Confidential Realm

  • Home
  • Confidential Realm

Confidential Realm Standing out from the crowd in a silent way

A reminder that being authentic and true to yourself makes your story matter

02/07/2023

SLOW DOWN AND BE PATIENT WITH LIFE

If You Are Looking For Wealth, Somebody else Is Looking For Health.

If You Are Looking For Health, Somebody else Just Dièd.

If You are Looking For Power, Somebody else Has Acquired And Used it, And he/she is now Powerless.

Each Time You Drive A Fancy Car, Somebody, Somewhere Is Dying In A Car Crash.

Each Time a New Mansion Springs From The Earth, A New Grave is Dug Below The Earth.

Each Time You Throw Away A Morsel, Somebody else somewhere is Searching For a Morsel To Survive.

Each Time You Throw Food Into Dustbin, Someone else Is Looking For Remnant To Eat.

Each Time You Ask God To Promote or Change Your Present Situation, Someone else Is Praying to Get To Your Present Situation.

For Each Smile On The Planet, There's a Drop Of Tear In Another Place On The Planet.

For Each Celebration Of Childbirth, There Are Tears of Bùrial.

Each Time You Urinate Or Drink Water, Remember Someone Is Using Pipe For The Same Purpòse.

So Always Be Thankful.

Think of the Goodness u have rather than the vanities u long for,..

Thanks for reading

Live Life To The Fullest

10/06/2023

Student Commits Su***de Dahil Di Kasali sa Graduation
(Long Story)

Nakakalungkot makabasa ng ganitong balita ngayon.
Mas pinili nyang manahimik kaysa lumaban.

Alam ko ung feeling na yan. Naranasan ko.
Nakita ko sa malayo yung isang klasmate ko nakatoga, graduation pala nila ngayong araw. Ang ganda nya sa makeup at ayos ng buhok nya. Habang ako nag aantay sa professor ko para makapasa ng pinaghirapang requirements para makacomply ng INC. Di ko namalayan naluluha na ako habang tinitingan sila, kasama na nya ung ibang klasmate namin habang naghahanda para sa graduation march nila. Yung feeling na naiingit ako. Buti pa sila. Ako may isang taon pang bubunuin para makamartsa (sana ganoon lang kadali).

Ilang years ng naghihirap mag aral. Tiniis lahat. Pagod. Puyat. Papasok kahit gutom at kulang ang tulog. Umulan, umaraw o bumagyo (water proof ang mga college student) kailangan maglakad para makapasok. Wala nga minsan pangkain pamasahe pa kaya. Working student ako at pinalad na makatagpo ng may mabuting loob para makapagpatuloy ako mag aral. Naputol na kasi yung scholarship ko sa dating politiko sa amin. Ayaw na akong pag aralin ng Tatay ko. Naalala ko umiyak ko ng last day ng enrolment. Nakita ako ng kumpare ni Tatay at naawa. Pinautang ako ng 2k para makaenrol. Sayang daw kasi matataas grado ko, kasama sa top student noong hayskul at pasado ako sa dalawang entrance exam (pinalad pa, naka top 2 pa sa ranking).

As working student maliit lang sahod ko. Per hr ang bayad, nagsimula sa 500 to 1000 per month ang maximum. Pinangtutustos ko sa panggastos sa university na pinapasokan ko at pangbili ng ilang gamit sa bahay (laki ng ngiti ng mga kapatid ko kapag bumibili ako ng safeguard, toothpaste at ilang sachet ng shampoo, ang kaya lang kasi bilhin ni Nanay ay asin pang toothbrush at bareta pang ligo sa katawan at damay na panghugas ng buhok). Masaya na ako kung may pangbayad o pangbili ng school supplies para sa projects at Xerox copy ng ilang pages ng book (wala kasi akong libro) kung ano lang ang kailangan, minsan kulang pa para makacover ang lesson sa isang major subject pa lang. Madalas kasi wala na sa library available book na pwede mahiram. Halos maging close friend ko na ung Librarian namin. Swerte kung may baon pero alam mong hindi para sa pagkain kundi sa pangbayad ng materials (madalas di pa sapat) na ibibigay ng minor prof namin for our activity. Madalas mangutang para makaraos kada araw. Binabayaran na lang pag dating ng sahod. Kung walang mahiraman wala kang activity kaya good as absent ka na. Swerte lang maka snack ako kung mautusang bumili as working student at madamay akong kumain. Saklap. Bakit naiiyak na ako ngayon kahit more than 15 yrs ng nakaraan.

Uuwi ka galing sa trabaho (sa mga vacant period ko o pagkatapos ng klase binubuno ang 4-6 hrs kada araw as working student sa universiting pinapasokan ko), madadatnan mo makalat ang bahay kasi marami kang kapatid na maliit (7 kami, ako ang panganay) na umiiyak kasi gutom na din. Nagtatahi naman si Nanay dahil wala silang labada ngayon. Wala pa si Tatay kaya wala pang maluluto. Mayamaya darating si Tatay. Lasing (palagi naman) may dalang pangsaing at ulam na alam ng lahat na di sapat para makakain lahat. May dala nga siyang pagkain pero galit sa amin. Doon naman magsisimula ang ingay sa bahay. Mag aaway na namam si Nanay at Tatay. Ipapamukha nya na utang na loob namin sa kanya bakit kami makakain ngayon. Nagtiis din daw siya ng ulan, araw, gutom, insulto at galit ng sumasakay na pasaheros sa padyak na hinuhulugan nya bago nya makuha ang pangbili ng pagkain na dala nya. Kaya mahirap humingi ng panggastos sa pag aaral kay Tatay. Mabigyan man maraming masasakit na salitang ipupukol sayo. Nag iinom muna bago umuwi sa amin. Minsan nangbabae pa, magtataka ka na lang kung saan kinukuha ang panggastos nya. Madalas mag away sina Nanay at Tatay. Dinig ng buong barangay. Nagkakasakitan silang pisikal, si Nanay ang mas kawawa. Kaya imbes magpahinga o magsimula mag aral, mag solve ng problems o gumawa ng project. Mas pinili kong umalis sa bahay. Oo duwag ako, kahit alam kung mali na ginagawa at pinagsasabi nila, di ko magawang sumali o pagsalitaan sila na "tumigil na kayo lagi na lang kayong nag aaway, nakakahiya sa mga kapitbahay". Pinalaki kami na magalang. Nagmamano at di nakikisali sa usapan ng matatanda. Pupunta ako sa bakanteng bahay na sinisimulang gawain malapit sa amin. Doon madilim at walang tao. Doon ko ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko, walang nakakakita. Iiyak ako hanggang mapagod. Hanggang maubos, hanggang wala ng tutulong luha. Marami akong kaibigan pero di ko ugaling tatakbo sa kanila pag may problema ako, lalo na kung tungkol sa pamilya ko. Kaya di ko natutunang magbisyo, alak o sigarilyo, katulad ng ibang kababata ko na ganoon din ang dinaranas sa pamilya at pag aaral. Kapag di ko na kinakaya at may pamasahe sa simbahan naman ang takbo. Doon naman ako umiiyak ng matagal. Wala akong pakialam kung sino ang nakakita sa akin. Hindi na din ako tumitingin sa paligid hanggang mahimasmasan, magmunimuni at makauwi. Matatapos madalas ang away nila umiiyak na lang ni Nanay habang nakatulog sa kalasingan si Tatay at gigising ng di alam kung anong nangyari. Saka lang ako nagsisimulang gumawa ng assignment o project. Minsan makakatulogan ko o kaya di pa tapos kailangan ko ng pumasok na naman, na walang tulog at mugto ang mata.

Parang di totoo at gawa gawa lang lahat. Isang kahig isang tuka, magulo ang pamilya namin, walang sapat na panggastos sa pag aaral ko, kulang ang oras ko mag aral (di ako nakakapag practice magsolve ng problems, kaya ako bumagsak sa isang major subject ko). Nakakapagod magtrabaho, makakasalamuha ka ng iba't ibang tao. May gagabay, may magtuturo ng leksyon, may manglalait at ipapamukha ang lugar mo sa mundo. Nakakapagod mabuhay.

Kapag ubos na luha ko. Saka ako nagdaday dream. Mas gusto kung makapagtapos ng pag aaral. Kailangan. Para di ko na maranasang magutom. Makaalis sa poder ng Tatay ko. Makatulong sa Nanay at mga kapatid ko. Makabili ng bagong damit at sapatos. May maayos na bahay na hindi natulo at kumpleto ang dingding.

Pero kung di ko naranasan lahat ng yon,
baka di ako ganito katatag ngayon.

Sana di ka muna sumuko, Sis.
Sinusubok talaga tayo.
Baka blessing in disguise pa
bakit di ka muna nakapagtapos tulad ko.

By the way, na meet ko ang partner ko,
naging classmate ko sa back subject ko.
Going strong with 2 kids

Baka iba naman naging kwento mo.
Kung sana di ka sumuko.
Rest in peace.

20__
BSCE
_SU

***de

26/05/2023

Can you think of one person who succeeded
in something after several attempts?
Think about this....
There are plenty!

So what do you need to do?

Be fearless
Be motivated
Be encouraged
Know where you are and
what you need to do
to get to where you want to be.

Take an active part in living your life.
Do things that will add value to your life.
It may be getting an education,
changing your career,
changing your location,
developing meaning full relationships
that will step up your game,
the list is endless!

Take the reins.
It is your life, and it has no duplicate.
So live it to the fullest, and
when your time comes,
you will have no regrets
knowing you lived your best life.

Written by OAO
Published in Write Like a Girl

(Disclaimer: didn’t intend to infringe copyright, just worth sharing)

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Confidential Realm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share