Lily's Files
22 march 2023
MGA PULIS NA BABAE SA NCRPO ITATALAGA BILANG DESK OFFICER AT POLICE VISIBILITY AY PALALAKASIN PA
INIHAYAG ni National Captial Region Police Office (NCRPO) Chief, PMGEN Edgar Alan Okubo, na nais niyang palakasin pa ang police visibility sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa hepe ng NCRPO ang hakbang na ito ay upang mas mapaigting pa ang pagsugpo sa krimen sa mga barangay communities sa Metro Manila.
Aniya, nais din nilang buhayin ang revitalized police sa barangay program para mas mabilis na makaresponde sa mga komunidad sa anumang krimen na magaganap sa bawat barangay.
Kaugnay nito, ay nakatakdang makipagpulong si Okubo sa mga district directors ng NCRPO para sa naturang programa.
Samantala, nais rin ni Okubo na ang mga kababaihanpulis ang siyang itatalaga bilang desk officers sa mga pangunahing presinto sa National Capital Region (NCR).
Paliwanag ni PMGen. Okubo, na base sa kanyang pag-aral at nakalap na video footage mula sa mga body camera ng NCRPO police officers, kumpara sa mga lalaki ay mas malawak ang presensiya ng mga kababaihan pagdating sa pakikipag-usap sa mga complainant.
Mas nakikita niya sa gagawin niyang hakbang na mas maunawaan ang mga reklamo ng ating mga kababayan na tutungo sa bawat presinto sa Metro Manila.
Lily's Files
March 22, 2023
Mga lamang dagat at isda sa karagatan ng Negros Oriental apektado na rin ng oil spill
Maging ang mga lamang dagat at isda ay apektado na rin ng oil spill mula sa lumubog na barko na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro, ayon sa ginawang analysis ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Kinumpirma ng BFAR na nagpositibo sa langis ang mga isda at lamang dagat na kanilang kinuhaan ng sample sa karagatan sa sa mga baybaying bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao.
Sa bawat litro ng tubig, ay nakakuha ang BFAR ng tatlo hanggang limang miligrams ng langis o grasa.
"Preliminary findings showed that traces of petroleum products, particularly oil and grease, were detected in water samples — equivalent to <5 mg/L. The figure is within the standard of 3 mg/L to 5 mg/L set by the Department of the Environment and Natural Resources in Administrative Order 2016-08. The DA-BFAR likewise found low-level contaminants or polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH) in the fish samples. PAH, which is harmful to humans and other living organisms, may accumulate in the flesh of fish over time," batay sa Facebook post ng BFAR.
Nadiskubre din na mayroong low level na polycyclic aromatic hydrocarbons ang mga isda sa ginawang sample ng BFAR kung saan mapanganib ito sakaling kainin ng tao.
Dahil dito, patuloy na inirekomenda ng BFAR ang pagpapatupad ng fish ban sa buong Oriental Mindoro upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan ng mga naninirahan doon.
Pinalawig na rin ng BFAR ang kanilang Water and fish samples hanggang Caluya, Antique dahil nagdeklara na rin doon ng fishing ban ang lokal na pamahalaan.
Samantala, umabot na sa P 6.4 million ang naipamahagi na livelihood assistance sa mga mangingisda na naapektuhan ng nasabing oil spill sa Oriental Mindoro.