28/05/2023
Gaya rin ba kita na food is life at mahilig um-order via foodpanda pero hindi laging may voucher or discounts?
If yes, then I recommend this tipid hack for you!
Using Gcash, makakabili ka ng foodpanda voucher at less price.
Punta ka lang sa iyong Gcash App. Tapos i-click si A+ Rewards.
At doon sa AliPay, bukod sa Foodpanda vouchers ay marami pang iba tulad ng Disney+, Viu, at for online games.
Isipin mo yun, for example worth 500 ang ichecheck-out mo sa foodpanda, mabibili mo lang yung voucher sa halagang 419 pesos.
81 pesos discount din yun. :)
Pero disclaimer lang, voucher price may vary. Minsan nakaflash sale, minsan hindi.
Pero kadalasan nasa ganyang amount ung discount.
Another disclaimer, hindi lahat ng shops/restaurant sa foodpanda ay natanggap ng gcash. Nasubukan ko na kasi before bumili ng voucher pero unfortunately, yung gusto kong restaurant ay di pala natanggap ng gcash payment. Kaya ugaliing icheck muna if available ba as payment method si gcash.
Pero no worries, hindi naman siya nag eexpire kaagad. Basahin nalang ang terms and conditions sa mismong voucher.
Check the pictures below para sa kompletong detalye. ☺️