TAYTAY TIANGGE SCANDAL: EXPLAIN BEFORE YOU COMPLAIN
Bagong administrasyon ng Taytay binaklas ang Masterpiece painting ng Munisipyo ng Taytay !
Kung hindi naman sira, Kung hindi naman nakakasagabal bakit Kailangan alisin ?!
Mayor Allan Ano po ba balak nyo gawin at unahin.
Maligayang bati sa Toda Rescue Volunteers sa pagdiriwang ng inyong first year anniversary ng Inyong pagkakatatag.
Nawa'y marami pang taon ang inyong mapagtagumpayan.
Video Source: Jon Jon Oreta FB post
QUARANTINE FACILITY NG TAYTAY HANDA NANG TUMANGGAP NG PASYENTE
Matatagpuan sa C6 Road sa Brgy. Sta. Ana ang Taytay Quarantine Facility na magiging opisyal na recovery and isolation facility sa bayan ng Taytay. Sa kasalukuyan ay maayos na ang daloy ng supply ng tubig at kuryente dito. Maayos din tumatakbo ang mga inilagay na CCTV, air conditioner, at air purifier.
Ang facility ay may kapasidad na 64 na pasyente. Mayroon din ditong nakahanda na in-house security, maintenance personnel, at health office representative upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at kalinisan maging ang araw-araw na operasyon ng pasilidad.
Source: Taytay Public Information Office
PAG DISINFECT SA MGA RESPONDERS NG TAYTAY MDRRMO
Sa dami ng taong nakakasalamuha ng Taytay Mdrrmo rescuers, mapa COVID-19 patient man, mga sangkot sa vehicular accidents, o sa kahit anong emergency, laging sinisigurado ng tanggapan ng MDRRMO na protektado at ligtas ang kanilang responders o rescuers sa pamamagitan ng pag disinfect sa kanila laban sa banta ng COVID-19. Ang kanilang mga rescue vehicles ay palagi rin dinidisinfect para sa kaligtasan ng mga pasyente at rescuers/staff na papasok sa loob ng sasakyan.
SOURCE:
Taytay Mdrrmo
PINILI NG ILANG KABABAYAN NATIN SA KABUL, AFGHANISTAN NA MANATILI MUNA SA BANSANG IYON
PINILI NG ILANG KABABAYAN NATIN SA KABUL, AFGHANISTAN NA MANATILI DOON
Kamakailan lamang ay inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa mandatory evacuation ng mga Pilipino sa Afghanistan. Ngayong Agosto 27, 2021 ay 185 na Pilipino ang naiulat na nakapag-evacuate na. Sa kasagsagan ng kaguluhan ngayon sa Kabul, Afganistanh, ay piniling manatili muna ng 24 na Pilipino sa bansang iyon.
Kinausap ng CNN Philippines ang dalawa Filipino OFW na si Joel Tungal at Richard De Claro at sa kanilang pahayag ay gusto nilang umuwi sa Pilipinas ngunit hindi nila kayang basta-basta na lamang iwan ang walo nilang kasamahan dahil misyon mula sa Nepal, India, at Europe. Ayon sa kanila, hindi pa raw nila tapos gampanan ang kanilang misyon na protektahan ang kanilang mga kasamahan.
Sa ulat kamakailan lamang ay nagkaroon ng dalawang bombing attacks sa Kabul airport kung saan ay mayroong dalawang Pilipino ang paalis sana ng bansa. Walang Pilipino naiulat na namatay sa pagsabog, ngunit 13 US service members ang namatay at 18 naman ang sugatan.
Video:
Tristan Nodalo
SOURCE:
CNN Philippines
SUNOG SA PUREGOLD ANTIPOLO
Bandang 7:00 am nitong Miyerkules, ika-25 ng Agosto ay nagkaroon ng sunog sa Puregold sa Antipolo city. Itinaas sa ika-apat na alarma ang sunog sa Budget Lane sa may Circumferential Road, Brgy. San Jose, Antipolo City.
Pinaiwas muna ang mga motorista na dumaan sa Siete Medya - Circumferential Rd.
Source: Taga-Rizal Update
ISANG NAGBBIKE NABANGGA NG TRUCK SA BRGY SAN ISIDRO
Mayroong isang nagbbike na nabangga ng isang truck sa Rizal Ave. Corner P. Ocampo nitong 11:30 am, ika-19 ng Agosto. Ang nabangga ay nagtamo ng Right leg possible fracture at back pain. Nadala naman siya sa Taytay Emergency.
Source: Vivian Reyes Yupangco on Facebook
COFFEE AND BUNS TIKTOK DANCE CHALLENGE
Aliwin at libangin ang ating sarili at mga kasama sa pagsali sa challenge na ito at may chance ka pang manalo ng Cash Prize!
SINO ANG PWEDENG SUMALI?
1. Kailangan ikaw ay tiga Taytay, Rizal.
2. Open for ALL AGES.
3. Pwede ang solo, duo o grupo pero dapat oobserbahan ang โSocial Distancingโ.
PAANO SUMALI:
1. I-like at i-follow ang page na ito:
https://facebook.com/leonardoboknay/
at i-share ang post na ito:
https://www.facebook.com/leonardoboknay/videos/373839071067091/
2. Go to our profile on Tiktok: @konsiboknayleonardo
3. Use the music in our video to make your own DANCE video entry
4. Use the hashtags #CoffeeAndBunsDanceChallenge #CoffeeAndBunsNiKonsiBOKNAY
5. Post it on tiktok and facebook (your post must be set to Public)
PAANO MANALO:
Ito ang krayterya sa pagpili ng mananalo:
1. Number of likes, shares & views - 50%
2. Choreography (creativity) - 30%
3. Originality - 20%
TOTAL - 100%
CASH PRIZES:
1st Prize: P3,000.00
2nd Prize: P2,000.00
3rd Prize: P1,000.00
And more special prizes
Plus, lahat ng mananalo ay bibisitahin ng ating coffee and buns on wheels sa kani-kanilang mga lugar ๐
So, what are you waiting for? Join now!
Announcement of winners will be on AUGUST 30, 2021 (Monday)
Source: Elaine "Boknay" Leonardo