05/10/2022
Sideline for Momshies🌸🌸🌸
👇🏻
MGA SIDELINE PARA SA STAY-AT-HOME MOMMIES
by: Chinkee Tan
Maraming kalakip na responsibilidad ang pagiging isang stay-at-home mom. Bukod sa pag-aalaga ng iyong mga anak, kailangan mo ring makahanap ng pwedeng pagkakitaan. Fortunately, marami na ngayong online job opportunities na nagbibigay ng extra income sa mga nanay kahit sila’y nasa bahay lang.
Lalo na sa panahon ngayon na napakataas ng bilihin, kailangan nating maghanap ng extra income. Pwede nating tulungan ang ating partner upang madagdagan ang ating panggastos. Kailangan lang natin hanapin ang mga oportunidad na ito na kadalasan ay hindi na kailangan na umalis pa tayo ng ating tahanan.
Aalamin natin kung anu-ano ang mga sidelines na pwedeng gawin ng mga stay-at-home moms. Gamit ang makabagong teknolohiya, maaari nang kumita ang mga ilaw ng tahanan sa pamamagitan lang ng laptop, cellphone, at internet connection.
Narito ang Top 7 Sidelines na pwedeng pasukin ng mga stay-at-home mommies:
1. BLOGGING - Kung ikaw ay may interes sa pagsusulat, magandang opportunity ang pagsisimula ng sarili mong blog. Ang kailangan mo lang ay laptop at internet connection. Ang blogging ay isa sa mga pinaka-flexible na online jobs at malaki rin ang potential income na pwede mong kitain through ads.
2. AFFILIATE MARKETING - Pwede mo ring pagkakitaan ang pagrerekomenda ng product or service sa ’yong mga kakilala. Sa affiliate marketing, kumikita ka sa pamamagitan ng referral link. ‘Pag na-click at ginamit ito ng mga tao para bumili ng produkto, meron kang makukuhang commission. Isang paraan ang affiliate marketing para magkaroon ng passive income ang mga stay-at-home moms.
3. VIRTUAL ASSISTANCE - Isa pang trabaho na pwede mong gawin sa ’yong bahay ay ang pagiging virtual assistant. Ang mga VA ay nagbibigay ng iba’t ibang klaseng administrative assistance sa kanilang mga clients. Kasama sa mga responsibilidad ng isang VA ay ang pagmo-monitor at pag-reply sa emails, pag-schedule ng meetings, customer service, at data entry.
4. GRAPHIC DESIGNING - Kung ikaw ay may skills sa graphic designing, may mga online job opportunities para dito. Maaari kang kunin ng mga clients para gumawa ng logos or ads, mag-design ng website, gumawa ng signage, leaflets, at iba pang informational materials.
5. SOCIAL MEDIA SPECIALIST/MANAGEMENT - Marunong ka ba pagdating sa pag-manage ng social media page? Pwede mo itong pagkakitaan sa pamamagitan ng pagiging social media specialist or manager. Ikaw ang responsable sa pag-manage ng mga social media accounts ng iyong client. Dito ay kadalasang gumagawa ka ng posts at content, nagre-reply sa mga messages, inquiries, at comments.
6. TRANSCRIPTION WORKS - Maaari kang maging transcriptionist kung mabilis kang mag-type at mayroon kang basic computer skills. Kasama sa responsibilities mo ang pakikinig sa mga audio files at pag-record dito bilang written text. Depende ang iyong kikitain sa dami ng maita-transcribe mo.
7. ONLINE TEACHING/TUTOR - Isa sa mga pinakasikat na online jobs ay ang pagiging online teacher/tutor. Pwede mo itong i-pursue lalo na kung may passion ka sa pagtuturo. Hindi lamang mga local students ang pwede mong maturuan. Mataas din ang demand ng pagtuturo sa international students.
Posible na kumita ka ng income habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin bilang nanay. There are lots of opportunities online, kailangan mo lang hanapin ang nababagay sa iyong skills o interest. Sa ganitong paraan mas nae-enhance mo ang iyong mga skills at talento na ibinigay sa ’yo ni Lord. Matutulungan mo rin ang iyong partner na kumita upang hindi na kayo kapusin sa budget.
Tandaan lang na dapat ay balansehin mo ang iyong oras. Ang pag-aalaga ng iyong pamilya ang iyong dapat maging first priority lalo na kung ikaw ay isang stay-at-home mommy. Dapat hindi nakokompromiso ang iyong pamilya dahil sa iyong mga sidelines.
Kung ikaw ay magsa-sideline habang nasa bahay, I suggest that you practice proper time management para hindi magkaroon ng problema at patuloy na maging maayos ang samahan ng iyong pamilya.
If you want to order, click this link at ipapadala ko sa iyo ang 4 BEST SELLING BOOKS ko at may kasama pang FREE PISO PLANNER!: https://chinkshop.com/collections/promos-and-bundles/products/best-selling-book-bundle