14/09/2021
Yun oh dito nga po pala at nagbabalik sainyo mga ka dyugs!
So dito sa gameplay na nirecord ko ( LANCER main account at ung dalawa bago palang ) for sure maraming magtatanong anong game to? at syempre magtatanong yan kung may pagkakakitaan ba? so eto ang sagot diyan :)
This is MIR4 na MMROPG na may NFT which is PLAY TO EARN siya.
Eto ung mga questions na pwedeng tumakbo sa isip niyo:
--------PAANO UNG GAMEPLAY?---------
- Again MMROPG siya so kung familiar kayo sa MU, DIABLO at RAGNAROK parehas lang sila. May CLASS which consist of 4 type:
WARRIOR
SORCERER
TAOIST
LANCER
at bawat class may specific SKILLS tong mga to. :)
- Meron ka ring SPIRIT which is sidekick mo pandagdag stats pantulong rin sa mga quest na gagawin mo.
Pwede ka rin dito bumuo ng CLAN kung gusto mo kasama ung buong TROPA mo magfarm ng DARKSTEEL na pinaka importante dito sa larong to dahil ito un icconvert mo into DRACO COINS which is eto ung TOKEN mo dito.
- Meron din itong 4 branches ng gameplay which are:
HUNTING
= normal sa mga naglalaro ng mga MMROPG na grind ka lang at mag papaLVL ( may specific LVL ka kasi dapat na mameet para mabuksan ung tinatawag na DRACO CONVERSION )
GATHERING
= alam nyo naman na to the more na nag gagather kayo ng items pwede nyo siya mabenta depende sa rarity ng item sa MARKET which is pwede rin siyang maging source of DARKSTEEL nyo without doing mining.
MINING
= Most important part ng game na to and fastest way para makakuha ng DARKSTEEL. Same as mga MMROPG may ma specific areas for mining at may mga FLOORS ito which consist of 4 levels. The more na mataas ung level expect nyo na MATAAS DIN UNG DROP ng DARKSTEEL at MATAAS ANG CHANCE na may makikisawsaw na players ( TOXIC or PK )
MEDITATING
= relax mode nyo lang ung character nyo for healing and mana regen at skill regen.
--------MAY AUTO OPTIONS BA TO?-------
- YES MERON! sa phone at sa PC para sa mga gusto lang click ng click! :)
-------MAY PVP BA?-------
- As of now wala pa PERO pwede kayong makipag duel sa ibang PLAYERS at pwede rin kayong makigulo lalo na if nagffarm sila at gusto mo mantoxic para sa DARKSTEEL :D kaya I suggest na may kasama kang mataas na LVL or tulad nitong nasa video na gumawa ako ng 3 account which is PWEDE para kahit solo ka lang may nagbabantay sa main farmer mo at iwas PK.
-----ANO UNG DARKSTEEL at DRACO?-----
- Darksteel is eto ung main item sa game kasi eto ung gagawa ng DRACO coin which is may VALUE siya sa market.
------PAANO MAGKAROON NG DRACO?-----
- Para magkaroon ka ng DRACO coin kelangan mo magfarm ng DARKSTEEL. Ang conversion ng DARKSTEEL to DRACO is eto:
10k Darksteel = 1 Draco
Mahirap ba ang makakuha ng ganun karaming DARKSTEEL? Depende sainyo kung paano ung strategy nyo when it comes to FARMING.
Kasi sabe ko nga kanina na may lvls ang FLOOR ng mining area and ang advisable eh 3rd at 4th bakit? kasi ung drop nila is 80 to 200 darksteel SA ISANG PALO nyo so estimated na mafafarm nyo 200k to 500k sa isang araw :)
May mga kulay ung DARKSTEEL STONE dun na importante rin if talagang nagmamadali kayo magfarm:
NORMAL - 20 to 50 DS drop
ORANGE - 100 to 164 DS drop
RED - up to 200 DS drop
pero REMINDER na if target nyo is un ORANGE or RED eh kelangan nyo lang talagang magingat sa mga TOXIC na mahilig mam PK.
------VALUE NG DRACO COIN------
- eto ung kelangan ng lahat para ganahan kang igrind tong laro nato :)
Dito sa website makikita nyo ung value ng DRACO to WEMIX at DRACO to USD.
https://mir4draco.com/
As of now ang value nito ay:
WEMIX / DRACO = 0.67
USD/DRACO = 0.74
At again tumataas yan at bumaba which is normal sa mga PLAY TO EARN games.
So ayun lang naman so para sa mga hindi pa pinapalad dyan na makuhan ISKOLAR sa AXIE or walang pang budget mag AXIE try nyo to! :) and para sa mga magtatanong kung PAANO MACCASHOUT, ANO UNG WEMIX at ANO UNG BIKI ( eto ung mga sites kung saan mo ggawin ung conversion pag ipproccess mo na ung DRACO mo sa PERA ) eto ung link:
https://www.youtube.com/watch?v=A9JZd-_eaO4
PS:
Binabaan ko lang ung quality dahil maarte si FB :D