23/05/2022
Have a great week ahead 🏍🛵🚗🚕🚙🛻🚚
P A A L A L A
Nananatili pa rin ang pagpapatupad ng MMDA Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 5 pm hanggang 8 pm mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.
Sa ilalim nito, bawal ang mga sasakyan sa pagbiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng plate number mula 5 pm hanggang 8 pm. Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.
Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trak ng basura, trak ng petrolyo, at sasakyang may dalang mga perishable at/o essential goods.