PVE - Senator Bong Go

  • Home
  • PVE - Senator Bong Go

PVE - Senator Bong Go Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PVE - Senator Bong Go, Social Media Agency, .

01/12/2023

Senator B**g Go on ICC: "Filipinos should be judged only by fellow Filipinos before Philippine courts operating under Philippine laws"

November 29, 2023 || Candijay, Bohol

**gGo

👊🇵🇭

17/11/2023

Senator Kuya B**g Go highlights that medical assistance programs are accessible through Malasakit Centers nationwide

November 16, 2023 || Lipa City, Batangas
**gGo

👊🇵🇭

Senate Session kasama si Senator KuyaB**g Go (November 7, 2023)  **gGO   👊🏼🇵🇭
07/11/2023

Senate Session kasama si Senator Kuya
B**g Go (November 7, 2023)

**gGO

👊🏼🇵🇭

TULONG NI SENATOR B**G GO PARA SA MGA KAPWA NIYA BATANGUEÑOBilang adopted son ng CALABARZON, namahagi ng karagdagang tul...
31/10/2023

TULONG NI SENATOR B**G GO PARA SA MGA KAPWA NIYA BATANGUEÑO

Bilang adopted son ng CALABARZON, namahagi ng karagdagang tulong si Senator B**g Go sa mga residente ng Batangas City nitong October 26.

Tumanggap ang 84 indibidwal ng pagkain, masks, vitamins at shirts. Ilang mga piling residente rin ang nabigyan ng cellphone, sapatos, at bola mula sa senador.

Katuwang ang tanggapan ni Barangay Captain Emma Tumambing, nagsagawa ng oryentasyon ng programang pangkabuhayan para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang Department of Labor and Employment.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/B**g-Go-assists-disadvantaged-workers-in-Batangas-City-pushes-for-livelihood-measures-for-more-inclusive-economic-recovery

**gGO

👊🏼🇵🇭

Isa si Diana Grace Bagonoc, 31 taong gulang mula sa Sampaloc, Manila ang natulungan ng Malasakit Center. Nalaman ni Dian...
31/10/2023

Isa si Diana Grace Bagonoc, 31 taong gulang mula sa Sampaloc, Manila ang natulungan ng Malasakit Center. Nalaman ni Diana ang kanyang karamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon noong 2019 matapos ang isinagawang physical examination noong siya pa ay nagtuturo bilang SPED teacher.

Hindi naging handa si Diana kung saan kukuha ng pampagamot sa kanyang sakit na Chronic Kidney Disease Stage 5 Secondary Glomerulonephritis ngunit sa tulong ng mga social worker sa kanyang hospital ay nalaman niya ang Malasakit Center na lubusang nakatulong sa kanyang gastusin sa pagpapagamot.

“Senator B**g Go, maraming, maraming salamat po sa tunay na malasakit po para sa mamamayang Pilipino kung hindi sa naitatag na Malasakit Center wala na po pag asa yung ibang nangangailangan ng tulong.” mensahe ni Diana.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/Teacher/s-health-journey-highlights-impact-of-B**g-Go/s-Malasakit-Centers-in-communities

**gGO

👊🏼🇵🇭

MALIGAYANG KAARAWAN, KA EDUARDO MANALO! Malugod na binabati ni Senador B**g Go si Ka Eduardo V. Manalo, ang Chief Execut...
31/10/2023

MALIGAYANG KAARAWAN, KA EDUARDO MANALO!

Malugod na binabati ni Senador B**g Go si Ka Eduardo V. Manalo, ang Chief Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo, sa kanyang kaarawan ngayong Martes, October 31.

Personal na bumisita sina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senador B**g Go para batiin nila at buong pusong pasalamatan si Ka Eduardo at ang Iglesia Ni Cristo dahil sa mga naging kontribusyon nito para matulungan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap, at sa patuloy na suporta para sa ikabubuti ng buong sambayanang Pilipino.

Nagkataon na naroon rin si Senador Imee Marcos para bisitahin din si Ka Eduardo Manalo.

Muli, taimtim na dalangin ni Senador B**g Go ang mabuting kalusugan at mahabang buhay para kay Ka Eduardo Manalo sa kanyang kaarawan.

**gGO

👊🏼🇵🇭

31/10/2023

HIGHLIGHTS | Pagboto ni Senator B**g Go para sa Barangay at Sangguniang Bayan Elections sa Davao City. 🇵🇭🇵🇭🇵🇭


**gGO

👊🏼🇵🇭

Teacher's health journey highlights impact of Senator Kuya  B**g Go's Malasakit Centers in communities.The Malasakit Cen...
30/10/2023

Teacher's health journey highlights impact of Senator Kuya B**g Go's Malasakit Centers in communities.

The Malasakit Centers program which was conceptualized and initiated by Senator Christopher "B**g" Go, has emerged as a significant refuge for Filipinos in distress, as illustrated by the narrative of Diana Grace Dimaano Bagonoc, a 31-year-old former Special Education (SPED) teacher from Sampaloc, Manila.

Now faced with Chronic Kidney Disease Stage 5, Bagonoc’s ordeal underscores the senator's persistent endeavor to alleviate the healthcare and financial burdens many citizens bear, through the establishment of Malasakit Centers nationwide.

Diana recounted her painful and challenging journey, as well as the chain of events that led to her current health predicament.

"Nagsimula po ito noong 2019 at ngayon po ay isa po akong pasyente ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) na nagda-dialysis po," she narrated.

As her debilitating ailment cut short her employment, Bagonoc confronted the harsh reality of escalating medical costs with dwindling financial resources.

However, the intervention of the Malasakit Center at the NKTI in Quezon City during her ordeal manifested the significance of Go’s initiative, a narrative she conveyed with a sense of gratitude.

Bagonoc shared, "Nalaman ko ang Malasakit Center sa social worker... Ang pagkakaalam ko po ang nagtatag ng Malasakit Center ay si Senator B**g Go."

According to Bagonoc, she was able to conveniently avail of medical assistance from various government programs through the Malasakit Center without having to go to different offices to seek help.

“Kung wala pong Malasakit Center, hirap ako kung saan ako pupunta... Ang masasabi ko lang po kay Senator B**g Go ay maraming maraming salamat po sa tunay na malasakit po para sa mamamayang Pilipino. Kung hindi sa naitatag na Malasakit Center, wala na pong pag-asa yung ibang nangangailangan ng tulong. Maraming salamat po, mabuhay po kayo Senator B**g Go, mabuhay po kayo,” she said.

Malasakit Centers bring together representatives from the Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), and Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). These one-stop shops are designed to provide substantial support to economically disadvantaged patients, with an objective to significantly alleviate their hospital expenses through the collaborative efforts of agencies with medical assistance programs placed under one roof.

Go is the principal author and sponsor of Republic Act No. 11463 or the Malasakit Centers Act of 2019, which institutionalized the Malasakit Centers program. At present, 159 Malasakit Centers are operational across the country, poised to assist with patients' medical expenses.

Having already aided over seven million Filipinos according to DOH, Go said, “Sa mga pasyente, lapitan niyo lang ang Malasakit Center dahil para ‘to sa inyo. Kung may hospital bill kayo, nandiyan ang mga ahensya ng gobyerno na tutulong para mabayaran ito."

Go said these centers serve as a testament to the government's commitment to healthcare accessibility. Each center is strategically located in select public hospitals to provide medical assistance for the local population's healthcare needs, particularly those less privileged.

"Hindi po ako titigil sa mga programang makakabuti po sa ating mga kababayan, lalo na yung mga kapos sa buhay,” assured the senator.

“Sa totoo lang, pera naman ng taumbayan yan, ibinabalik lang sa kanila sa pamamagitan ng mabilis at maayos na serbisyo mula sa Malasakit Centers na handang tumulong sa kanilang pagpapagamot at magmalasakit sa kanilang pinagdadaanan," he added.

**gGo

👊🇵🇭

“Kailangan nating pagtuunan ng pansin ang patuloy na pagbangon ng ating mga kababayan na naaapektuhan ng mga kalamidad o...
19/10/2023

“Kailangan nating pagtuunan ng pansin ang patuloy na pagbangon ng ating mga kababayan na naaapektuhan ng mga kalamidad o anumang sakuna, kasama na dyan ang sunog, bagyo, lindol, buhawi, at iba pa.” mensahe ng adopted son ng CALABARZON na si Senator B**g Go matapos magsagawa ng relief operation katuwang ang tanggapan ni Mayor Alex Advincula para sa mga biktima ng sunog sa Imus City, Cavite nitong September 11.

Namahagi ang outreach team ni Senator B**g Go sa 85 residente ng grocery packs, masks, shirts, vitamins, pagkain, at bolang pambasketball at volleyball. Ilang piling indibidwal din ang tumanggap ng cellphone at sapatos mula sa senador.

Nagpaabot naman ng housing assistance mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA). Sa ilalim ng programa, nabibigyan ng ayuda ang bawat benepisyaryo ng pambili ng housing materials tulad ng pako, yero at iba pa upang maisaayos muli ang kanilang mga tirahan.

Read more... https://senatorbonggo.ph/press-release/B**g-Go-pushes-for-fire-safety-and-recovery-efforts-as-he-helps-fire-victims-rebuild-in-Imus-City-Cavite

**gGO

👊🏼🇵🇭

Nakiisa bilang guest of honor at speaker si Senator B**g Go sa isinagawang oath-taking ceremony ng Philippine National P...
11/10/2023

Nakiisa bilang guest of honor at speaker si Senator B**g Go sa isinagawang oath-taking ceremony ng Philippine National Police Academy (PNPA) Sinaglaya Class of 2022 Region XI Chapter na ginanap sa Orange Grove Hotel, Buhangin, Davao City nitong October 9.

Sa kanyang mensahe, naniniwala si Senator B**g Go na taglay ng bawat isang miyembro ng PNPA Sinaglaya Class of 2002 ang kagitingan at kagalingan upang magkaroon ng isang malaking ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

Hiling din ng senador ang patuloy na pagyamanin ang kaalaman, kakayahan at kasanayan ng bawat isa sa kanilang propesyon at patuloy na paglingkuran ang nasasakupan at ang bansa.

Sa abot ng kanyang makakaya ay patuloy na susuporta si Senator B**g Go sa lahat ng ating uniformed personnel upang magampanan nila ang mga tungkulin at mapagserbisyuhan ng tama ang mga kababayang lubos na nangangailangan.

**gGO

👊🏼🇵🇭

11/10/2023

HIGHLIGHTS | Dumalo bilang panauhing pandangal at guest speaker si Senator B**g Go sa ginanap na 33rd Commencement Exercises ng Polytechnic University of the Philippines-Maragondon Branch sa Cavite nitong October 6.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Senator B**g Go sa bawat nagsipagtapos na ang edukasyon ang isa sa mga susi sa pagtupad ng pangarap para sa sarili at pamilya. Hiniling din niya sa mga ito na gamitin ang mga natutunan para paunlarin ang sarili at maging bahagi sa pag-unlad ng ating bansa.

Muli, congratulations PUP Maragondon graduates!

**gGO

👊🏼🇵🇭

MULI, DAGHANG SALAMAT HEIRON! Sa muling pagbisita ni Senator B**g Go sa Makilala, North Cotabato nitong October 9, ay mu...
11/10/2023

MULI, DAGHANG SALAMAT HEIRON!

Sa muling pagbisita ni Senator B**g Go sa Makilala, North Cotabato nitong October 9, ay muling nagtagpo ng landas ang isang supporter ng senador na si Heiron Fiel Gonzalez.

Sa kanilang muling pagkikita ay muling niregaluhan ni Heiron ang senador ng kanyang mga likhang artworks.

Matatandaang noong nakaraang taon ay binigyan ni Heiron ng acrylic portrait si Senator Kuya B**g Go na natapos niya lang sa loob ng tatlong oras.

**gGO

👊🏼🇵🇭

11/10/2023

HIGHLIGHTS | Naghatid ng saya at tuwa sa halos 1,000 BHWs si Senator B**g Go sa pagdalaw nito sa isinagawang Barangay Health Workers Summit sa Cebu City nitong October 6.

Suportado ni Senator Kuya B**g Go ang mga BHWs, at sa katunayan ay isinumite niya sa Senado ang Senate Bill No. 427, o ang Barangay Health Workers Compensation. Aniya, nararapat lang na mabigyan ng kumpensasyon ang mga BHWs tulad ng ibang regular na kawani ng pamahalaan.

**gGO

👊🏼🇵🇭

SENATOR B**G GO, MULING GINAWARAN NG PAGKILALA BILANG “OUTSTANDING SENATOR” Taus-puso ang pasasalamat ni Senator B**g Go...
11/10/2023

SENATOR B**G GO, MULING GINAWARAN NG PAGKILALA BILANG “OUTSTANDING SENATOR”

Taus-puso ang pasasalamat ni Senator B**g Go matapos siyang parangalan bilang “Outstanding Senator” sa ika-limang National Convention of the Rank & File Employees ng Public Attorney’s Office nitong October 10, Martes. With or without award aniya ay patuloy siyang magseserbisyo sa kanyang kapwa Pilipino.

Pinasalamatan din niya ang mga kawani ng PAO sa pangunguna ni Chief Atty. Persida V. Rueda-Acosta dahil sa kanilang walang sawang sakripisyo at pagsulong ng mga karapatan ng mga taong nangangailangan ng tulong para mabigyan ang mga ito ng katarungan.

Binabati rin ng senador ang lahat ng mga nagwagi sa Program on Awards and Incentives for Service Excellence. Ang kanilang dedikasyon at mahusay na serbisyo ay karapat-dapat na kilalanin.

**gGO

👊🏼🇵🇭

Sa inihaing resolusyon ni Senator B**g Go nitong Lunes, October 9, ipinahayag ng Chair ng Senate Committee on Sports, an...
11/10/2023

Sa inihaing resolusyon ni Senator B**g Go nitong Lunes, October 9, ipinahayag ng Chair ng Senate Committee on Sports, ang kanyang taos-pusong pagbati sa mga miyembro ng Philippine team para sa kanilang nakamit na tagumpay sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China mula Setyembre. 23 hanggang Oktubre 8.

Kinikilala ng Senate Resolution No. (SBN) 825 ang mga hindi matatawarang galing ng mga atleta at ang kanilang kontribusyon sa pagbibigay karangalan sa bansa sa pandaigdigang kompetisyon.

“I assure all our competing and aspiring athletes that I am fully committed to support your journey, and will continue to invest in your development,” pahayag ng senador.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/Pusong-Pilipino-lumalaban-hanggang-dulo-

**gGO

👊🏼🇵🇭

Ipinaabot ni Senator B**g Go, Chair ng Senate Committee on Sports, ang kanyang pagbati sa isinagawang closing ceremony n...
02/10/2023

Ipinaabot ni Senator B**g Go, Chair ng Senate Committee on Sports, ang kanyang pagbati sa isinagawang closing ceremony ng Vice Mayor Jimboy Basketball Tournament sa Libungan, Cotabato nitong September 24.

Binigyang diin ni Senator Go ang importansya ng pagbibigay suporta sa grassroot sports development at pagtataguyod ng values at wellness ng komunidad. Sa pamamagitan ng sports rin ay nailalayo ang kabataan sa masamang bisyo tulad ng iligal na droga.

"Ang event na ito ay higit pa sa isang paligsahan; ito'y simbolo ng diwa ng Libungan—ang isang komunidad na nagpapahalaga sa pagtutulungan at displina," mensahe ng senador.

Nagpapasalamat rin ang senador sa lokal na pamahalaan ng Libungan, Vice Mayor Jims Fullecido at sa mga residente nito sa patuloy na paglikha ng mga inisyatibang naglilikha ng pagkakaisa at disiplina sa komunidad.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/B**g-Go-advocates-for-grassroots-sports-development-and-community-wellness-as-he-provided-support-to-local-tournament-in-Libungan-Cotabato

**gGO

👊🏼🇵🇭

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng paggunita at pasasalamat sa ating mga Pilipinong g**o sa bansa, personal na dumalo si...
02/10/2023

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng paggunita at pasasalamat sa ating mga Pilipinong g**o sa bansa, personal na dumalo si Senator B**g Go sa ikatlong Konsyerto sa Palasyo na may temang "Para sa mahal nating mga G**o" na ginanap sa Mabini Grounds, Malacañang Palace nitong October 1.

Sinaksihan ng senador ang sining at talento ng mga Pilipinong mang-aawit at mananayaw sa gabing iyon. Ang concert ay handog ni President Ferdinand “B**gbong” Marcos Jr. para sa ating mga g**o. Kaya naman taus-puso rin ang pasasalamat ni Senator Kuya B**g Go sa mga g**o dahil sa kanilang serbisyo at mahalagang papel na ginagampanan sa mga komunidad.

Bukod kay PBBM, naroon din sa concert sina First Lady Liza Marcos, Vice President Sara Duterte, Senator Cynthia Villar, Senator Francis Tolentino, Senator Imee Marcos, Senator Sonny Angara, Senator Win Gatchalian, ilan pang cabinet secretaries, government officials at ang ating magigiting na mga g**o na nakiisa sa nasabing programa.

**gGO

👊🏼🇵🇭

"Today is a monumental day for our Filipino seafarers. They are the backbone of our maritime industry, and it's high tim...
02/10/2023

"Today is a monumental day for our Filipino seafarers. They are the backbone of our maritime industry, and it's high time we recognize their sacrifices and contributions," pahayag ni Senator B**g Go matapos ang matagumpay na pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ng Magna Carta of Filipino Seafarers.

Naniniwala si Senator B**g Go bilang isa sa mga co-sponsor at co-author ng naturang panukala na malaki ang maitutulong nito para sa bawat Pilipinong seafarers at sa kanilang mga pamilya. Layunin nito na mabigyan ng sapat na proteksyon at karapatan ang mga seafarers at masig**o na ang kanilang mga pagsasanay ay kikilalanin sa ilalim ng international standards ng mga seafarers.

Dagdag pa ng senador, nararapat lang aniya na matiyak ang kanilang kapakanan, kilalanin ang sakripisyo at malaking kontribusyon ng mga ito sa maritime industry ng bansa.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/Senate-approves-Magna-Carta-of-Filipino-Seafarers-as-B**g-Go-continues-to-champion-migrant-workers-welfare

**gGO

👊🏼🇵🇭

TULONG PARA SA MGA DISPLACED WORKERS SA CABANGLASAN, BUKIDNON"Patuloy po tayong magtulungan upang mas mapabuti pa ang ka...
02/10/2023

TULONG PARA SA MGA DISPLACED WORKERS SA CABANGLASAN, BUKIDNON

"Patuloy po tayong magtulungan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng ating mga disadvantaged at displaced workers. Magkasama tayo sa layuning ito na makabuo ng mas maginhawa at mas matatag na lipunan para sa lahat ng Pilipino," mensahe ni Senator B**g Go matapos mamahagi ng karagdagang tulong sa mga displaced workers sa Cabanglasan, Bukidnon nitong September 29.

Katuwang ang tanggapan ni Congressman Jonathan Keith Flores, namahagi ang outreach team ni Senator B**g Go ng masks, vitamins, shirts, at pakain para sa 426 residente. Tumanggap rin ng sapatos, relo, cellphone at bolang pambasketball at volleyball ang ilang mga piling indibidwal.

Kwalipikado rin ang mga benepisyaryo sa livelihood support mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang mabigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga displaced workers.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/B**g-Go-provides-support-to-help-displaced-workers-in-Cabanglasan-Bukidnon

**gGO

👊🏼🇵🇭

Pagkatapos dumalo sa concert tribute para sa ating mga g**o sa Malacañang nitong October 1, humabol naman si Senator B**...
02/10/2023

Pagkatapos dumalo sa concert tribute para sa ating mga g**o sa Malacañang nitong October 1, humabol naman si Senator B**g Go sa dinner ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Mgyuu restaurant ng owner na si Daniel Mesias sa isang mall sa Taguig City. Kasama ni Tatay Digong ang anak niyang si Kitty Duterte at ang kanyang doktor na si Dra. Agnes at asawa nito na si Ed na palaging nandyan para sa dating pangulo.

As usual, game na game naman na nakipag-picture sina Tatay Digong at Senator Kuya B**g Go sa mga waiter at empleyado ng restaurant.

**gGO

👊🏼🇵🇭

SUPER HEALTH CENTER, ITATAYO SA TANAUAN, LEYTEPatuloy na inilalapit ni Senator B**g Go ang mga programang pangkalusugan ...
02/10/2023

SUPER HEALTH CENTER, ITATAYO SA TANAUAN, LEYTE

Patuloy na inilalapit ni Senator B**g Go ang mga programang pangkalusugan tulad ng Super Health Centers sa mga far-flung areas upang maipaabot ang serbisyong medikal ng pamahalaan sa mga lubos na nangangailangang Pilipino.

Nitong September 28, ay isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa karagdagang Super Health Center sa Leyte na matatagpuan sa bayan ng Tanauan. Ipinaaabot rin ng senador ang kanyang pagpapasalamat kay Leyte Governor Jericho "Icot" Petilla, Tanauan Mayor Gina Merilo, mga opisyal at sa Department of Health sa patuloy na pabibigay suporta sa mga proyektong makakatulong sa mamamayang Pilipino.

“Ipagpatuloy natin na ilapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayang mahihirap na walang matakbuhan kung hindi ang mga gobyerno. Para sa mga mahihirap nating kababayan, napakaimportante po nito dahil iyan po ang kanilang lalapitan po talaga, itong mga government health facilities natin. The more we should support it, the more na mag-invest po tayo sa ating healthcare system,” mensahe ni Senator B**g Go.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/B**g-Go-continues-efforts-to-bring-medical-services-closer-to-communities-as-Super-Health-Center-breaks-ground-in-Tanauan-Leyte

**gGO

👊🏼🇵🇭

Patuloy ang opisina ni Senador B**g Go sa paghahatid ng ayuda sa mga kababayan nating nahaharap sa iba’t ibang krisis. N...
28/09/2023

Patuloy ang opisina ni Senador B**g Go sa paghahatid ng ayuda sa mga kababayan nating nahaharap sa iba’t ibang krisis. Noong September 24 ay nagkaloob ang kanyang team ng karagdagang tulong sa 457 manggagawa na nawalan ng hanapbuhay sa Alangalang, Leyte.

Sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Mayor Lovely Yu, namahagi ang team ni Sen. Go para sa mga benepisyaryo ng masks, vitamins, shirts, at snacks. Ilan sa mga ito ang nabigyan din ng sapatos, relo, mobile phones, at bola ng basketball at volleyball.

Nagkaloob din sa mga benepisyaryo ang Department of Labor and Employment ng hiwalay na tulong.

Mensahe ni Sen. Go sa mga benepisyaryo, “Nais kong magpadala ng taos-pusong pasasalamat sa DOLE. Sila ay nagbibigay ng oportunidad at pag-asa sa mga manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho o kabuhayan dahil sa mga pagsubok na hinaharap natin.

Sa pamamagitan ng programa nila, marami sa ating mga kababayan ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng pansamantalang trabaho at kumita ng maayos para sa kanilang pamilya.”

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, pinayuhan ni Sen. Go ang mga benepisyaryong kailangan ng tulong medikal na lumapit lang sa Malasakit Center na nasa New Western Leyte Provincial Hospital sa Baybay City; Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) sa Tacloban City; Ormoc District Hospital sa Ormoc City, at sa Leyte Provincial Hospital and Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital and Schistosomiasis Center (GBTRGHSC) sa Palo.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/B**g-Go-seeks-more-livelihood-opportunities-for-struggling-Filipinos-as-his-team-aids-displaced-workers-in-Alangalang-Leyte

**gGO

👊🏼🇵🇭

28/09/2023

Nagtapos man ang sesyon sa plenaryo sa Senado nitong September 27, tuloy pa rin ang pagseserbisyo ni Senator B**g Go sa kanyang kapwa Pilipino! **gGO 👊🏼🇵🇭

Ngayong unti-unti nang nakakabangon ang Pilipinas mula sa epekto ng pandemya, binigyang-diin ni Senador B**g Go, Chair n...
28/09/2023

Ngayong unti-unti nang nakakabangon ang Pilipinas mula sa epekto ng pandemya, binigyang-diin ni Senador B**g Go, Chair ng Senate Committee on Health, na dapat na madagdagan pa ang budget ng Department of Health.

Ayon sa senador, nananatili ang banta ng mga kasalukuyan at bagong nauusong sakit.

Pahayag ni Sen. Go sa isang panayam noong September 26, "Gaya ng sinabi ko noon, full support ako sa DOH kung ano ang makakatulong sa ating healthcare system."

Ginawa niyang halimbawa ang naging deliberasyon sa budget noong December 2019 kung saan babawasan sana ang budget ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa taong 2020.

Ani Sen. Go, "Nag-budget hearing noong December 2019, tinapyasan ang proposed budget sa RITM at DOH, di po ako pumayag noon. Dinagdagan pa natin at ibinalik natin ang pondo."

Naging nakapakaimportante ng desisyon noon ni Sen. Go dahil malaki ang naging papel ng RITM sa COVID-19 testing nang lumaganap ang pandemya noong 2020.

Binigyang-diin din niya ang importansya ng pag-i-invest sa ating public healthcare system.

Ani Sen. Go, "Para sa akin po, dapat suportahan natin na dagdagan ang pondo ng DOH. 'Wag pong bawasan, dagdagan pa po.”

Dagdag pa niya, Makinabang dapat ang mga pasyente, makinabang po ang mahihirap nating kababayan na walang ibang matakbuhan kundi tayo pong nasa gobyerno."

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/The-more-we-should-invest-on-health-

**gGO

👊🏼🇵🇭

"My previous position d'yan, kung ano po ang atin ay atin. What is ours is ours. Ipaglaban po natin kung ano po ang atin...
28/09/2023

"My previous position d'yan, kung ano po ang atin ay atin. What is ours is ours. Ipaglaban po natin kung ano po ang atin.”

Ito ang mariing pahayag ni Senador B**g Go sa isang panayam noong September 26 kaugnay sa isyu ng pagpoprotekta sa ating soberanya at territorial integrity kasunod ng pag-aalis ng Philippine Coast Guard sa floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Sen. Go, vice chairperson ng Senate National Defense Committee, "Trabaho po 'yun ng ating mga nasa gobyerno, sa Executive Department, DFA, PCG. I'm sure alam nila ang kanilang ginagawa.”

Pagbibigay-diin pa niya, "Na-clear na ba? Dapat lang. Kung ano nga po ang atin ay atin 'yun, 'wag nating hayaang nakaharang d'yan ang mga barriers. Kung agrabyado naman tayo, kung ano nga po ang atin, ipaglaban po natin. What is ours is ours."

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/Ipaglaban-natin-ang-atin-

**gGO

👊🏼🇵🇭

Aprubado na sa ikatlong pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 1846 o Internet Transactions Act na naglalayong protektaha...
25/09/2023

Aprubado na sa ikatlong pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 1846 o Internet Transactions Act na naglalayong protektahan ang mga konsyumers at mga negosyo na kasalukuyang gumagamit ng online transactions.

Naniniwala si Senator B**g Go bilang isa sa mga co-author at c-sponsor ng panukalang batas,na napapanahon na ang pagsasabatas nito dahil sa tumataas na bilang ng mga mamimili na gumagamit ng e-commerce upang mapabilis at mapadali ang pagbili ng kanilang mga pangangailangan. Nararapat lamang matiyak din ang proteksyon, karapatan at kaligtasan ng mga mamimili sa online na transaksyon.

**gGO

👊🏼🇵🇭

Philippine Vloggers Elite extends its profound condolences and heartfelt prayers to the bereaved family of former Repres...
23/09/2023

Philippine Vloggers Elite extends its profound condolences and heartfelt prayers to the bereaved family of former Representative Bayani F. Fernando.

The former Marikina Mayor and Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman represented the people of the 1st district of Marikina in the House during the 17th and 18th Congresses.

Indeed, he will be fondly remembered for his exemplary work and dedicated service to the Filipino people.




22/09/2023

Senador Kuya B**g Go hawak na ang walis, may bakurang tiyak na malilinis. 🧹

ano nga ba ang talinhaga ng WALIS para sayo?

**gGO

👊🏼🇵🇭

Sa ginanap na Senate hearing kaugnay ng panukalang budget ng DSWD, tinanong ni Senador B**g Go si Secretary Rex Gatchali...
22/09/2023

Sa ginanap na Senate hearing kaugnay ng panukalang budget ng DSWD, tinanong ni Senador B**g Go si Secretary Rex Gatchalian kung paano ang pagpapatupad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Inungkat din niya ang mga ulat na may mga kuwalipikadong benepisyaryo na na-assess at na-validate naman ng DSWD pero hindi pa natatanggap ang kanilang ayuda.

Ang AICS ay sinimulan noong termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang sa mga ayudang hatid nito ang medical, burial, transportation, education, food, at tulong pinansyal sa mahihirap na pamilya na na-assess at na-validate ng DSWD.

Ani Sen. Go, "Gusto lang nating malaman, sir, pa-check na lang po kung bakit hindi po natuloy. Magkano pa po ba ang pondo ng AICS sa ngayon? 'Yung kabuuan?"

Pakiusap pa ni Sen. Go kay Sec. Gatchalian, "Ito po ay mga naapektuhan rin po ng bagyong Egay. Baka pwedeng mabalikan n'yo sila, Secretary Rex, dahil umaasa po sila. Karamihan po nito ay biktima ng bagyo, at karamihan ay mahihirap nating kababayan.

“Nandiyan naman po ang pondo. Gamitin niyo sana agad para makatulong sa mga mahihirap nating kababayan na humihingi ng tulong sa gobyerno. Huwag na po sanang patagalin pa dahil naghihirap po sila. Kung qualified naman at na-validate ng DSWD mismo, tulungan niyo na po.”

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/B**g-Go-queries-DSWD-on-AICS-program-implementation-calls-for-swift-action-no-delays-in-aiding-qualified-beneficiaries

**gGO

👊🏼🇵🇭

22/09/2023

GOOD LUCK ATHLETES, GO FOR THE GOLD! 🇵🇭

HIGHLIGHTS | Dinaluhan ni Senator B**g Go ang send-off ceremony ng mga atletang Pilipino para sa 19th Asian Games at 4th Asian Para Games na ginanap sa PICC, Pasay City nitong September 18.

Bilang Chair ng Senate Committee on Sports, ipinaabot ni Senator B**g Go ang kanyang boung suporta para sa mga atletang dadalo sa nasabing kompetisyon. Ang napakahalagang okasyon rin na ito ay isang patunay sa dedikasyon at pagpupursigi ng mga atleta, coaches at kanilang mga pamilya upang makamit ang hinahangad na tagumpay sa larangan ng sports.

**gGO

👊🏼🇵🇭

TULONG PARA SA MGA NASUNUGAN SA MATAAS NA KAHOY, BATANGAS Naghatid ng tulong ang opisina ni Senator B**g Go noong Septem...
22/09/2023

TULONG PARA SA MGA NASUNUGAN SA MATAAS NA KAHOY, BATANGAS

Naghatid ng tulong ang opisina ni Senator B**g Go noong September 20 para sa 10 pamilya na naging biktima ng insidente ng sunog sa Mataas na Kahoy, Batangas.

Sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Congressman Edwin Gardiola, namahagi ang team ni Senator Kuya B**g Go ng tulong pinansyal, grocery packs, snacks, malinis na drinking water, at shirts sa mga benepisyaryo.

In-assess naman ng mga kinatawan ng National Housing Authority (NHA) ang mga nasunugan kung sino sa mga ito ang posibleng mabigyan ng housing assistance.

Mensahe ng senador sa mga benepisyaryo, “’Yung mga mag-qualify ay maaaring mabigyan ng National Housing Authority ng ayuda, pambili ng housing materials tulad ng pako, yero at iba pa upang maisaayos muli ang kanilang mga tirahan.”

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, pinayuhan din ni Senator B**g Go ang kanyang mga kababayang Batangueño na kung kailangan nila ng tulong medikal ay lumapit lang sa Malasakit Center na nasa Batangas Provincial Hospital sa Lemery, o sa Batangas Medical Center sa Batangas City.

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/Fire-victims-in-Mataas-na-Kahoy-Batangas-receive-assistance-from-B**g-Go

**gGO

👊🏼🇵🇭

22/09/2023

MALASAKIT CENTER BUKAS NA SA BISLIG CITY!

Personal na pinangunahan ni Senator B**g Go ang pagbubukas ng ika-159 na Malasakit Center sa Bislig District Hospital sa Bislig City, Surigao del Sur noong September 15.

Namahagi naman ang senador ng grocery packs, masks, vitamins, at pagkain para sa 129 pasyente at 191 frontliners. Tumanggap din ang mga piling benepisyaryo ng cellphone, sapatos, relo, shirts at bolang pambasketball at volleyball mula kay Senator Kuya B**g Go.

**gGO

👊🏼🇵🇭

Noong September 20 ay nag-co-sponsor si Senador B**g Go sa Senate Bill No. 2441, o ang “Free College Entrance Examinatio...
22/09/2023

Noong September 20 ay nag-co-sponsor si Senador B**g Go sa Senate Bill No. 2441, o ang “Free College Entrance Examinations Act.”

Kung makapapasa at magiging ganap na batas, layunin nito na maging accessible sa lahat ang pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon. Ang panukala, sa ilalim ng Committee Report No. 122, ay nag-aatas sa mga private higher education institutions na i-waive ang examination fees para sa mga kuwalipikadong estudyante.

Ayon kay Sen. Go, "Iyong iba, walang pambayad ng entrance exam kaya hindi na lang sinusubukang mag-apply sa pribadong paaralan kung saan maaari din silang mag-apply ng scholarship. Nasasayang ang oportunidad para sa mga deserving na estudyante pero walang kakayahan.”

Dagdag pa niya, "Kung maipasa natin ito, mas mabibigyan natin ng pagkakataon ang mga qualified and deserving students natin na makakuha ng kalidad na edukasyon."

Read more: https://senatorbonggo.ph/press-release/B**g-Go-co-sponsors-measure-seeking-equal-educational-opportunity-through-proposed-free-college-entrance-exams-bill

**gGO

👊🏼🇵🇭

20/09/2023

Bumisita sa Senado ang ilang doktor at hospital staff ng Valenzuela Medical Center para personal na magpasalamat kay Senator B**g Go nitong Martes, September 19.

Ayon sa Medical Chief na si Dra. Estela Javier, si Senator Kuya B**g Go ang naging dahilan para mapondohan at mapatayuan ng new hospital building ang naturang ospital. Bukod pa riyan nagpasalamat din sila sa naitulong ng Malasakit Center para makabawas sa mga hospital bill ng mga pasyente.

Si Senator B**g Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019 na siyang nag-institutionalize sa nasabing programa.

Samantala, nakiusap naman ang senador sa mga medical frontliners na huwag pabayaan ang mga pasyente, lalo na ang mga nangangailangan, ang mga hopeless at helpless.

**gGO

👊🏼🇵🇭

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PVE - Senator Bong Go posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share