Trendy Missy

Trendy Missy simple work out
(2)

Ganito ako ka cute noon😂4 yesrs ago haha
03/10/2024

Ganito ako ka cute noon😂
4 yesrs ago haha

Ang ganda ng view sinira ko lang 😁
28/09/2024

Ang ganda ng view sinira ko lang 😁

My supportive pamangkin 🥰 Always ready pag nakita ang camera ♥️
28/09/2024

My supportive pamangkin 🥰
Always ready pag nakita ang camera ♥️

Cute me2019 😊
26/09/2024

Cute me
2019 😊

Nagandahan lang ko sa white and orange kaya nakarami 😁😁😁 Timer lang with my makulit na pamangkin 😂😂♥️🥰
24/09/2024

Nagandahan lang ko sa white and orange kaya nakarami 😁😁😁
Timer lang with my makulit na pamangkin 😂😂♥️🥰

Hello ♥️Tita with pamangkin 😍Josephine Baile
24/09/2024

Hello ♥️
Tita with pamangkin 😍Josephine Baile

I will love this place forever 😍😍😍😍
23/09/2024

I will love this place forever 😍😍😍😍

One of may favorite photo This was taken 3 years by my favorite photographer. She is the best.
22/09/2024

One of may favorite photo
This was taken 3 years by my favorite photographer. She is the best.

21/09/2024
20/09/2024

"SAKMIL&MARIA BOOK 2"
Kalikasan, Engkanto at Tao!
SPECIAL EPISODE #05
Requested by public demand!

🌠🔹M A R I A S O L O🔹🌠
💥"1 YEAR NA PO KAMI"💥

"Haring Sakmil isang malakas na Bagyo ang darating" ulat ng isang alagad. Isa nga'ng malakas na bagyo ang dadaan sa mundo ng tao at ang bagyong ito ay ang tinatawag na kambal na bagyo na kung saan hinihila ng malakas na bagyo ang kasunod na bagyo na padating pa lang, kaya naman mag sasanib ng dalawang bagyo at ang madaanan baha at pag guho ng lupa ang mararanasan.

SAN ROQUE DAM!

Isang delikadong ilog ay ang Agno river at doon ang sentro ng kambal na bagyo ang lugar ay matao at maraming barangay at kabahayan ang makukulong ng baha, wala silang tatakbuhan kaya naman agad gumawa ng paraan ang mga alagad ni Sakmil.

Inilayo nila ang mga hayup sa gubat at ilang albularyo ang kanilang pinadalhan ng babala upang masabi sa tao na ang bagyong paparating ay kakaiba sa mga nauna may kakambal itong mas malakas at aawas ang Dam at maraming mamatay.

"Kamahalan hindi po sapat ang aming mga babala ilang araw na lang dadating na ang bagyo" ulat ng mga alagad ni Sakmil. "Kailangan ko ng kumilos hindi ko makakaya ang makita na ang mga kalahi ng asawa mo mag lulutangan sa tubig at wala ng buhay... saad ni Sakmil.

Sa mga ilog ng "Pangasinan" isang balita ang kumalat bigla na lang kase nalaki ang tubig at baha kahit hindi naman naulan ilang ilog ang pinaawas ni Sakmil at sinadya niyang palakihin ng baha at mga dagundong sa gabi habang tulog ang mga tao at ang mga tuyong ilog na bigla na lang lumalaki ng tubig kitang kita ng mga tao sa bayang iyon ang mga hindi maipaliwanag na kaganapan.

"Nakakatakot naman ang mga ilog ngayon pati daw ang DAM malapit ng umawas" nakakatakot naman saad ng mga miron.

"Oo nga kaming mag anak muntik ng madala ng agos sa biglaang pag laki ng ilog.. wika pa ng iba.

"Hindi ba't pinag iingat ko na kayo ayaw nyu naman makinig" saad ng mga albularyo.

"Kahambugan yan.. naulan lang sa bundok kaya ganun di na kayo..masanay ilang taon na tayo sa tabi ng Dam at talaga namang ganyan.. wika ng mga hindi naniniwala.

Si kapitan Tudling isang barangay kapitan at isa ding albularyo alam niya ang lahat at nalulungkot ito walang nakikinig iilan ang natatakot "Nababahala na ako kaibigang haring Sakmil mukhang marami ng malalagas sa hanay ko" kaya ang makakaya ko ililikas ko na malapit na ang bagyo bulong nito.

"Matitigas ang ulo nila kaibigan pero gagawin ko pa rin ng paraan" sagot ni Sakmil.

Inutusan ni Sakmil ang mahika ng tubig at hangin na ang buong kabayanan ng Pangasinan ay mananatiling madilim at laging uulan at may maalakas na hangin upang matakot at isipin ng mga kabahayan sa paligid na andito na ang bagyo "Mahal ang mga tent dapat matitibay Merie ang Mama mo wag mong pababayaan ha," lilihis sa lugar nyu ang ulan at hangin at mananatili kayong ligtas bulong ni Sakmil.

"Huwag mo na kami alalahanin mahal ko ang tutukan mo ay ang mga taong matitigas ang ulo mag iingat ka mahal.. bulong ni Maria.

Sa isang mataas na lugar ng bundok nag simula na mag latag ng mga kagamitan ng grupo ni Maria kasama ang mandirigmang si Aguyod matitibay at makakapal na tent at mga kumot at panlamig at mga pagkain ang unang itinambak ng mag ina ni Maria
libong alagad ng engkanto tulong tulong sa pag titindig ng mga matitibay na msisilungan ng tao at mga ligaw na engkanto sa lugar.

Gabi kasarapan ng tulog ng mga tao isang lindol at malalakas na kulog ng nakinig ng mga ito natakot ang ilang barangay na naka palibot sa Agno river isang tunog ng malakas na bugso ng tubig "Anu yun aaaahh nakakatakot naman andito na ba ang bagyo bakit ang lakas ng tunog na iyon" sigawan ng mga tao sa palibot ng Agno river.

"Kamahalan may sumasabay sa iyong mahika" bumabaha ngayon sa ibaba ng bundok sa kanang bahagi ng Agno river" hindi po kaya ng aming kapangyarihan alamin kung sinu ang may kagagawan ulat ng alagad ni Sakmil.

"Ilikas nyu ang mga tao nyu kapitan Tudling may kalaban tayo" bulong ni Sakmil. Kaya agad nangatok ng bahay ang albularyong kapitan at ilang kagawad at sinalo naman nina Maria sa taas ng bundok at ilang pamilya na ang nailigtas nila "Diyos ko bakit ang taas ng tubig hindi naman kami inaabot noon pa man" wika ng matandang babae.

"Salamat po sinu man kayo kung hindi po kami naka likas tiyak patay na kami, wika ng mga kababaihan kay Maria at Merie. Pinakain nila ang ilang pamilya at sa lakas ng ulan at hangin nag tataka ang mga ito "Bakit parang mahina ng ulan dito, pero sa baba ng bundok napakalakas" puna ng ilang kalalakihan. Huwag nyo na isipin pa yun ang mahalaga ligtas kayo saad ni kapitan.

Maging ang mga taong gobyerno ay nag taka dahil wala pa naman ang bagyo bakit bigla ang pag baha at ang San Roque Dam ay agad lumampas sa critical level. At inalam ni Sakmil ang nangyayari hindi niya kagagawan ang nangyari alam niya may sumasabay sa kanya. "Tubig bakit kakaiba ka sinu ka? hindi ikaw ang kaibigan ko, sinu ka mag pakilala ka" sigaw ni Sakmil.

"Dapat lang.. dahil ginagambala nila ang aming tirahan dahil sa ginawa nilang Dam kaming mga elemento ng tubig ay napipilitang lumisan dahil itatapon nila ang tubig ng Dam paaawasin upang hindi sila mapahamak, mga taong walang ambag sa amin. At ang mga pamilya namin mapipilitang lumikas na dapat namang hindi na mangyayari yun kundi nila hinarangan ito. Amin lamang ang lugar na ito hindi naman kanila ang malaking ilog na ito, wika ng tinig na galing sa ilalim ng ilog.

"Sakmil mga engkantong tubig sila matagal na silang masama ang loob sa mga tao dahil sa harang na ginawa nila sa ilog ng Agno river" hindi namin sila kayang labanan may sarili silang mahika ng tubig, wika ng kaibigang tubig ni Sakmil

Nag laho si Sakmil at pinasok ang portal ng tubig at isang mundo ang tumambad kay Sakmil "Mahal na bathala napakarami pala nila dito mga elemento ng tubig" kay daming nilalang at tama nga ang tinig oras na mapuno ang Dam aawas ang tubig at maapektuhan sila sa lakas ng bugso ng alon nito at dahilan na rin para masira ng kanilang mundo. Nauunawaan ko na ngayon "Asan ka kaibigan ako si Haring Sakmil galing sa mundo ng mga Engkanto ng lupa, sana ay wag mo masamain ang aking pag dating, saad ni Sakmil.

"Kaibigang Sakmil maligayang pag dating sa iyo kaibigan" Mga alagad at kalahi ko mag bigay pugay kayo sa Hari ng mga Engkantong puti sa mundo ng lupa.. Sigaw ng hari ng elemento ng tubig si Haring Salak. At nag bigay pugay ang mga ito na sa bilang ni Sakmil daang elemento ang naninirahan dito.

"Bukas ang dating ng bagyo kaibigang Sakmil kaya naman kami na ang nag babawas ng tubig mula pa kagabi upang dumating man ang bagyo hindi na kami matitinag saad ng Haring Salak.

"Pero may mga mortal na muntik mamatay buti at aking naagapan kaibigan" saad ni Sakmil.

"Wala kami magagawa may mga maliliit din kaming mga anak at mga kababaihang mahihina kami ay may buhay din, mas nauna kami dito sa
Agno River noon pa kami dito panahon pa ng ikalawang digmaan ng mundo maliit pa lamang na ilog ito, saad ng Hari.

"Umawa ko haring Salak kaya lamang lahat tayo ay may karapatang mamuhay sa mundong ito. Mas nakakaawa ang mga taong mahihina tayo ay may mahika at kaalaman at mga gabay sila ay wala, wika ni Sakmil.

"Kamahalan muli pong lumaki ang tubig at ang mga tao nasa bubungan na ng bahay nila" ang bagal po ng tulong galing sa kauri nilang tao, nailikas po namin ni Aguyod ang ilang hayup! Ulat ng alagad ni Sakmil sa lupa.

"Haaayyyy, Haring Salak itigil mo muna ating pag usapan muna ito. Nangangako ako tutulungan kita ang asawa ko ay isang mortal kaya pangako tutulong ako, saad ni Sakmil.

"Itigil ang mahika ng tubig" sigaw ni Haring Salak.

"Ganito ang ating gagawin pag lumakas ang bagyo padadaanin ko sa aking kaibigang lupa ang tubig papasok sa daigdig ko at kami na ang bahala kaibigan.. pangako tutulungan kita wag mo padaanin sa mundo ng tao ang tubig. Sa mundo ko sa ilalim yun ang dapat, para walang mamatay sa lahi ng tao, sana maunawaan mo ako saad ni Sakmil.

"Tama ka kaibigang Sakmil may maganda ka nga'ng paraan bakit nga hindi ko agad naisip iyon, doon nga pala ang portal ninyo kaibigan, sabay turo ng hari sa dulong bahagi ng mundo nila...At nakita ni Sakmil ang portal ng kaharian niya.

Agad kumilos si Sakmil ramdam na niya ang bagyo napakalas nito.. "Mahal mag iingat kayo" malapit na ang kambal na bagyo ibinulong na sa akin ng kaibigang hangin at may kasama daw itong sakit... Ilang oras na lang Mahal mag iingat kayo ni Merie.

"Ako na bahala dito kaibigang Sakmil" huwag ka na mag alala saad naman ni Aguyod.

Nag simula na mag bawas ng tubig si Sakmil upang itaboy pailalim na bahagi ng lupa patungo sa kanilang mundo, malumanay at walang naapektuhang elemento ng tubig. Kaya masaya ang mga ito at hindi na sila maapektuhan pag nag pakawala ng tubig ang mga tao mula sa San Roque Dam.

KINABUKASAN sumisipol ang hangin at ang ulan galit na galit at nasabay pa ang isa pang bagyo "Mahal nakakaawa ang mga tao" may mga bahay na nawasak na at si kaibigang Aguyod patuloy na dumadagit ng mga tao upang dalhin dito, napaka lakas ng bagyo bulong ni Maria.

"Pa, madami na nilalagnat utay utay ko silang ginagamot" at ilang lamang lupa na ligaw ang takot sa amin at nag tatago Pa, ayaw nila sumilong wala na ako magagawa, bulong din ni Merie.

"Sige anak ako na bahala malapit na ako matapos mag bawas ng tubig" papunta na ako diyan sagot ni Sakmil.

SA LUPA ang pamunuan ng DAM nag tataka "Anu ito isang himala bumaba ang tubig sa Dam Diyos ko salamat po, pag ganyan kahit maraming dalang ulan ang bagyo hindi na nating kailangan pang mag pakawala pa ng tubig at walang babahaing lugar Salamat po Diyos ko hindi ko talaga maunawaan bakit nangyayari ito, Wika ng tauhan ng San Roque Dam.

Ilang araw ding nag alimpuyo ang galit ng ulan at hangin ang buong lalawigan ng Pangasinan at maraming nasirang palayan at taniman ng gulay at mga prutas pero ang mahalaga hindi malala ang baha at walang namatay na tao. Bahagyang tumaas ang tubig at ilang barangay din ang naapektuhan pero wala na ang mga tao sa lugar nailikas na ni Maria, kaya naman ang pamahalaan ng Pangasinan nag papasalamat sa himala na naranasan nila.

"Nakakapag taka talaga pwede pala yun na hindi na kailangan pang mag pakawala ng Tubig ang Dam sana noon pa nangyari ito, marami ang nag buwis ng buhay pwede naman pala ang ganito" pero palaisipan sa akin paano nangyari ito, saad ng Gobernador ng Pangasinan.

TATLONG ARAW gumanda na ang paligid at utay utay ng nasilip ang haring araw pinababa na ni Maria ang mga tao may bitbit na bigas at kaunting delata at pera panimula sa nasirang pananim "Tandaan wala po kayo ipapaliwanag sa mga tao ng gobyerno basta sabihin po ninyo pumanhik kayo ng bundok" huwag nyo na po alamin kung sinu ako ha, basta po sa oras ng panganib andito kami ng anak ko, wika ni Maria.

"Kaibigang Sakmil salamat ha?" alam ko na ang aking gagawin oras may padating muling bagyo padadaanin ko ang tubig papunta sa mundo ninyo ligtas ang mga mortal at ligtas din ang lahi ko... Asahan mo ang aking tulong para sa mga mortal, maasahan mo ako.

"Heto kaibigan ko kaunting Perlas at ginto isang pasasalamat," wika ni haring Salak.

"Isang karangalan kaibigan" ngayon aalis akong payapa at walang pangamba sa sunod na pag daan ng bagyo wala ng mapapahamak sa inyo at sa mga kalahi ng asawa ko" salamat sa iyong handog isa itong malaking tulong, salamat kaibigan.

Kitang kita ni Sakmil ang pag aayos ng mga tao sa nasirang pananim at mga bahay ramdam niya ang hirap ng mga ito. "Pangako aalalayan ko kayo at pipiliting hindi na uli mangyari ang mga sakuna at ang mga nangamatay na mortal na walang kalaban laban" pinilit abutan ni Maria ng salapi ang mga taong walang wala ng natirang kagamitan maging ang mga pananim na gulay upang makapag simula ang mga ito.

Umugong ang pangalan ni Maria isang mayamang babae na may sariling charity at may ilang pulitiko ang nag taas ng kilay. "Sakit na talaga ng mga kapwa tao ko" pag nakaka tulong ang ibang tao pilit ibababa upang sila ang umangat saad ni Maria.

Hindi nakikipag usap sa mga pulitiko si Maria sa mga albularyo niya pinadadaan ang tulong nakikilala na sa buong pilipinas si Maria may ilan ng nag tatangkang alamin saan nakuha ng pera ang pamilya nito. At handa naman si Maria at Sakmil na gamitin ang kanilang kalasag ang kanilang hipnotismo.

Napipilitan nilang gamitin ang kanilang mahika upang hindi maputol ang kanilang tulong. "Hindi ninyo ko madadaig mga sakim na mayayaman" hanggat andito ako sa mundo ng tao tutulong ako, saad ni Maria.

Muling bumalik ng mansion ang mag asawa at kailangan din nilang mamahinga maging si Aguyod napapagod na rin sa pag laban sa malalakas na hangin at kahit sila'y immortal kailangan din nilang mag pahinga.

"Merie kumusta na, miss na kita pabalik na ako" hinihintay ko lang ang ama ko. May tinatapos na painting sa isang museo pagkatapos nito pabalik na kami at mag kakasama na muli tayo, wika ng tinig na pamilyar kay Merie..

"Yess, may laruan na naman ako miss ko na ang lokong to' hahahahahaha! Bulong ni Merie!

~ITUTULOY~

Every other day po ang update ko! Pag po hindi agad ako nakapag update may ginagawa po ako sa YTC! Salamat po!

https://www.facebook.com/groups/909051016331504/?ref=share_group_link
Para po sa latest update!
dito po ang aking homebase!

NO Copyright Maria Solo 2022. Any illegal reproduction of this content in any form will result in immediate action against the person concerned.
⚠PLAGIARISM is a CRIME⚠

(Photo not mine! Cttro po)

Goodmorning ❤️Noong napapapadpad kapa sa central at masabihang magpose 😂
19/09/2024

Goodmorning ❤️
Noong napapapadpad kapa sa central at masabihang magpose 😂

19/09/2024
🎉 Facebook recognised me for starting engaging conversations and producing inspiring content among my peers.
19/09/2024

🎉 Facebook recognised me for starting engaging conversations and producing inspiring content among my peers.

Good afternoon  fans
19/09/2024

Good afternoon
fans

♥️♥️♥️
18/09/2024

♥️♥️♥️

Good morning
18/09/2024

Good morning

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Trendy Missy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share