13/01/2025
SINO BA SI DATING VICE-MAYOR RUIN "WIN" ABIN?
Part I:
Si dating Vice-Mayor Ruin "Win" Abin ay ipinanganak sa barangay Cabunlawan, Linapacan, Palawan ika-31 ng Marso taong 1982. Ang kanyang mga magulang ay sina G. VENANCIO Bacaro Quintero at Gng. Teonila Caballero Quintero pawang taga barangay Cabunlawan. Pang lima siya sa anim na magkakapatid. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Cabunlawan Elementary School. Noong nag aaral pa siya sa elementarya siya ay isang aktibong atleta sa larangan ng basketball at volleyball.
Nag aral ng sekondarya sa San Miguel National High School at nagtapos taong 1999 na mayroong karangalan at mga award. Siya ay naging Presidente din ng Student Body Government Organization (SBGO)noong High School.
Pagkatapos ng High School ay agad nakipag sapalaran sa Manila para hanapin ang kanyang kapalaran. Pumasok siya bilang truck helper, janitor at security guard para lamang mairaus ang pang araw-araw niyang pakikipag sapalaran sa buhay. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi agad nakapag aral sa kolehiyo at kailangang mag trabaho. Taong 2002 sa tulong ng kanyang mga kapatid ay nakapag enroll siya sa Rizal College of Laguna sa Calamba City at kumuha ng kursong AB History.
Siya ay nag aaral sa umaga at nagtatrabaho naman bilang Guardia sa gabi. Second semester ng 2002 ay lumipat siya ng City of Malabon University sa Malabon City at kumuha ng kursong AB Political Science. Tulad ng dati siya ay nag- aaral sa umaga at nagtatrabaho bilang Guardia sa gabi. Si Vice -Mayor Abin ay isang aktibong studyante din sa katunayan siya ay naging Presidente ng Liberal Arts Society sa kanilang paaralan. Nagtatag din siya ng isang student political organization noong nasa kolehiyo pa siya na aktibong nakibahagi sa Supreme Student Council election.
Taong 2006 ng siya ay magtapos sa kolehiyo. Agad naman siyang kumuha ng 18 units ng Master in Public Administration sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST). Pagkatapos ng 18 units ay pumasok na Instructor sa kolehiyo sa City of Malabon University sa ilalim ng College of Arts and Sciences. Nagtatrabaho na Instructor sa kolehiyo at kumukuha naman ng abogasya sa gabi sa Polytechnic University of the Philippines habang ipinagpapatuloy ang MA niya tuwing araw ng Sabado at Linggo.
Taong 2008 kumuha naman ng Professional Education sa City of Malabon University (CMU) at pagkatapos kumaha ng LET at siya pinalad na makapasa. Taong 2009 ng siya ay mag-asawa at napangasawa si Bb Michelle LLamera Lagrada na anak nina Sir Rodrigo Rodriguez Lagrada at Ma'am Pacita Aban LLamera.
Itutuloy....