27/03/2023
Sumalbag, Elboy B.
11-Hope (Gas)
Mr. Roniel Pascual
CREATIVE WRITING
#2. 5 Poems
INSPIRASYON
Sa tuwing makikita,
Hindi maikaila,
Ang bighani mong dala,
Halos lahat ay napapanga-nga.
Sa tuwing dadaan,
Hindi mapigilan,
Na mapalingon sa kinaroroonan,
Ng babaeng hinahangaan.
Sa tuwing siya'y giniginaw,
Hindi makagalaw ang pusong natutunaw.
Sa tuwing siya ay tumatawa,
Puso ko'y walang kasing saya.
Babaeng aking inspirasyon,
Sana'y mapasaakin ang atensyon.
Pagmamahal ay ibibigay,
Sa motor ko'y ikaw lang ang isasakay.