02/02/2024
From the Romance Anthology—INNAMORARE: "The Promise" written by Haya Jhie ©️ 2023
ISBN 9798215473696
Sina Warren at Maricris ay halos magkasabay na ipinanganak. Matanda lamang si Warren ng isang oras sa kababata at ngayon nga ay pareho na silang walong taong gulang. Kasalukuyang nasa parke silang dalawa upang sulitin ang huling araw na magkasama.
“Paglaki ko, mag-aartista ako,” sabi niya.
“Kahit anong pangarap mo, susuportahan kita,” sabi naman ni Maricris.
“Salamat. Eh, ikaw? Ano ang pangarap mo paglaki natin?”
“Ang suportahan ka sa pangarap mo, at nasa likod mo lamang ako palagi,” muling sagot ni Maricris.
“Promise mo ‘yan ha?” paniniyak ni Warren sa kababata.
“Promise. Basta ‘pag sumikat ka na, huwag mo akong kalilimutan, ha?”
“Syempre naman! Ikaw kaya ang una kong tagahanga. Basta ipangako mo rin na hihintayin mo ako, na ako lamang ang mamahalin mo balang araw.”
“Pangako.” Sabay taas ni Maricris ng kanang kamay. “Baka ikaw pa nga ang hindi tumupad sa pangako eh,” dagdag pa nitong sabi.
“Hindi, nuh. Basta sa pag-alis ninyo rito sa probinsya natin, huwag mong kalimutan na tawagan ako. At bumalik ka kaagad, dahil hihintayin kita sa pagbabalik mo,” bilin niya kay Maricris.
“Oo, babalik ako. At sa pagbabalik ko ay susundan kita kahit saan lalo na sa mga shows mo, kaya huwag mo akong isnabin.” Pinaningkitan pa siya nito ng mga mata.
“Paano naman kita iisnabin eh, magkakilala tayo? Saka magkaibigan tayo at magiging mag-partner pa balang araw.”
Ngumisi muna ito bago nagsalita, “Hindi ako magpapadala ng pictures ko para surprise.”
“Ang daya mo naman. Paano naman kita makikilala no’n eh… Mag-iiba na ang itsura natin paglaki,” himutok niya.
“Basta! Ang tanging tandaan mo lamang ay mayroong isang avid fan na laging nakasunod sa’yo at isinisigaw ang pangalan mo ng may pagmamalaki. At syempre, ako ‘yon!”
Napaismid na lamang si Warren dahil hindi siya kuntento sa ganoong dahilan. Paano kung hindi lamang si Maricris ang magiging fan niya balang araw na gagawa ng gano’n? Pero hinayaan na lamang niya ang kababata at nagpasya nang umuwi dahil sa flight nito.
Sumama si Warren sa paghatid kina Maricris patungong airport. Napagpasyahan kasi ng mga magulang nito na mag-migrate sa Amerika. Bago tuluyang pumasok sa loob ng airport si Maricris, may ibinigay muna siyang kwintas. Isang silver necklace na ang pendant ay initials ng pangalan nilang dalawa.
After 25 years, naging sikat si Warren hindi lamang sa pag-aartista, maging sa pagkanta at pagsayaw din.
“Woah...! Idol! Pa-picture kami…!” Sigaw ng mga fans niya.
Pinagbigyan naman ni Warren ang mga fans. Pero hindi niya pansin na may isa siyang avid fan na hindi makasiksik upang makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao.
Pagkatapos pagbigyan ang fans, umalis na siya sa venue. Todo alalay pa sa kanya ang guard ng venue maging ang kanyang PA upang makadaan siya ng matiwasay.
Ang avid fan niya ay nakasunod lamang habang patuloy na tinatawag ang kanyang pangalan. Nang nasa parking na sila Warren, saka lamang niya napagtuunan ng pansin ang taong kanina pa tawag nang tawag sa kanya.
“Excuse me, miss. Pamilyar ang mukha mo.” Natigilan ang babae, hindi dahil sa nakikilala siya ng iniidolo kundi, sa alaala ng kanilang sumpaan. Subalit, mali pala ang akala ng babae.
“Hindi ba’t ikaw iyong laging nakasunod sa akin? Na maging sa dressing room at banyo ko ay halos pasukin mo na rin!” mahina, ngunit may panggigigil niyang dagdag sabi sa kausap.
“Ahm, ano kasi... Hindi mo ba ako natatandaan?” tanong ng babae.
Napakunot ng noo si Warren bago sumagot, “Tatanungin ba kita kung magkakilala tayo? Besides, ngayon lamang kita nakita.” Kaagad na tumalikod siya sa babae ng hindi man lang ito binibigyan ng pagkakataon na makalapit sa kanya.
Napaawang naman ng bibig ang babae dahil sa kasupladuhan ni Warren. Pakiramdam nito ay nag-iba na ang binata. Hindi na iyong Warren na kaibigan nito noon. Naging suplado pa at mukhang nakalimutan na rin ang sumpaan nilang dalawa.
Bagsak ang balikat na umalis ang babae. Gusto pa nga sana nitong lapitan si Warren at ipilit ang sarili na ipakilala, ngunit nagpasya na lamang na umuwi.
Samantalang si Warren ay nakatanaw lamang sa babae habang ito ay papalayo. Ngunit bakit gano’n, may kakaiba siyang nararamdaman habang pinagmamasdan niya ito kanina lalo na sa mga mata.
Lumipas ang isang buwan ay ganoon pa rin ang nangyayari. Hindi pa rin pinapansin ni Warren ang makulit niyang fan. Hanggang sa naubusan na siya ng pasensya rito, at hindi alintana na maraming tao sa paligid ang nando’n ng mga oras na iyon.
“Pwede ba, tigilan mo na ang kasusunod sa akin! Kasi, hindi ko na nagugustuhan! Even in my private place, you are there! Hindi ka ba nahihiya?! Kababae mong tao. O baka nga talaga wala kang respeto sa sarili mo. Ano bang hanap mo, katawan ko ba?!”
Tinulak pa niya ang babae dahilan para mapaupo sa sahig. Napaluha naman ito hindi dahil sa sakit na dulot ng sementong binagsakan ng puwitan nito, kundi, sa mga salitang binitiwan ni Warren.
Tumingala ang babae sa kanya. “Nagbago ka na. Naging mapagmataas ka na. Hindi na ikaw ang Warren na nakilala ko noon. Pinagsisisihan kong naging kaibigan kita at naniwala sa mga pangako mo. Sana… Sana hindi na lang kita nakilala! Sana hindi na lamang kita hinintay!” Bigla na lamang sumikdo ang kanyang dibdib.
Tumayo ang babae. Sa pagtayo nito ay nalaglag ang isang maliit na box. Pero dahil sa emosyong nararamdaman, ay hindi nito iyon napansin. Nakayuko itong tumakbo palabas ng venue habang lumuluha.
Click the links below to read more. 👇🏼
https://play.google.com/store/books/details?id=qUnrEAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/profile/view/WarangPH