22/08/2020
Tiwala lang
"PANO BA MAGKARON NG MADAMING NANUNUOD BOSS?"
Isa na ata to sa usual na itinatanong sakin ng mga aspiring streamers na nagcocomment sa live ko or minsan minemessage pa ako.
Ok sige kwento muna ako ha, alam nyo last year nung nagsisimula ako magstream maniwala kayo sa hindi eh halos 1-5 viewers lang naglalaro ang nanunuod sakin pero I didnt mind. Alam nyo bakit?
Ops teka, SIKRET TEKNIK to mga susunod kong sasabihin. alam nyo anong naging teknik ko? WALA, walang teknik... Ang lagi nyo lang tatandaan e kung bakit nga ba kayo nag sstream in the first place. E bakit nga ba? gusto nyo magkaron ng career sa streaming? mapanood highlights ng game nyo? funny moments? fame? or simply dahil gusto nyo lang na may kakwentuhan... Well we all have reasons naman why we stream pero alam nyo kung ano sa tingin ko ang meron tayo dapat in common? Yung PAGVAVALUE ng ORAS ng mga nanunuod sa atin. Yes tama ang basa mo kapatid, Ivalue mo lang ang oras nila. Baka sabihin nyo sobrang lalim ah, hindi.. Eto nga ang teknik eh kase diba usually ang nagiging mindset pag walang nanunuod sayo e parang nakakatamad naman magstream kase walang nanunuod?? Tama ba? Well, ito yan brader o sister if you really love what you do you do it unconditionally, un bang tipong di porke 2 o 3 lang ang nanunuod e di mo na sila papansinin. Yung tipong sisimangot ka na lang habang naglalaro ng game na gusto mo naman talaga laruin. Wag na wag mong kakalimutan na mag enjoy kapatid, dahil naglaro ka nga para mag enjoy diba? Pakita mo sa iba bat mo naeenjoy yung paglalaro, ishare mo sa kanila pano ka tumawa or matuwa sa nilalaro mo.
Ganito kase ang opinyon ko dyan, Nagstream ka ba para sikat ka kagad o nagstream ka kase hinahanap mo yung mga taong maniniwala sa ginagawa mo? Yung tipong mahahanap mo yung mga taong tunay sayo, Yung sa panget o magandang laro mo e nakasuporta pa din sa ginagawa mo.
Ulitin ko kapatid, VALUE your every viewer's time dahil ang oras ay hindi naibabalik o nabibili. Ika nga diba, TIME IS GOLD and that is true dahil every second na may dadaan o manunuod sa stream mo e maguukol sila ng oras at atensyon para panoorin kung ano ba ang ginagawa mo.
Well, isa lang naman to sa mga teknik na alam ko. Meron pa akong ibang alam kaso masyado na ata mahaba tong post ko kaya next time nalang ulit yung iba ha.
Wag na wag mo susukuan ang ginagawa mo kapatid lalo kung alam mong mahal mo yan. Pero syempre ibalanse mo pa din ang oras mo sa mga ibang bagay. LABYU!
-BOSS T