07/11/2019
Kwentuhan muna tayo bago ako matulog. 😁 Naging fan ako ni Sarah since elem days ko until now nagwowork na ako. Well nabawasan nga lang ung time ko na mag adik sakanya now but thru twitter may update naman. Lahat ng close friends ko elem, high school, college up until now pag Sarah G. topic ako agad tinitignan kasi they know super fan ako. Nung nag open ng twitter nasa gitna ng pangalan ko ung SARAH. Andami kong binibiling magazine nya. Parang di lilipas ung araw na wala akong update sakanya. I remember high school ako nun first time mag punta si Sarah sa province namin eh free concert un so umaasa ako finally makikita ko na sya in person pero mej malayo sa bahay namin ung town proper kung saan gaganapin concert nya. Umiyak pa nga ako nun sa mama ko kasi ano na bes ilang hours nalang wala pa ako dun and wala pa akong kasama. Buti nalang may kapitbahay kami na ka age ko rin na fan rin ni Sarah shout out Lili. Hahahhaa. So ayun super saya ko nun nung pinayagan ako ng mama. Then nandun na kami super nilalamig ako jusme diko maexplain ung feeling as in kasi shumay finally makikita ko na sya. 😭😍So ayun nung nag umpisa na weeelp tili doon tili dito. Super ganda nya. Super husay sumayaw kumanta. Super charming. Lahat na ng super kulang nalang mag super saiyan sya. Char! 😅✌🏼 so yun after nun di syempre ninja moves labas kami agad kasi nga gusto namin syang masilayan paglabas nya. Antagal namin naghintay sa exit. Well di kami sigurado san sya dadaan kasi nga may dalawang exit dun so sa mas madaming tao kami naki abang and andun ung mga guard kaya gora. Pero pakatalino ng mga guards nilito lang pala kami sa iba dinaan. So ayun takbuhan kami sa kabila pero ayun daming tao hirap makisiksik so ayun likod nalang nya nakita namin. Pero grabe after ung ganap na yun ilang weeks akong high di maka move on kay Sarah. First time ko kasi sya makita. 😍😁
Ps grabe no ilang years na nun super nene pa sya nun. Now mag-aasawa na sya. 😌
Anyways, Ikaw anong kwento mo nung una mong nakita si Sarah?
-💙