15/05/2024
Caleb!
rinig ko ang iyong boses mula sa likuran. kaya agad akong humarap at hinanap ang gawi mo‚ mukang may kailangan ka sa‘kin.
caleb, favor naman oh. please?
pagpipilit mo sa‘kin. nagkita na naman tayo, alam ko na ang pakay mo ay ang kulitin na naman ako.
“ano ‘yon?”sagot ko.
kita ko ang ngiti sa iyong mga labi at pagkislap ng iyong mata. Kay gandang pag masdan, ano kaya ang pakay nito?
“pwede bang e pakilala mo ako sa kaibigan mo? gusto ko kasi syang makilala ng maiigi” sabi mo sa akin.
nagulat ako sa sinabi mo. Hindi ka naman ganto dati, wala kang interes sa mga lalake at wala karing interes na makilala ang ibang tao. pero bakit ngayon? bakit ngayon nag bago ka? sinabi mo pa talaga sa harap ko?
“s-sige‚ I mean susubukan ko” sagot ko habang mapait na ngumiti.
nagpasalamat ka at umalis na.
ang sakit. bakit gan‘to? bakit ngayon pa? bakit ngayon na natutunan ko ng mahalin ka‚ bakit ngayon’ nasasanay na ako pagali sa tabi mo? bakit d mo magawang kilalanin din ako tulad ng sinabi mong gusto mong kilalanin ang kaibigan ko?
bakit hindi nalang ako?