10/07/2024
ON THIS DAY | 10 JULY 2020
Sa botong 70-11-2-1, ipinawalang-bisa ng Kongreso ang anumang pagkakataon para sa media giant na ABS-CBN na magkaroon pa ng panibagong prangkisa, sa kabila ng mga patunay ng ilang ahensya ng gobyerno na wala itong nilabag sa batas.
Ito rin ang nagbigay-daan upang magsara ang ilang departamento ng network gaya ng sports, radio, current affairs at ilang negosyo na sakop nito. Libo-libong empleyado ang nawalan ng trabaho, na-retrench, napilitang maghanap ng ibang trabaho o lumipat ng ibang kumpanya o estasyon.
Dahil rin sa pagkaka-deny ng prangkisa, sunud-sunod ang mga protesta at noise barrage na ginawa ng nga empleyado at mga artista upang ihayag ang kanilang saloobin sa mga pulitiko na nagkait aa prangkisa ng Kapamilya Network, na tila pansariling interes o ambisyon ang mas inintindi kaysa sa kapakanan ng marami lalo na ng mga empleyadong nawalan ng hanapbuhay at mga ordinaryong mamamayan na nawalan naman ng estasyong makapagbibigay sa kanila ng aliw at balita at impormasyon na mas kailangang malaman.
Isa lang ang sa mga pinakamadilim na tagpo sa kasaysayan ng pinakamalaking broadcast network sa bansa, at sa mundo ng media broadcasting.
Ngunit sa kabila ng kawalan nito ng prangkisa, nakapaghanap pa rin ng paraan ang Kapamilya Network upang mas ibahagi ang iba't ibang kwento sa maraming manonood, sa pamamagitan ng mga teleserye, pelikula at mga balita na mas kailangan sa araw-araw. Ilan d'yan ay ang blocktime deals nito sa Zoe Broadcasting Network na nagbigay-daan upang mabuo ang A2Z Channel 11, sa TV5 upang mas maabot ng nakararaming Pilipino ang ilan sa mga pinakainaabangang palabas na dati nang nakikita sa ABS-CBN noong nasa free TV pa ito, at ang kabi-kabilang partnerships at collaborations ng Kapamilya Network sa mga bigating streaming at digital platforms. Sino rin ang mag-aakala na magsasanib-pwersa na rin ang ABS-CBN at ang dating karibal nitong GMA para sa ilang proyekto at pagsasaere ng ilan sa mga palabas gaya ng It's Showtime at ang seryeng "Unbreak My Heart", at ang lalo pang paglawak ng naaabot nito dahil naman sa pagpapalabas ng ilang minahal nating programa, maging ang TV Patrol sa ALLTV.
Sa kasalukuyan, ang ABS-CBN ang siyang pinakamalaking "content provider" sa bansa, kaya hindi kataka-taka na hinahanap pa rin ng maraming manonood at tagasuporta ang mga gawa at tatak-Kapamilya.
Wala mang sariling prangkisa at frequency, tuloy pa rin ang buhay sa Kapamilya Network. Tuloy pa rin ang kanilang pagsisilbi at pagseserbisyo sa mga Pilipino, sa bansa, at saan man sa mundo.