02/07/2023
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐:
1. PREPARE YOURSELF. Ihanda ang iyong sarili sa panibagong mundong iyong haharapin. Hindi biro ang iyong mga pagdadaanan subalit, malalampasan mo ang mga ito kung ihahanda mo ang iyong sarili.
2. LAKASAN ANG LOOB. Hindi madali ang pumasok ng kolehiyo. Dito masusukat ang iyong katatagan at kung papaano mo mapagtatagumpayan ang bawat hamon na ibibigay sa iyo ng kursong pinili mo.
3. MAKIPAGKAIBIGAN. Ika nga, No Man is an Island, totoo ito, lalo na sa kolehiyo. Subukan mong makipagkaibigan sa iyong kaklase o sa ibang kurso. Matutulungan ka nila at matutulungan mo rin sila na sabay kayong matuto at pumasa sa mga exam. Subalit, tandaan mo na hindi lahat ng pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa iyo. Piliin mo ang tamang taong magiging kaibigan mo.
4. ALWAYS BELIEVE IN YOURSELF. Walang ibang magtitiwala sa iyo kung hindi ang sarili mo. Huwag mong hayaan na pati ikaw mismo ay mawalan ng tiwala sa iyong sarili. Hindi dahil nagkamali o bumagsak ka ay mahina ka na, tandaan mo na ang lahat ng bagay ay natututuhan. Gawin mong lakas ang kahinaan mo upang maging malakas ka.
5. TAKE A BREAK. Minsan, kailangan din nating mamahinga o bigyan ang ating sarili ng oras para mag-recharge mula sa nakapapagod na araw. Walang masama kung paminsan-minsan ay mag-hang-out o i-treat ang iyong sarili dahil deserve mo naman ito.
6. PATIENCE IS A MUST. May mga pagkakataon na maiinis o maiinip ka kasasagot ng mga gawain sa klase subalit, wala kang magagawa kung hindi ang gawin mo pa rin. Dito na papasok ang pagkakaroon ng mahabang pasensiya. Kailangan mo lang maging mahinahon kahit pa ang daming tambak na gawain. Isipin mo na lang matatapos din ang lahat kung paunti-unti mo nang tatapusin.
7. REVIEW. REVIEW. REVIEW. Isa na ito sa pinakamahalagang payo na kailangang sundin, ang mag-review tuwing may quiz at exam. Napakalaking tulong sa iyo kung nag-review ka at kabisado mo ang lahat ng paksa sa mga asignatura. Makatutulong ito upang masagutan mo ang mga katanungan sa pagsusulit at upang hindi ka bumagsak.
8. MAGDASAL. Walang bayad ang magdasal subalit, may sukli ito. Ito ay isang sandata sa ating buhay- kolehiyo na lubos na makatutulong upang tayo ay basbasan na malampasan ang mga pagsubok. Alam nating hindi magiging madali ang ating paglalakbay ngunit, ang lahat ng daang ating tatahakin ay magiging ligtas dahil may pananalig tayo sa Diyos.
Ang buhay-kolehiyo ay hindi madali subalit, kung magsisikap ka, magiging banayad ang iyong paglalakbay.