
SHS - Julien Jedrek Alip at Bianca Isabel Simeon

Erythros โค๏ธ
JHS - Bernard Joaquin Paras at Hannah Yasmien Enriquez
SHS - Lance Melfred Efondo at Nicolette Mesina

Kitrinos ๐Ÿ’›
JHS - Christoff David at Princess Luella Santos
SHS - Ken Harvey Dizon at Chelsea Vance Coleman

Matapos makilala at rumampa ng bawat kandidato ay ginawaran nina Dean Rivera at Patrisha Arielle Infante, ang Mr. at Ms. Chrominance 2019 - 2020, ang Mr. at Ms. Photogenic para sa taong ito. Nakuha nina Ken Harvey Dizon ng Kitrinos at Joaquin Afridel Roque ng Chloros ang nasabing titulo.

Habang naghihintay sa muling pagrampa ng mga kandidato, binigyang-pagkilala ng mga tagapagdaloy ang mga nanalo sa mga minor events na siyang nagpaingay sa buong covered court.

Kasunod nito ang pagrampa ng mga kandidato suot ang kanilang casual attire. Nagwagi sina Patrick Jude Rivera at Sabina Annika Sabado ng Kyanos bilang pinakamahusay sa naturang kasuotan.

Pagkatapos ay inanunsiyo ang mga nagsipagwagi ng cash prizes sa raffle. Kinilala rin ang mga nagtagumpay sa mga larong Volleyball at Basketball pati na rin ang MVP ng bawat pangkat.

Muli namang rumampa ang mga kandidato ng bawat koponan suot ang kanilang sports attire. Ibinida ng Kyanos ang Archery at Racing attire, Tennis at Airsoft para sa Chloros, Fire Shooting at Kendo naman sa Erythros, at Football at Ballroom Dancing para sa Kitrinos.

Naghandog si G. Chianne Tiglao, ang dating Senior Business Manager ng paaralan, ng munting awitin para sa mga manonood habang hinihintay ang pasya ng mga hurado.

Sunod na inanunsyo ang mga nagwagi sa pinakamahusay na sports attire. Sina Patrick Jude Rivera ng Kyanos at Chelsea Vance Coleman ng Kitrinos ang nanalo sa pagkilalang ito.

Sinundan naman ito ng pag-anunsiyo sa mga nanalo sa Photography Contest at Mass Demonstration ng bawat baitang.

Sa huli, ang kinilalang Overall Champion ng Chrominance 2023-2024 ay ang Chloros na naghakot ng kabuoang 108 gintong medalya. Dahil dito ay binalot ng hiyawan at kasiyahan ang buong covered court dahil sa back-to-back na pagkapanalo ng Chloros.

Saad ni G. Eislie Tamayo, ang Team Leader ng Chloros, โ€œSa tuwing practice, ang inuuna ko talaga palagi ay prayer. Noโ€™ng nanalo kami, โ€˜di ko ma-explain โ€˜yong feeling. Halo-halo na, pagod โ€™tapos saya.โ€

โœ๏ธ Adrienne Santiago
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio
๐Ÿ“ท Cathryn Shanelle Manalang

2/3๐‡๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’: ๐‚๐ก๐ฅ๐จ๐ซ๐จ๐ฌ, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐ข๐ซ๐š๐ง๐  ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐งNanaig ang nag-uumapaw na galak ng mga F...
25/02/2024

2/3

1/3๐‡๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’: ๐‚๐ก๐ฅ๐จ๐ซ๐จ๐ฌ, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐ข๐ซ๐š๐ง๐  ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐งNanaig ang nag-uumapaw na galak ng mga F...
25/02/2024

1/3

Hindi na binitawan ng Chloros ang titulong Overall Champion nang mangibabaw ang 108 ginto mula sa naganap na labanan ng ...
24/02/2024

Hindi na binitawan ng Chloros ang titulong Overall Champion nang mangibabaw ang 108 ginto mula sa naganap na labanan ng mga kulay. Sumunod naman ang Kitrinos na may 92 ginto, Kyanos na may 88 ginto, at Erythros na may 72 ginto.

Mainit at lumalagablab na pagbati, Chloros! ๐Ÿ’š๐Ÿ

โœ๏ธ Michaela Ciriaco
๐ŸŽจ Aeland Shyne Pangilinan

Itinanghal na Mr. Chrominance si Patrick Jude M. Rivera ng Kyanos at Ms. Chrominance naman si Joaquin Afridel C. Roque n...
24/02/2024

Itinanghal na Mr. Chrominance si Patrick Jude M. Rivera ng Kyanos at Ms. Chrominance naman si Joaquin Afridel C. Roque ng Chloros nang magtagisan ng galing sa pagrampa at pagsagot ang mga kandidato sa Mr. and Ms. Chrominance 2023.

Pagbati! ๐Ÿ’™๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›

โœ๏ธ Michaela Ciriaco
๐ŸŽจ Aeland Shyne Pangilinan

Pagbati sa mga nagwagi sa Intramurals Mass Demonstrations!๐ŸŽจ Aeland Shyne Pangilinan
24/02/2024

Pagbati sa mga nagwagi sa Intramurals Mass Demonstrations!

๐ŸŽจ Aeland Shyne Pangilinan

Hindi nagpadaig ang Kitrinos nang kilalaning Best in Team Spirit bilang pagkilala sa pagkakaisa, pagdadamayan, at pagsup...
24/02/2024

Hindi nagpadaig ang Kitrinos nang kilalaning Best in Team Spirit bilang pagkilala sa pagkakaisa, pagdadamayan, at pagsuporta ng pangkat sa kanilang mga miyembro.

Pagbati, Kitrinos! ๐Ÿฏ๐Ÿ’›

โœ๏ธ Michaela Ciriaco
๐ŸŽจ Aeland Shyne Pangilinan

Ipinamalas ng Chloros ang pagiging patas, disiplinado, at isport sa mga palaro nang mahirang bilang Best in Team Discipl...
24/02/2024

Ipinamalas ng Chloros ang pagiging patas, disiplinado, at isport sa mga palaro nang mahirang bilang Best in Team Discipline.

Pagbati, Chloros! ๐Ÿ’š๐Ÿ

โœ๏ธ Michaela Ciriaco
๐ŸŽจ Aeland Shyne Pangilinan

Sa huling araw ng mga palaro, umakyat sa unang puwesto ang Kitrinos kasama ang Chloros nang makakuha ng 70 ginto. Patulo...
23/02/2024

Sa huling araw ng mga palaro, umakyat sa unang puwesto ang Kitrinos kasama ang Chloros nang makakuha ng 70 ginto. Patuloy na umaasa ang lahat ng koponan sa magiging resulta ng Mr. and Ms. Chrominance at Mass Demonstrations. Sino nga ba ang mananaig sa labanan ng mga kulay? ๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

๐ŸŽจ Allianna Gabrielle Antonio

Sa pang-apat na araw ng Chrominance 2023, hindi pa rin nagpatinag ang Chloros nang humakot ng 65 ginto mula sa mga laron...
22/02/2024

Sa pang-apat na araw ng Chrominance 2023, hindi pa rin nagpatinag ang Chloros nang humakot ng 65 ginto mula sa mga larong Tug O' War, Paper Plane, Darts, Athletics, at iba pa. Mainit ang labanan sa pagitan ng mga koponan kaya abangan ang huling araw ng mga isports bukas. ๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

๐ŸŽจ Allianna Gabrielle Antonio

Sa pangatlong araw ng labanan ng mga kulay, nasungkit ng Chloros ang unang puwesto nang umakyat sa 31 ang kanilang mga g...
21/02/2024

Sa pangatlong araw ng labanan ng mga kulay, nasungkit ng Chloros ang unang puwesto nang umakyat sa 31 ang kanilang mga ginto mula sa mga larong Scrabble, Chess, Swimming, at iba pa. Patuloy na lumalaban ang mga koponan upang makamit ang inaasam-asam na mga ginto. ๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

๐ŸŽจ Allianna Gabrielle Antonio

Sa unang dalawang araw ng Chrominance 2023, nanguna ang Kyanos sa labanan ng mga kulay sa mga larong Touching Ball at Mo...
20/02/2024

Sa unang dalawang araw ng Chrominance 2023, nanguna ang Kyanos sa labanan ng mga kulay sa mga larong Touching Ball at Mobile Legends. Magpapatuloy ang mga palaro sa susunod pang mga araw. ๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

๐ŸŽจ Allianna Gabrielle Antonio

2/2Blue, Green, Red, Yellow: Kulay laban sa kulay๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ซ๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‡๐…๐€Hiyawan at sigawan ang bumalot...
19/02/2024

2/2

Blue, Green, Red, Yellow: Kulay laban sa kulay
๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ซ๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‡๐…๐€

Hiyawan at sigawan ang bumalot sa buong covered court ng Holy Family Academy kanina, Pebrero 19, nang pormal nang simulan ang nagbabalik na Chrominance 2023 matapos ang tatlong taong pagkaantala nito.

Nagsimulang uminit ang labanan sa pagitan ng Kyanos, Chloros, Erythros, at Kitrinos nang magtipon-tipon ang mga ito para sa isang parada patungo sa covered court kung saan ginanap ang panimulang programa. Pinangunahan ni G. Raphael John De Jesus ang nasabing programa sa pamamagitan ng isang mataimtim na pagdarasal. Sinundan ito ng pag-awit ng San Benito Chorale ng Lupang Hinirang at ng welcome remarks mula sa punong-guro ng paaralan na si Sister Mary Frances F. Dizon, OSB.

Matapos nito ay pormal nang binuksan ni Sr. Dizon ang Intramurals na may temang: Faith in Action: United in Sports and Spirit.

Rumampa rin ang mga kandidato ng Mr. and Ms. Chrominance na sinundan ng lightning of the torch ng mga kinatawan ng bawat pangkat na pinangunahan ng Chloros โ€“ ang defending champion ng Intramurals ng taong 2019-2020. Nagkaroon din ng battle of team cheers and chants bago sinimulan ang patimpalak sa mass demo.

Sinimulan ng mga nasa ikapitong baitang ang pagpapakita ng talento sa mass demo nang kanilang ipakita ang kanilang Rhythmic Exercises gamit ang kanilang mga arnis at ring na sinundan naman ng makukulay na Festival Dance ng mga nasa ika-9 na baitang at Song and Dance ng mga nasa ika-11 baitang. Ipinagpatuloy sa hapon ang mga patimpalak sa Zumba Dancercise ng mga nasa ika-8 baitang, Cheer Dance ng mga ika-10 baitang, at Ballroom ng mga ika-12 baitang.

Matapos ng mga mass demo ay kaagad na ring sinimulan ang labanan sa touching ball para sa mga mag-aaral ng Junior High School at ang paligsahan sa e-sports na Mobile Legends.

Magpapatuloy ang Intramurals hanggang sa ika-24 ng Pebrero kung saan gaganapin ang Mr. and Ms. Chrominance at ang pagpaparangal sa mga nagsipagwagi.

โœ๏ธ Nicole Lintag
๐Ÿ“ท Sophia Nicole Favor
๐Ÿ“ท Kirsten Beatrice Pineda
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio
๐Ÿ“ท Angela Sam Carlos
๐Ÿ“ท Aras Joaquin Selom
๐Ÿ“ท Cathryn Shanelle Manalang

1/2Blue, Green, Red, Yellow: Kulay laban sa kulay๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ซ๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‡๐…๐€Hiyawan at sigawan ang bumalot...
19/02/2024

1/2

Blue, Green, Red, Yellow: Kulay laban sa kulay
๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ซ๐š๐ง๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‡๐…๐€

Hiyawan at sigawan ang bumalot sa buong covered court ng Holy Family Academy kanina, Pebrero 19, nang pormal nang simulan ang nagbabalik na Chrominance 2023 matapos ang tatlong taong pagkaantala nito.

Nagsimulang uminit ang labanan sa pagitan ng Kyanos, Chloros, Erythros, at Kitrinos nang magtipon-tipon ang mga ito para sa isang parada patungo sa covered court kung saan ginanap ang panimulang programa. Pinangunahan ni G. Raphael John De Jesus ang nasabing programa sa pamamagitan ng isang mataimtim na pagdarasal. Sinundan ito ng pag-awit ng San Benito Chorale ng Lupang Hinirang at ng welcome remarks mula sa punong-guro ng paaralan na si Sister Mary Frances F. Dizon, OSB.

Matapos nito ay pormal nang binuksan ni Sr. Dizon ang Intramurals na may temang: Faith in Action: United in Sports and Spirit.

Rumampa rin ang mga kandidato ng Mr. and Ms. Chrominance na sinundan ng lightning of the torch ng mga kinatawan ng bawat pangkat na pinangunahan ng Chloros โ€“ ang defending champion ng Intramurals ng taong 2019-2020. Nagkaroon din ng battle of team cheers and chants bago sinimulan ang patimpalak sa mass demo.

Sinimulan ng mga nasa ikapitong baitang ang pagpapakita ng talento sa mass demo nang kanilang ipakita ang kanilang Rhythmic Exercises gamit ang kanilang mga arnis at ring na sinundan naman ng makukulay na Festival Dance ng mga nasa ika-9 na baitang at Song and Dance ng mga nasa ika-11 baitang. Ipinagpatuloy sa hapon ang mga patimpalak sa Zumba Dancercise ng mga nasa ika-8 baitang, Cheer Dance ng mga ika-10 baitang, at Ballroom ng mga ika-12 baitang.

Matapos ng mga mass demo ay kaagad na ring sinimulan ang labanan sa touching ball para sa mga mag-aaral ng Junior High School at ang paligsahan sa e-sports na Mobile Legends.

Magpapatuloy ang Intramurals hanggang sa ika-24 ng Pebrero kung saan gaganapin ang Mr. and Ms. Chrominance at ang pagpaparangal sa mga nagsipagwagi.

โœ๏ธ Nicole Lintag
๐Ÿ“ท Sophia Nicole Favor
๐Ÿ“ท Kirsten Beatrice Pineda
๐Ÿ“ท Rich Zimon Bergonio
๐Ÿ“ท Angela Sam Carlos
๐Ÿ“ท Aras Joaquin Selom
๐Ÿ“ท Cathryn Shanelle Manalang

Ngayong araw ay ginugunita ang unang araw ng Kuwaresma, ang simula ng paghahanda, pagdarasal, at pagninilay tungo sa mul...
14/02/2024

Ngayong araw ay ginugunita ang unang araw ng Kuwaresma, ang simula ng paghahanda, pagdarasal, at pagninilay tungo sa muling pagkabuhay ni Kristo. Nawa'y sa panahong ito ay talikuran natin ang temptasyon at kasalanan upang maging dalisay ang ating mga puso't isipan.

Panginoon, kaawaan mo kami.

โœ๏ธ Alysha Felipe
๐ŸŽจ Urace Javier

Kaya pa ba, Familians? Siyempre, kakayanin! Lalo naโ€™t papalapit na naman ang periodical exams. Kaya tandaan, mag-review ...
11/02/2024

Kaya pa ba, Familians? Siyempre, kakayanin! Lalo naโ€™t papalapit na naman ang periodical exams. Kaya tandaan, mag-review muna nang mabuti bago makipag-date sa February 14, ha? Malalagpasan at kakayanin โ€˜yan para sa crush natin - este para sa pangarap natin.

๐†๐จ๐จ๐ ๐ฅ๐ฎ๐œ๐ค, ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข๐š๐ง๐ฌ! ๐Ÿซถ

โœ๏ธ Kassandra Velasquez
๐ŸŽจ Sophia Mae Pangan

Address

Holy Family Academy

Opening Hours

Monday 07:00 - 17:00
Tuesday 07:00 - 17:00
Wednesday 07:00 - 17:00
Thursday 07:00 - 17:00
Friday 07:00 - 17:00
Saturday 07:00 - 17:00
Sunday 07:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HFA Cor Unum & Dagitab posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to HFA Cor Unum & Dagitab:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Opening Hours
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share