17/12/2023
'DAPAT HANDA KA MA STRESS'
Isang negosyante ang nagbahagi ng kanyang tips para sa mga nagnanais pumasok sa isang negosyo, sinabi nyang madalas ang nakikita lamang sa mga negosyante ay ang sucesss nila ngunit sa likod ng tagumpay napakaraming pagsubok ang kailangan pagdaanan.
"Tip bago ka pumasok sa Buhay Negosyante💵
Dapat handa ka ma stress.
Dapat handa ka mapuyat.
Dapat handa ka sa pagod.
Dapat madami kang Calculator.
Dapat may Notes ka specially Ballpen.
Dapat 3 Bank Account mo.
Huwag na huwag mong Ihahalo ang Personal na gastos mo sa pera ng Business mo dahil kundi sabog ang Isip mo Hahahah char👻 legit opo
Dapat Iwasan ang bisyo.
Matutong magpakumbaba.
Babaan ang Pride.
at “KUNG NEGOSYANTE KA, MAKAKARELATE KA”
"Madalas kasi nakikita lang ng karamihan YUNG SUCESS NG ISANG TAO. Na, “ay marami tong raket, marami tong pera”. My Business yan madaming pera yan.
"Hindi nila nakikita yung laki ng “PRESSURE” ,"PAGOD", "SAKRIPISYO", " BATTLE MO SA SARILI MO". Yung times na umiiyak kana lang sa pagod at Pressure. Yung hanggang madaling araw nag cocompute ka. Hanggang Gabi nag Gri-Grind ka para sa pangarap mo. Yung bawat negosyante pagkakasyahin ang maliit na kapital na hawak niya, kung pano papaikutin.. Hindi nila nakikita lahat ng Burden na nangyayari sa sarili mo at sa negosyo mo.
"Ang nakikita lang nila yung Na establish mo na Business ok na. Na kapag hindi mo sila napag bigyan akala nila madamot kana, na nagmamataas kana. Pero hindi nila alam na pinapaikot mo lang puhunan mo kaya hindi mo sila mapagbigyan. Hindi nila nakikita mga expenses sa business at sa personal mo..
"Sa Lahat ng Negosyante, Laban lang tayo ng laban para sa mga Sarili natin pangarap. Grind lang Tayo ng Grind.. Mabuhay ang Small Business 💪💪💪💪" post ni Tuts FB.
credits: TUTS Batangueño ✨