08/03/2021
Yan yung tinutukoy ko
SCOOP: TV5 , babawi sa tulong ng ABS-CBN Entertainment contents.
Inaasahan ng Telco magnate at TV5 Chairman Manny V. Pangilinan na makakabawi na ang pagmamay-aring istasyon sa pamamagitan ng paggawa pa ng mas marami pang contents ngayon at cost-cutting measures sa kumpanya.
Matatandaang nagkaroon ng malawakang cost-cutting at tanggalan ng empleyado ang TV5 taong 2015 at pagkansela sa entertainment division nito noong 2016 dahil sa mababang tv ratings at ad loads.
“I think maybe four or five years away we are looking at profit situation and maybe three years for our breakeven that’s our best forecast,”
“We see some traction with respect to their (TV5) own entertainment content , still low in terms of ratings, probably one tenth or one eight of the size of GMA7, but moving upward gradually,”
Ayon pa kay Pangilinan, nakatulong daw umano ang pagpasok ng ABS-CBN content ngayon sa TV5.
Matatandaan na noong Enero ay nagsimula ang simulcast airing sa TV5 ng longest running Sunday musical variety show na ASAP Natin 'To at FPJ Da King.
“The content of ABS-CBN that’s so far been shown on TV5 has helped a bit and we’re talking to them about showing more content on TV5,”
Inaasahan na mas marami pang ABS-CBN Entertainment contents ang maipapalabas sa TV5.
Samantala, simula naman sa March 8, Lunes ay ipapalabas na rin sa primetime block ng singko ang apat na tinututukang ABS-CBN Primetime Bida shows, ito ay ang FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo ay Akin, Walang Hanggang Paalam at Pinoy Big Brother Connect.
Dahil sa arrangement na ito sa Cignal at TV5, maihahatid ng ABS-CBN Entertainment ang mga programa nito sa mas malawak pang sakop sa pamamagitan ng nationwide reach ng TV5.