Life with Stone

  • Home
  • Life with Stone

Life with Stone 🤵‍♂️👰‍♀️👶

Anak, Nakikita mo yang itsura ng Papa mo?Sana Ganyan mukha mo pag-labas. 🤣🤣Check-up Update: As of 34weeks & 3days.No UTI...
11/07/2024

Anak, Nakikita mo yang itsura ng Papa mo?
Sana Ganyan mukha mo pag-labas. 🤣🤣

Check-up Update: As of 34weeks & 3days.
No UTI again Yey! Sobrang thankful na hindi ako nag-take ng antibiotic sa journey na’to, all goods lang. 🙏🤍 Kaso bumaba daw ang dugo ko, any suggestion paano to pataasin bukod sa magalit. Charot! 🤣🤣🤣

Next step: Ultrasound.
Anak, Pumusisyon ka na haaa. Galingan mo mag-breakdance dyan sa loob para ready to go na tayis! 😘🤣

Hindi pa Pasko pero ang biyaya umaapaw. 🙈Grabe naman yang pagmamahal nyo sa Anak namin. Maraming Salamat po! 🥹🤎
10/07/2024

Hindi pa Pasko pero ang biyaya umaapaw. 🙈
Grabe naman yang pagmamahal nyo sa Anak namin. Maraming Salamat po! 🥹🤎

🤗
02/06/2024

🤗

Very soon your baby will be in your arms to give him all the love and care you wish to give him 😍 ♥️ 🤰🏻

31/05/2024

Nag-crave si buntis ng CANTON 🤤🤍 Disclaimer lang po, Based po lamang ito sa kung anong gusto ko isahog at kung paanong way ko sya gusto lutuin. 😅 Ang importante nabusog kame ng anak ko. 🤣🤍 Sana kayo rin!🙈🤣

August baby 🤍
30/05/2024

August baby 🤍

My sweet baby— see you soon!🤍

-ctto-

We don’t know how to express all the gratitude that we’re feeling after receiving these gifts. Thank you for this lovely...
29/05/2024

We don’t know how to express all the gratitude that we’re feeling after receiving these gifts. Thank you for this lovely present for our baby boy! 🫶🏼🫶🏼

From monthly to Twice a month na check up na tayo dahil 7months na si Bebi sa tummy. 🫶🏼 Thank God! Lahat ng laboratories...
29/05/2024

From monthly to Twice a month na check up na tayo dahil 7months na si Bebi sa tummy. 🫶🏼 Thank God! Lahat ng laboratories at check ups ay normal kame ni Stone. 😇 Pray lang na hanggang manganak ay walang maging problema. 🙏

Thanks also to my husband sa palaging pag-sama, excited yan sya lagi sa picture lang hindi kase pogi daw sya pag serious face. 🤣

I've received 100 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. 🙏🤗🎉
21/05/2024

I've received 100 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. 🙏🤗🎉

Unti-unti na nating kumpletuhin ang mga kakailanganin ni baby. 🫶🏼
20/05/2024

Unti-unti na nating kumpletuhin ang mga kakailanganin ni baby. 🫶🏼

Huwag kayong magalit o magtanim ng sama ng loob kung pinagbabawalan kayo ng partner nyo kase minsan para din yun sa kali...
18/05/2024

Huwag kayong magalit o magtanim ng sama ng loob kung pinagbabawalan kayo ng partner nyo kase minsan para din yun sa kaligtasan nyo.

Tulad nitong asawa ko, Sobrang ingat nya sa mga iniinom at kinakaen ko simula nag-buntis ako kaya ganyan na lang mukha nya ng makita nyang kape ang inorder ko. 🤣

Lahat ng kakainin o iinumin ko may approval nya muna part na rin ng pag-iingat nya samin kaya nasunod ako, pinagbbigyan nya naman ako minsan pero dapat konti lang, Palagi ring kasama ko sya para nakikita nya, Kung hindi man I make sure na pag di kame magkasama eh alam nya lahat ng kinakaen ko. Lagi nya rin talaga ko binibilinan na mag-TUBIG. Hindi rin naman ako kumokontra pag ayaw nya kase alam kong nag-aalala lang din sya at ayaw nyang magkasakit ako lalo may baby sa loob ng tyan ko. Actually EVER Nya naman akong pinagbawalan since naging magkarelasyon kame, Ngayon lang kase nga iba ang sitwasyon, may isa pang buhay na kasama. 🫶🏼 Kaya hindi na rin ako kumontra, Sa kakasunod ko nga ayun, Never talaga kong nagka-UTI. Lahat din ng Lab ko at check up eh very good kame ni baby. Talagang ACID lang ang nagiging problema ko kase kahit di pa ko buntis nandyan na sya. Kaya alam nyo na bat ganyan mukha nya sa photo. 😅

Anyways,
Kudos to this man, He really knows how to handle my cravings well naman. At buti na lang yung mga cravings ko hindi pang out of this world kaya napagbibigyan. 😂 Thankyou mahal. 🤍

At bago ko tapusin to,
Gusto ko lang din palang malaman nyo na
“HINATIAN NYA KO SA KAPE”. 😭🤣

Grabe namiss ko ang kape. 🥹🤍
18/05/2024

Grabe namiss ko ang kape. 🥹🤍

Sa ngayon - It’s your “Mama & Papa” Day - muna Anak! 🥰 Paglabas mo ikaw na yung ise-celebrate namin kada bwan. 🙈Happy 18...
18/05/2024

Sa ngayon - It’s your “Mama & Papa” Day - muna Anak! 🥰 Paglabas mo ikaw na yung ise-celebrate namin kada bwan. 🙈

Happy 18th day of the month,
Stay cool and Inlove soon-to-be parents! 🫶🏼

Makahula ng lulutuin ko, makakatikim ng Sopas. 😘🤣
17/05/2024

Makahula ng lulutuin ko, makakatikim ng Sopas. 😘🤣

Flexin’ my 26-week and 4-day baby bump. 🥰Road to TRIMESTER without having UTI since day 1. TYL! 🙏🤍
17/05/2024

Flexin’ my 26-week and 4-day baby bump. 🥰
Road to TRIMESTER without having UTI since day 1. TYL! 🙏🤍

Some little gesture make it special . 🥰
16/05/2024

Some little gesture make it special . 🥰

Appreciation post sa aking mahal na asawa 🫶🏼Gusto mo lang malaman nyo kung gaano ako ka-swerte sa asawa. 👉👈Mahal, Sobran...
09/05/2024

Appreciation post sa aking mahal na asawa 🫶🏼

Gusto mo lang malaman nyo kung gaano ako ka-swerte sa asawa. 👉👈

Mahal, Sobrang naa-appreciate kita.

Tipong kahit sobrang antok ka pa talagang bumabangon ka para mag-asikaso ng pagkain ko sa umaga.
Tapos iidlip ka ulit gigising ka pag naramdaman mo ng paalis na ko kase susuotan mo ko ng medyas at sapatos kase nahihirapan ako yumuko.
Minsan pa sinasamahan mo ko maglakad sa umaga papunta sa sakayan ng tricycle.
Mas gusto mo ring ikaw ang nagluluto.
Pati sa paglalaba gusto mo ikaw kase ayaw mong mapagod ako ng sobra, Okay na sayo basta i-sort ko lang yung mga damit tapos ikaw na bahala sa lahat.
Maski sa paglilinis ng bahay naasahan ka.
Kahit na kailangan mo pa magpahinga dahil pagod ka mas pinipili mo pa rin akong samahan sa lahat ng check up namin ni Baby.
Pag may nararamdaman akong hindi maganda kahit nasa trabaho ka pupuntahan at pupuntahan mo ko ma-check mo lang na okay ako.
Wala kang pakealam kahit maubos na yung leave mo basta mabantayan mo lang ako pag may sakit ako.

Sobra kang mag-alaga.
Sobra kang mag-mahal.

Sinusubok man tayo ngayon sa maraming bagay, Alam kong mapagtatagumpayan natin to ng mag-kasama.

Araw-araw ko yang ipagpapasalamat at ipapanalangin sa Panginoon. 🙏

Salamat mahal.
Swerte ni Stone ikaw ang Papa nya. 🥹🫶🏼

🤍
08/05/2024

🤍

The Best feeling is knowing your baby has a great father for life 🤍

Naka-survive na naman tayo sa bwan ng Abril.Laban ulit tayo sa MAYO. 🫶🏼🙏
30/04/2024

Naka-survive na naman tayo sa bwan ng Abril.

Laban ulit tayo sa MAYO. 🫶🏼🙏

Kapag nakakapagbayad ka na kuryente at tubig. Kapag nakakakain na kayo ng masarap kahit minsan. Kapag nakakabili ka na n...
24/04/2024

Kapag nakakapagbayad ka na kuryente at tubig. Kapag nakakakain na kayo ng masarap kahit minsan. Kapag nakakabili ka na ng damit na gusto mo lalo na kapag pasko o may okasyon.

Kapag nangyayari na 'to, umuusad ka na.

Hindi kailangang engrande para masabi mong may improvement na sa buhay mo. Mahalaga, alam mong may nabago at kontento ka sa mga pagbabagong 'to. ✨🌻

Ctto.

Been busy enjoying life. ✨Hello! So, baka lang namiss nyo kame dito. 🤣
21/01/2024

Been busy enjoying life. ✨
Hello! So, baka lang namiss nyo kame dito. 🤣

“Focus on the good!” 🫶🏼Merry Christmas Everyone! 🎄🥳🤍
24/12/2023

“Focus on the good!” 🫶🏼

Merry Christmas Everyone! 🎄🥳🤍

POV : Naiwan kang mag-isa sa bagon. 😅
07/12/2023

POV : Naiwan kang mag-isa sa bagon. 😅

I've received 200 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. 🙏🤗🎉
07/12/2023

I've received 200 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. 🙏🤗🎉

Jollibee pa rin kahit gipit. 😌😂
02/12/2023

Jollibee pa rin kahit gipit. 😌😂

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Life with Stone posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Life with Stone:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share