13/10/2023
Inilabas na ng Malacañang ngayong araw ang listahan ng regular at special holidays sa bansa para sa taong 2024.
Hindi pa kasama rito ang Islamic holidays gaya ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha na ilalabas base sa Islamic calendar.
Samantala, hindi isinama bilang special non-working day ang EDSA People Power Revolution dahil natapat itong Linggo, ayon sa Palasyo. “There is minimal socio-economic impact in declaring this day as a special non-working holiday since it coincides with the rest day for most workers and laborers.”
Ngunit, ang Feast of the Immaculate Conception of Mary ay kasama sa 2024 holidays kahit natapat din ito sa araw ng Linggo.