
24/03/2025
๐๐๐ข๐ญ๐๐๐ฌ, ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐
๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐
Pagkabungad ko pa lamang sa labas ng unibersidad, "๐๐ฐ๐บ, ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ?" ang agad na sumalubong sa akin. Parang may sariling tiyempo ang tanong, laging naririnig sa parehong oras, sa parehong tono, mula sa parehong traysikel driver na nakasandal sa kanyang manibela. Pawisan siya, may bimpo sa batok, at halatang maghapon nang nakabilad sa araw. Hindi ko na kailangang sumagotโisang tango lang, at alam na niyang sasakay ako.
Sumampa ako sa traysikel, umupo sa loob, at agad kong naramdaman ang alinsangan sa sikip ng espasyo. Mabagal ang takbo dahil sa dami ng estudyanteng lumalabas, sabay-sabay na nag-uunahang makauwi. Sa bawat pagliko, ramdam ko ang bahagyang pag-angat ng gulong sa kalsada, parang isang saglit lang ay maaari akong tumilapon. Pero sanay na ako rito.
Sa pagdating sa bayan, bumaba ako at nagbayad. "๐๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ." Inabot ko ang lukot na pera, sabay lakad papunta sa terminal ng dyip. Doon, mas maingay, mas maguloโparang isang maliit na lungsod na hindi nauubusan ng kwento. May barker na paulit-ulit na sumisigaw, "๐๐ด๐ข ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ! ๐๐ด๐ข ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ! ๐๐ช๐ณ๐ฆ-๐ฅ๐ช๐ณ๐ฆ๐ต๐ด๐ฐ ๐ฏ๐ข โ๐ต๐ฐ!" Kahit kitang-kita ko naman na halos magkalasog-lasog na ang mga nakasakay sa loob.
Pinilit kong ipasok ang sarili ko sa pagitan ng dalawang pasahero. Sa kaliwa ko, isang matandang may bitbit na plastik ng gulay, maingat na niyayakap ito na para bang kayamanang kailangang protektahan. Sa kanan ko, isang estudyanteng nakayuko, mahigpit na nakapulupot ang kamay sa bag na tinakpan ng kanyang braso. Natutulog ba siya? O sinasanay lang ang sarili niyang huwag masanay sa panghihimasok ng mundo?
Habang bumabaybay ang dyip sa makipot na kalsada, nagsimula nang maghalo ang ingayโang pag-uusap ng dalawang ale tungkol sa mahal na bilihin, ang nagbubungangang tsuper sa gitna ng trapiko, ang walang-humpay na busina ng mga sasakyang nag-uunahan. Sa ibabaw ng lahat ng ito, naririnig ko ang malakas na hampas ng hanging dala ng mabilis na andar.
Napatingin ako sa labas. Ang tanawin ay isang mabilis na lumilipas na koleksyon ng kwentoโisang matandang naglalako ng mani, isang batang nakaupo sa bangketa habang pinanonood ang ina niyang nagtitinda, isang construction worker na nakapangalumbaba sa gilid ng kalsada, tila iniisip kung paano pagkakasyahin ang kita ngayong araw. Bawat isa, may kanya-kanyang patutunguhan, may bitbit na pagod, pangarap, at dahilan kung bakit patuloy na kumikilos.
At sa gitna ng lahat ng ito, naramdaman kong may kung anong bumibigat sa loob koโhindi dahil sa sikip ng dyip o sa usok ng tambutso, kundi dahil sa isang di maipaliwanag na pakiramdam.
Bakit may aliwalas sa gitna ng sikip? Bakit sa ingay, may tila musika? Ang tunog ng makina, ang kalansing ng barya sa kamay ng kundoktor, ang paulit-ulit na sigaw ng barkerโlahat ito ay parang pintig ng isang lansangan na hindi kailanman humihinto.
Humigpit ang kapit ko sa bakal na hawakan. Lumalayo ba ako, o papalapit? Hindi ko sigurado. ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ด๐ช๐จ๐ถ๐ณ๐ฐ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข. ๐๐ช๐ฏ๐ด๐ข๐ฏ, ๐ด๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐จ๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ธ ๐ข๐ฌ๐ฐ, hindi ako nakatigilโat sa mundong ito na patuloy na umaandar, marahil iyon na ang unang hakbang sa kung saan ko gustong makarating.