The Crusader - SHS

  • Home
  • The Crusader - SHS

The Crusader - SHS Welcome to the Official Facebook of the Pasig Catholic College—Senior High School Crusader.

BEEP, BEEP! GUSTO MO BANG SUMAMA? 📣 Chevron is seeking new passengers for the most exciting journey ahead! The Crusader ...
21/08/2024

BEEP, BEEP! GUSTO MO BANG SUMAMA? 📣

Chevron is seeking new passengers for the most exciting journey ahead!

The Crusader is searching for talented writers, photojournalists, artists, layout artists, and broadcasters with a passion for journalism and a spirit for the open road.

If you're up for the challenge, join our team as we tell important stories and make a change by being heralds of truth in diversity!

What are you waiting for? Fill out the form below: https://forms.gle/K8mfDnPZAVwbwrkC7

The deadline for applications will be on August 30 at 8:00 PM.

IKAW NA LANG ANG KULANG! TARA, SAKAY NA! 🚌🇵🇭


IKA-21 ANIBERSARYO NG DIYOSESIS NG PASIG | Ika-21 ng Agosto, 2024Ipinagdiriwang ngayon ng lungsod ng Pasig, Taguig, at m...
21/08/2024

IKA-21 ANIBERSARYO NG DIYOSESIS NG PASIG | Ika-21 ng Agosto, 2024

Ipinagdiriwang ngayon ng lungsod ng Pasig, Taguig, at maging ang munisipalidad ng Pateros, ang ika-21 anibersaryo ng Diyosesis ng Pasig.

Binuo ang diyosesis noong ika-28 ng Hunyo, 2003, at sa bisa ng deklarasyon ni Papa Juan Pablo II, itinalaga ang kauna-unahang obispo ng Pasig na si Lbh. Kgg. Francisco San Diego noong ika-21 ng Agosto sa parehong taon.

Sumisimbolo ang selebrasyon na ito ng pagkakaroon ng matatag at malalim na pananampalataya ng bawat isa sa Panginoon.

Muli, maligayang ika-21 anibersaryo ng Diyosesis ng Pasig!

✍️: Raphael Natividad
💻: Rossnie Penetrante



ARAW NI NINOY AQUINO | Ika-21 ng Agosto, 2024Ngayong araw, ating alalahanin ang araw ng pagpaslang sa dating Senador Ben...
21/08/2024

ARAW NI NINOY AQUINO | Ika-21 ng Agosto, 2024

Ngayong araw, ating alalahanin ang araw ng pagpaslang sa dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. bilang simbolo ng paninindigan noong panahong ng diktadura.

Idineklara ang araw na ito bilang paalala sa bawat Pilipino na ang kaniyang pagkamatay sa Manila International Airport–ngayo'y mas tanyag na kilala bilang Ninoy Aquino International Aiport–sa ilalim ng Batas Republika Blg. 9256 noong Pebrero 25, 2004.

Sa ating paggunita at pagbuhay sa kaniyang alaala na isulong ang demokrasya ng Pilipinas, ating alalahanin din ang bawat Pilipinong lumahok sa EDSA People Power Revolution na nagpakita ng kahandaan ng nga Pilipinong ipaglaban ang karapatan at kalayaan mula sa mapangahas na sistema ng rehimeng Marcos noong panahon ng batas militar.

✍️: Shin Nogrado
💻: Joaquin Legaspi


21/08/2024

MGA PARTIDO NG SCB HALALAN 2024, PORMAL NANG NAGHARAP!

PANOORIN: Noong ika-13 ng Agosto, 2024, nagpalitan ng maiiinit na patutsada ang mga partidong HIRAYA at PAHAM sa Miting De Avance ngayong taon.

Ang Miting de Avance ay pinangunahan ng SHS Crusader-COMELEC, kung saan nagtalakayan, nagdebate at nagbatuhan ng mga tanong ang mga kandidato ng magkabilang partido. | via Miguel Flores, The Crusader Broadcasting Dept.

No copyright infringement intended.

📝: Nigel Adlao
🎥: Gab Villanueva
💻: Redd Mariano




 : PANIBAGONG HENERASYON NG MGA KABATAANG HANDANG UMAKSYON! ✊Malugod na ipinakikilala ng Crusader-COMELEC ang mga bagong...
19/08/2024

: PANIBAGONG HENERASYON NG MGA KABATAANG HANDANG UMAKSYON! ✊

Malugod na ipinakikilala ng Crusader-COMELEC ang mga bagong-halal na opisyales ng SHS-SCB para sa Panuruang Taon 2024-2025.

Inaasahan ng buong komunidad ng Senior High School na mamunga ang suporta't pag-asang ibinigay nila sa mga naihalal na kandidato. Nawa'y suklian ng mga ito ang tiwala ng kanilang mga kapwa-estudyante sa pamamagitan ng tapat at mapagpakumbabang paglilingkod.

Ipinararating din ng Crusader-COMELEC ang kanilang pasasalamat sa kooperasyon at pag-antabay ng Kagawaran ng Senior High School sa nakalipas na eleksyon. Muli, pagbati sa mga bagong halal!

TINGNAN: Kaninang umaga, opisyal nang sinimulan ng Pasig Catholic College ang paggamit ng radio-frequency identification...
19/08/2024

TINGNAN: Kaninang umaga, opisyal nang sinimulan ng Pasig Catholic College ang paggamit ng radio-frequency identification o RFID upang maitala ang oras ng pagdating at pag-alis ng mga mag-aaral sa kampus sa pamamagitan ng OrangeApps.

Mayroon nang mga kompyuter sa may Centennial Wall ng eskwelahan kung saan maaaring i-scan ng mga estudyante ang kanilang mga ID bago tumuloy sa silid-aralan.

✍️🏻: Angela Baltazar
📷: Yuan Atienza at Leslie Seva


ARAW NI MANUEL QUEZON | Ika-19 ng Agosto, 2024Ngayong araw, buong puso nating ipinagdiriwang ang ika-146 kaarawan ni Man...
19/08/2024

ARAW NI MANUEL QUEZON | Ika-19 ng Agosto, 2024

Ngayong araw, buong puso nating ipinagdiriwang ang ika-146 kaarawan ni Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."

Hindi lamang siya sa politika nakilala, lumaban din siya para sa mga repormang panlipunan at nagsikap para mas mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.

Bukod dito, ang kanyang pagmamahal sa wika at sa ating kultura ay nakatulong din sa pagbuo ng mas matibay na pundasyon at pagkakakilanlan ng ating bansa.

Sa araw na ito, ating alalahanin ang kaniyang legasiya. Bigyang-pugay natin ang kanyang makasaysayang kontribusyon para sa ating bansa na hanggang ngayon ay pinagsisikapan nating maipagpatuloy. 🇵🇭

✍️: Chymes Malinao
💻: Princess Garcia


EXCLUSIVE: Important Warning Regarding Fake News on Class Cancellation It has come to our attention that a fake and inac...
18/08/2024

EXCLUSIVE: Important Warning Regarding Fake News on Class Cancellation

It has come to our attention that a fake and inaccurate post is circulating online regarding the cancellation of classes, falsely attributed to our official publication, The Crusader. Please be advised that there is NO such announcement from our publication.

We urge everyone to rely only on our verified channels for official updates from your advisers and school heads, and to refrain from spreading unverified information. Let’s continue to be vigilant and responsible online.

Thank you for your cooperation!


KAPISTAHAN NI STA. CLARA DE MONTEFALCO | Ika-17 ng Agosto, 2024 Sa kabuuan ng kaniyang buhay sa mundong ito, walang mali...
17/08/2024

KAPISTAHAN NI STA. CLARA DE MONTEFALCO | Ika-17 ng Agosto, 2024

Sa kabuuan ng kaniyang buhay sa mundong ito, walang maliw na ipinamalas ni Santa Clara ang kapayakan at kababaang-loob. Biniyayaan man siya ng Diyos ng kabanalan at karunungan, nanatili siyang mapagpakumbaba at masunurin.

Nang siya'y pumanaw, natuklasan sa loob ng kaniyang puso ang munting krus ni Kristo na naitanim doon matapos magpakita ang Panginoon sa kaniya. Nawa'y maging ehemplo sa ating henerasyon ang kapuspusan ng debosyon ni Santa Clara sa kaniyang bokasyon. Viva, Santa Clara de Montefalco!

✍️: Angela Baltazar
💻: Ryanna Fulgencio


TINGNAN: Idinaos ang huling araw ng pagboto sa SCB Halalan 2024 na nilahukan ng mga ika-12 baitang ngayong ika-15 ng Ago...
15/08/2024

TINGNAN: Idinaos ang huling araw ng pagboto sa SCB Halalan 2024 na nilahukan ng mga ika-12 baitang ngayong ika-15 ng Agosto, 2024.

Matapos ang kanilang rutinang pang-umaga, ipinaliwanag ng mga representatibo ng Crusader-COMELEC ang mga alintintuning kailangang sundin sa pagboto para sa mas malinis at maayos na eleksyon.

✍🏻: Anne Luna
📷: Crusader-COMELEC


 : RESULTA NG ELEKSYON, SA LUNES NA! 🗓Matapos ang maprosesong paghahalal ng kandidato; malalaman na sa Lunes, ika-18 ng ...
15/08/2024

: RESULTA NG ELEKSYON, SA LUNES NA! 🗓

Matapos ang maprosesong paghahalal ng kandidato; malalaman na sa Lunes, ika-18 ng Agosto ng umaga, ang resulta ng SCB Halalan 2024!

Bibigyang karangalan ang mga kandidatong nagwagi sa araw ng homeroom kasabay ng pagpapaskil nito sa mga opisyal na social media pages ng The Crusader-SHS.

KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT SA BIRHENG MARIA | Ika-15 ng Agosto, 2024Ipinagdiriwang ngayon ng Simbahang Katoliko ...
15/08/2024

KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT SA BIRHENG MARIA | Ika-15 ng Agosto, 2024

Ipinagdiriwang ngayon ng Simbahang Katoliko ang Assumption of the Blessed Virgin Mary o ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Birheng Maria.

Ito ay isang paalala sa bawat Katoliko na ang presensiya ng Birheng Maria ay simbolo ng pananampalataya at pangako ng Diyos sa buhay na walang hanggan.

Nawa'y maging isang paalala ito sa ating lahat na ipagbunyi ang bawat tagumpay na ating nakamtan sa pamamagitan ng mga dalangin sa Mahal na Ina.

✍️: Shin Nogrado
💻: Nicole Del Rosario


 : SANG-AYON O HINDI SANG-AYON! 🤝Nagpahayag ng mga posisyon ang bawat kandidato ng partidong PAHAM na tumatakbo sa SCB H...
14/08/2024

: SANG-AYON O HINDI SANG-AYON! 🤝

Nagpahayag ng mga posisyon ang bawat kandidato ng partidong PAHAM na tumatakbo sa SCB Halalan 2024 pagdating sa mga isyung kinakaharap ng iba't ibang sektor.

Ito ay ginanap bilang isang bahagi ng programa ng Miting de Avance kahapon, ika-13 ng Agosto.

Narito ang talaan ng kabuoang kasagutan ng mga kandidato sa usaping pangkalahatan, nasyonal, at maging sa loob ng Pasig Catholic College.

[Isang paumanhin ang nararapat ibigay sa parehong partido, maging sa mga nasasakupan nito, matapos makakuha ng Crusader-COMELEC ng ilang mga pagkabahala ukol sa kasagutan ng ilan sa mga kandidatong naisapubliko noong mga nakaraang araw. Tinatanggap ng Crusader-COMELEC na hindi ito naaayon at dapat na mas pag-igihin pa ang pagsusuri sa mga isinasapubliko nitong mga materyal. Mangyaring basahin muli ang post na ito para sa mga naging edit sa sagot ng ilang mga kandidato.]

 : SANG-AYON O HINDI SANG-AYON! 🤝Nagpahayag ng mga posisyon ang bawat kandidato ng partidong HIRAYA na tumatakbo sa SCB ...
14/08/2024

: SANG-AYON O HINDI SANG-AYON! 🤝

Nagpahayag ng mga posisyon ang bawat kandidato ng partidong HIRAYA na tumatakbo sa SCB Halalan 2024 pagdating sa mga isyung kinakaharap ng iba't ibang sektor.

Ito ay ginanap bilang isang bahagi ng programa ng Miting de Avance kahapon, ika-13 ng Agosto.

Narito ang talaan ng kabuoang kasagutan ng mga kandidato sa usaping pangkalahatan, nasyonal, at maging sa loob ng Pasig Catholic College.

[Isang paumanhin ang nararapat ibigay sa parehong partido, maging sa mga nasasakupan nito, matapos makakuha ng Crusader-COMELEC ng ilang mga pagkabahala ukol sa kasagutan ng ilan sa mga kandidatong naisapubliko noong mga nakaraang araw. Tinatanggap ng Crusader-COMELEC na hindi ito naaayon at dapat na mas pag-igihin pa ang pagsusuri sa mga isinasapubliko nitong mga materyal. Mangyaring basahin muli ang post na ito para sa mga naging edit sa sagot ng ilang mga kandidato.]

14/08/2024

OPENING RITES, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA!

PANOORIN: Isinagawa ang Pasinaya o ang Opening Rites noong ika-9 ng Agosto, 2024 bilang pagkilala sa ika-112 taon ng paaralan. Ginanap ito sa PCC Facade sa pangunguna ni Reb. Pdr. Daniel L. Estacio kasama ang mga piling estudyante at ilan pang mga tagapangasiwa ng paaralan. | via Alecxandre Paulino, The Crusader Broadcasting Dept.

No copyright infringement intended.

📝: Haniya Masbud
🎥: Nigel Adlao
💻: Tricia Ricasa



 : HULING ARAW NG BOTOHAN, MAGAGANAP NA BUKAS!📆Gaganapin na bukas nang umaga, ika-15 ng Agosto, ang huling araw ng botoh...
14/08/2024

: HULING ARAW NG BOTOHAN, MAGAGANAP NA BUKAS!📆

Gaganapin na bukas nang umaga, ika-15 ng Agosto, ang huling araw ng botohan para sa SCB Halalan 2024 na lalahukan ng mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang.

Ito ay mangyayari sa oras ng homeroom sa pangunguna ng mga monitor mula sa Crusader-COMELEC.

Upang panatilihin ang kaayusan ng daloy sa pagboto, mangyaring basahin nang mabuti ang ilang mga paalalang ibinahagi ng Crusader-COMELEC:
https://www.facebook.com/share/p/v2anymwg9uycADZ6/

14/08/2024

: HULING HIRIT NG PAHAM! #️⃣

Sa pagtatapos ng panahon para sa pangangampanya, narito ang huling materyal kasama ang mga kandidato ng partidong PAHAM!

Ang tanong: kung gagawing "hashtag" ang kanilang mga plataporma, sa paanong paraan nga ba nila ito gagawing "trending"?

Pakinggan ang kanilang mga kasagutan sa ekslusibong panayam na ito ng Crusader-COMELEC.

TINGNAN: Matapos ang halos isang linggong paspasang paghahanda ng mga kandidato, tinuldukan na ng mga estudyante ng ika-...
14/08/2024

TINGNAN: Matapos ang halos isang linggong paspasang paghahanda ng mga kandidato, tinuldukan na ng mga estudyante ng ika-11 baitang ang kanilang pangangampanya nang mamili sila ng kanilang mga napupusuang opisyal kaninang umaga, ika-14 ng Agosto, 2024.

Matapos ang botohan, agad namang isinagawa ng Crusader-COMELEC ang manual na pagbibilang ng mga boto.

✍️: Valeriejoy Abaquita
📷: Xian Quitiongco, Zaynah De Vera, Angela Baltazar, Marc Alvarez, Daniel Zafra, Valeriejoy Abaquita


 : PAALALA PARA SA PAGBOTO! 🗳️Ngayong umaga, ika-14 ng Agosto, gaganapin ang unang araw ng pagboto para sa SCB Halalan 2...
13/08/2024

: PAALALA PARA SA PAGBOTO! 🗳️

Ngayong umaga, ika-14 ng Agosto, gaganapin ang unang araw ng pagboto para sa SCB Halalan 2024.

Narito ang iskedyul at ilan sa mga paalalang dapat tandaan para sa mas matiwasay na daloy ng eleksyon.

13/08/2024

: HULING HIRIT NG HIRAYA! #️⃣

Sa pagtatapos ng panahon para sa pangangampanya, narito ang huling materyal kasama ang mga kandidato ng partidong HIRAYA!

Ang tanong: kung gagawing "hashtag" ang kanilang mga plataporma, sa paanong paraan nga ba nila ito gagawing "trending"?

Pakinggan ang kanilang mga kasagutan sa ekslusibong panayam na ito ng Crusader-COMELEC.

POKUS: Kaninang umaga, dinaluhan ng departamento ng SHS ang Miting de Avance para sa SCB Halalan 2024.Ito ay naglalayong...
13/08/2024

POKUS: Kaninang umaga, dinaluhan ng departamento ng SHS ang Miting de Avance para sa SCB Halalan 2024.

Ito ay naglalayong kilatisin nang mabuti ang mga tumatakbong kandidato sa pamamagitan ng pagdedebate, pagbibigay posisyon sa mga isyu, at maging pagsasagot ng katanungan patungkol sa kanilang mga adbokasiya.

✍️: Daniel Zafra
📷: Daniel Zafra at Xian Quitiongco



 : UNANG ARAW NG ELEKSYON, BUKAS NA! 📣Magsisimula na bukas, ika-14 ng Agosto, ang unang araw ng botohan para sa SCB Hala...
13/08/2024

: UNANG ARAW NG ELEKSYON, BUKAS NA! 📣

Magsisimula na bukas, ika-14 ng Agosto, ang unang araw ng botohan para sa SCB Halalan 2024.

Ang eleksyon ay magaganap sa oras ng homeroom kasama ng kanilang mga tagapayo at mga representatibo mula sa Crusader-COMELEC.

Mangyaring antabayanan ang mga panutong ibibigay ng inyong mga tagapayo at COMELEC sa oras ng pagboto para sa mas maayos na daloy ng halalan.

NGAYON: Ginagaganap ang Miting De Avance ng taong panuruan 2024 - 2025 sa Crown Jewel ng Pasig Catholic College kasama a...
13/08/2024

NGAYON: Ginagaganap ang Miting De Avance ng taong panuruan 2024 - 2025 sa Crown Jewel ng Pasig Catholic College kasama ang departamento ng Senior High School ngayong umaga ng ika-13 ng Agosto.

Nagaganap ang papupulong ito upang kilatisin at kilalanin ang mga kandidatong tatakbo sa nalalapit na eleksiyon.

✍️🏻 at 📷: Xian Quitiongco at Daniel Zafra



TINGNAN: Ginanap kaninang umaga, ika-12 ng Agosto, ang huling araw ng pangangampanya ng mga partidong HIRAYA at PAHAM sa...
12/08/2024

TINGNAN: Ginanap kaninang umaga, ika-12 ng Agosto, ang huling araw ng pangangampanya ng mga partidong HIRAYA at PAHAM sa ika-12 baitang ng Senior High School.

Nagpakilala ang mga kandidato ng bawat partido, kasabay ng kanilang mga adbokasiya at plataporma upang halinahin ang mga mambobotong piliin sila sa nalalapit na halalan.

✍🏻: Anne Luna
📷: Chymes Malinao at Xian Quitiongco


 : MITING DE AVANCE, BUKAS NA! 📢Tunghayan ang SCB Halalan 2024: Miting de Avance na magaganap na bukas, ika-13 ng Agosto...
12/08/2024

: MITING DE AVANCE, BUKAS NA! 📢

Tunghayan ang SCB Halalan 2024: Miting de Avance na magaganap na bukas, ika-13 ng Agosto, sa ganap na 7:00 n.u. sa Crown Jewel ng Pasig Catholic College.

Ito ay naglalayong makapagbigay ng plataporma upang kilatisin at suriin ang bawat kandidatong tumatakbo sa nalalapit na eleksyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga adbokasiya, pagsagot sa mga nagbabagang katanungan, at kanilang posisyon sa mga napapanahong isyu.

Narito ang ilang mga paalala para sa nasabing programa.

Kitakits, PCCians!

PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KABATAAN | Ika-12 ng Agosto, 2024Ang Pandaigdigang Araw ng mga Kabataan ay isang matimtiman at...
12/08/2024

PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KABATAAN | Ika-12 ng Agosto, 2024

Ang Pandaigdigang Araw ng mga Kabataan ay isang matimtiman at makabuluhang selebrasyon ng kapayapaan.

Noong taong 1985, itinatag ni Papa Juan Pablo II ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan o World Youth Day (WYD) matapos masaksihan ang dalisay na pananampalataya ng mga kabataang Katoliko mula sa iba't ibang sulok ng mundo.

Nais ipadama ng Simbahang Katolika ang malugod na pagyakap at pagtanggap nito sa kasalukuyang henerasyon.

Nawa'y manatili sa ating mga puso't isip na tayo, bilang nga kabataan, ay may kakayahang ipahayag ang ating pananampalataya mga sarili nating pamamaraan.

✍️: Angela Baltazar
💻: Rossnie Penetrante


 : NARITO NA ANG PARTIDONG PAHAM! 📣Ipinakikilala ng Crusader-COMELEC ang mga opisyal na kandidato ng partidong PAHAM!Sur...
10/08/2024

: NARITO NA ANG PARTIDONG PAHAM! 📣

Ipinakikilala ng Crusader-COMELEC ang mga opisyal na kandidato ng partidong PAHAM!

Suriin, kilatisin, at maging kritikal sa kanilang mga plataporma, adbokasiya, at maging sa kanilang kredensyal para sa nalalapit na SCB Halalan 2024.

 : NARITO NA ANG PARTIDONG HIRAYA! 📣Ipinakikilala ng Crusader-COMELEC ang mga opisyal na kandidato ng partidong HIRAYA!S...
10/08/2024

: NARITO NA ANG PARTIDONG HIRAYA! 📣

Ipinakikilala ng Crusader-COMELEC ang mga opisyal na kandidato ng partidong HIRAYA!

Suriin, kilatisin, at maging kritikal sa kanilang mga plataporma, adbokasiya, at maging sa kanilang kredensyal para sa nalalapit na SCB Halalan 2024.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Crusader - SHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Crusader - SHS:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share