TORCH

TORCH DXDM 99.5 Layag FM is the first commercial radio station based in Barangay Pura, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao. It is under Kalayaan Broadcasting Systems, Inc.

The station’s franchise is owned by Sheila Alliah Tomawis-Sinsuat. Basically, this station primarily serves the public through best music, news, information and entertainment with 1000 watts on the airwaves. This covers the whole municipality of Datu Blah Sinsuat, nearby towns in Maguindanao, Lanao Del Sur, and as far as Zamboanga area. Aside from that, Layag FM serves as a way out from stress. It

has the tagline “Basta sa Layag FM, Chillax.” It has radio programs that seeks to relieve listeners from stress such as “Tampisaw sa Layag FM”, a news and public affairs program, Trivia at iba pa, an information and entertainment program, and “Reflections” a letter reading program. Layag FM seeks to widen and shape the religious view of the society through its religious programs. The station is the medium of the different sector in the municipality. Common people, business sector, local government officials, and religious leaders depend on the station’s airwaves to express their advocacy, and learn from the perspective of other sectors of the society. That is why, it is considered as the Datu Blah Sinsuat’s legitimate source of information. Layag FM sustains itself as the leading radio station as they serve the public with utmost professionalism. They build trust by being fair and resilient media entity. This station competes with the challenges of 21st century. Layag FM is an advocate of peace and development, and touches people’s lives. MISSION

1. To serve the public through best music, news, information and entertainment.
2. To be the best and legit medium of different sectors in the municipality.
3. To be the trustworthy, competent, fair, professional, and resilient media entity. VISSION

Layag FM is the leading radio station in Datu Blah Sinsuat, Maguindanao that serves the public through music, news, information and entertainment with utmost professionalism. It builds trust with common people, business people, government officials and religious leaders in the municipality. It is fair and resilient media entity that goes with the challenges of 21st century. COMPANY STAFF
Ms. Sheila Alliah Tomawis-Sinsuat - Proprietor

Mr. Dennis Arcon – Station Manager

Mr. Roy Holgado – News Chief/Program Coordinator

Ms. Arbaya Esmail – News Reporter

Ms. Sahira Samad – News Reporter

Mr. Donald Ventura– Chief Technician

Mr. Aleck Salana – Maintenance Staff

Mga opisyales mula BARMM at kalapit Probinsya nakikiisa sa buong Muslim Ummah sa selebrasyon ng Eidl Adha
19/07/2021

Mga opisyales mula BARMM at kalapit Probinsya nakikiisa sa buong Muslim Ummah sa selebrasyon ng Eidl Adha

Miyembro ng Local Terrorist patay, 2 pang mga kasamahan arestado sa isinagawang operasiyon ng militar sa MaguindanaoMAGU...
18/07/2021

Miyembro ng Local Terrorist patay, 2 pang mga kasamahan arestado sa isinagawang operasiyon ng militar sa Maguindanao

MAGUINDANAO – Patay ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist habang arestado naman ang dalawang iba pa sa pagsalakay ng mga sundalo sa ilalim ng Joint Task Force Central sa pinagtataguan ng mga ito sa Brgy Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao, Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Tong Bomber habang arestado naman ang dalawang mga kasamahan nito na sina Nondo Sangalan at Tong Sangalan parehong nasa hustong gulang kungsaan nakuha sa mga ito ang isang M14 rifle at dalawang mga improvised explosive device, habang isang sundalo naman ang sugatan.

Sa ulat mula kay Lieutenant Colonel Benjamin Cadiente, ang Commanding Officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion na mabilis na rumesponde ang mga tauhan nito matapos na makatanggap ng ulat hinggil sa presensiya ng Dawlah Islamiya sa lugar.
Habang patungo pa lamang ang mga sundalo sa lugar bandang alas-8:00 ng umaga ay agad silang pinaputukan ng mga suspek dahilan ng engkwentro at ikinasawi ng isang suspek at pagkatimbog sa dalawang suspek.

Ang matagumpay na operasiyong ito ay dahil sa patuloy na kooperasiyon ng mamamayan sa mga sundalo at ilan pang ahensiya na pamahalaan na nakatutok sa panseguridad, pahayag ni Colonel Pedro Balisi, Commander ng 1st Mechanized Brigade.

Agad namang pinuri ni Maj. Gen. Juvymax Uy, Commander ng JTF Central at 6th Infantry Division ang maagap na pag responde ng mga tauhan ng 33IB hinggil sa presensiya ng DI sa lugar. "Your actions have saved countless lives that could have been victims of these suspected terrorists," dagdag na pahayag ni Maj. Gen. Uy. (6ID – DPAO)

MGA SUMUKONG NPA TUMANGGAP NG PABAHAY MULA SA PTF-ELCAC SULTAN KUDARAT PROVINCEUMAABOT sa 4.5-milyong pisong Pabahay Pro...
15/07/2021

MGA SUMUKONG NPA TUMANGGAP NG PABAHAY MULA SA PTF-ELCAC
SULTAN KUDARAT PROVINCE

UMAABOT sa 4.5-milyong pisong Pabahay Program ang tinanggap ng
sampung rebel returnees na nakabase sa Barangay
Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat Province.

Ang naturang mga rebelde ay mula sa hanay ng Communist Party of the
Philippines-New Peoples Army o CPP-NPA.

Sa pangunguna ni Sultan Kudarat Governor Suharto 'Teng' Mangudadatu
opisyal na tinanggap ng mga sumukong rebelde ang pabahay sa pamamagitan
ng National Housing Authority mula sa Region 12.

Suportado naman ito ng Provincial Task Force-ELCAC, AFP, PNP, DILG, Task Force
Balik-Loob at mga local leaders mula sa mga bayan ng lalawigan.

Sinabi ni Gov. Mangudadatu na ang inisyatibang ito ay mandato ng Prov'l Task
Force to End Local Communist Armed Conflict(PTF-ELCAC) na may konseptong
'Whole of Nation Approach'.

Tiniyak ni NHA Engr. Zenaida Cabiles na suportado nila ang lahat ng mga
programang nagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa mga
kumunidad na kanilang nasasakupan.

Natuwa din si Cabiles sa naging desisyon ng mga makakaliwang grupo na
tuluyang talikuran ang paghawak ng armas at makibaka laban sa gobyerno.

Pinuri naman ni Gov. Mangudadatu ang militar at PNP dahil sila ang
dahilan kaya nananatiling mapayapa ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Pinakalayunin ng programa sa ilalim ng ELCAC ay upang isulong ang pagkakaisa,
mabigyan ng pabahay ang mga nagbabalik loob na rebelde, at makamit ang
pagnamatagalang kapayapaan sa rehiyon.(Sam Sali)

PHOTO: SSU

14/07/2021

Pakinggan panayam kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu kaugnay sa nagpapatuloy na kampanya para sa paglaban sa Covid 19 sa buong probinsya.

Panawagan rin nito, makiisa sa pagpapabakuna kontra Covid 19.

Mga kabataan sa mga bayan ng Kabuntalan hinandugan ng Playground ni MP Bai DimpleSa hangaring mas mapasaya pa ang mga ka...
12/07/2021

Mga kabataan sa mga bayan ng Kabuntalan hinandugan ng Playground ni MP Bai Dimple

Sa hangaring mas mapasaya pa ang mga kabataan sa mga bayan ng Northern at Mother Kabuntalan sa Maguindanao, nagkaloob ng Childrens Playground si BTA MP Bai Dimple Mastura.

Karapatan aniya ng bawat kabataan ang magkaroon ng parke na magsisilbi nilang playground kung kayat mas minabuti nito na maging instrumento para sa bawat ngiti ng mga kabataan sa naging panayam kay MP Dimple.

Naniniwala rin ang opisyal na walang katumbas ang makitang masaya ang bawat bata lalo na ngayong nahaharap sa pandemya ang buong mundo.

Ang proyekto ay nagmumula sa Transitional Development Impact Fund ng tanggpan ni MP Dimple.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa loob ng 60 days sa tulong ng MPW BARMM.

Masayang inuman ng magkaibigan nauwi sa barilan sa Cotabato CityBagaman tukoy na ng Cotabato City PNP ang primary suspek...
12/07/2021

Masayang inuman ng magkaibigan nauwi sa barilan sa Cotabato City

Bagaman tukoy na ng Cotabato City PNP ang primary suspek sa pagpatay kay Allan Araneta hindi pa rin ito pinapangalanan para na rin sa mabilisang pagkakahuli nito.

Ito ang sinabi ni PP2 Commander PCapt. Rustum Pastolero .

Sinasabing masaya pang nag iinuman ang biktima at ang suspek noong gabi ng sabado ng mauwi sa mainitang pagtatalo .

Dalawang tama ng bala ng 45 caliber piatol sa katawan ang natamo ng biktimang si Araneta resulta ng kanyang kamatayan.

Naitala ang pamamaril sa mismong area ng biktima sa RH 10.

Bukuhos naman ang pakikiramay sa mga naulila ng biktima.

CCTO Pic

BARMM may 547 na Active Cases ng Corona Virus Disease, pinakamababang bilang sa buong rehiyon ng bansa!
09/07/2021

BARMM may 547 na Active Cases ng Corona Virus Disease, pinakamababang bilang sa buong rehiyon ng bansa!

Buldon ,  Upi  at DOS magliliwanag na sa gabi dahil sa Solar Street Lights na binigay ni MP DimpleNagpapasalamat ang mga...
08/07/2021

Buldon , Upi at DOS magliliwanag na sa gabi dahil sa Solar Street Lights na binigay ni MP Dimple

Nagpapasalamat ang mga residente ng Brgy. Aratuc at Mataya sa bayan ng Buldon , Poblacion sa Upi at Brgy. Tamontaka sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao matapos mapagkalooban ng Solar Street Ligths mula sa tanggapan ni BTA MP Bai Dimple Mastura.
Animnapu ang ipinagkaloob sa Buldon habang 40 naman sa Upi.

Ang proyekto ang mula sa Transitional Development Impact Fund ng tanggapan ni MP Bai Dimple .

" Malapit sa puso ko ang mga kababayan natin sa Buldon at mga IPs mula sa Upi" giit pa ni MP Bai Dimple.

Pinasalamatan naman ni Buldon Mayor Abolais Manalao at Upi Mayor Ramon Piang ang naging inisyatiba ni MP Bai Dimple at napili ang kanilang bayan na maging beneficiaries ng Solar Street Ligths.

Bukod sa Buldon at Upi, binigyan rin ni MP Dimple ng Solar Street Lights ang Brgy. Tamontaka ng DOS. Pinasalamatan rin ni Brgy Chairperson Bai Ivy Sinsuat si MP.(D.A)

Mag-amang drug suspeks patay 2 arestado sa Operasyon sa Pikit North CotabatoNapaslang  matapos manlaban  ang mag-amang d...
08/07/2021

Mag-amang drug suspeks patay 2 arestado sa Operasyon sa Pikit North Cotabato

Napaslang matapos manlaban ang mag-amang drug suspect sa isinagawang operasyon ng PDEA at 34th IB Barangay Macasendeg, Pikit, North Cotabato.

Sa impormasyon nakalap napatay sa operasyon ng PDEA at 34IB ang mag amang drug suspek na sina Datu Ronnie Mangansakan at ang anak nitong si Banji Mangansakan habang arestado ang dalawa pang mga kasamahan nito na sina Guttierez Antipolo Abit at Nissan Mangansakan.

Dagdag sa report ng PDEA, napatay ang mag-amang drug suspect matapos makipagpalitan ito ng putok sa mga operatiba.

Nakumpiska sa operasyon ng mga otoridad mula sa mga suspek ang ilang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng 1,360,00 milyon pesos at ilang mga armas.

Kaugnay nito himas rehas na ang dalawang nahuling suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.(RH)

CCTO Pics

Mga KALAYAG sinasabing pumanaw na kaninang madaling araw si Former President Noynoy Aquino
24/06/2021

Mga KALAYAG sinasabing pumanaw na kaninang madaling araw si Former President Noynoy Aquino

23/06/2021

Laban kontra COVID 19 sa South Upi mas pinapalakas pa , No MOVEMENT SUNDAY pinag-aaralan na rin!

Pakinggan ang panayam ng Layag FM kay South Upi Mayor Reynalbert Insular matapos ang mga pagpupulong na nilahukan ng ibat-ibang sektor ng bayan

LOOK: Joint IATF , MPOC, MADAC , MDRRMC, LCAT-VAWC , PLEB Meeting isinagawa ng LGU South UpiPinangunahan mismo ni South ...
23/06/2021

LOOK: Joint IATF , MPOC, MADAC , MDRRMC, LCAT-VAWC , PLEB Meeting isinagawa ng LGU South Upi

Pinangunahan mismo ni South Upi Mayor Reynalbert Insular ang aktibidad na isinagawa sa Gym ngayong araw.

Kaliwat kanang mga concern ang inilahad ng ibat ibang sector at napag-usapan .

Kabilang na rito ang Health Efforts ng LGU kaugnay pa rin sa paglaban sa Covid 19, usaping Peace and Order mula sa Militar PNP at mga baranggay officials.

Inilahad rin sa pagpupulong ang ginagawang mga programa para sa paglaban sa illegal na droga.

Present rin ang mga opisyales mula GPH at M**F CCCH.

Pinasalamatan naman ni Mayor Insular ang suporta ng kanyang mga kababayan sa lahat ng kanilang mga adbokasiya at programa sa bayan.

Libong mga indibidwal nakiisa sa Unity Caravan sa BARMMNilahukan ng mga libo libong indibidwal ang isinagawang Unity Car...
23/06/2021

Libong mga indibidwal nakiisa sa Unity Caravan sa BARMM

Nilahukan ng mga libo libong indibidwal ang isinagawang Unity Caravan na nanawagan para sa BTA EXTENSION.

Kabilang sa mga dumalo ay mula Cotabato City , Maguindanao, North Cotabato at Lanao Del Sur.

Sakay ng motorsiklo at mga ibat ibang uri ng vehicles nag-ikot ang mga dumalo sa malawak na bahagi ng BARMM Region.

Umaasa ang mga ito na agad na mapapakinggan ni Presidente Rody Duterte ang kanilang hinaing ng pagpapalawig ng termino ng mga taga BTA.(D.A)

CcTO pics

LOOK: Roll out Vaccination sa DBS nagpapatuloyIsinagawa ang Vaccination ngayong araw sa mga Brgy. Nalkan at Tubuan sa Da...
22/06/2021

LOOK: Roll out Vaccination sa DBS nagpapatuloy

Isinagawa ang Vaccination ngayong araw sa mga Brgy. Nalkan at Tubuan sa Datu Blah Sinsuat Maguindanao

Pinangunahan ito ni Municipal Health Officer Dr. John Paul Valencia kasama ang buong pwersa ng RHU DBS.

Kabilang sa mga benificiaries ay mula category A1 at A3.

Kaugnay nito kabilang sa nagpaabot ng suporta sa kampanya ng Health Department si Former DBS Vice Mayor Mustapha na walang takot na nagpabakuna kontra covid 19.

Pinasalamatan naman ni Dr. Valencia ang buong LGU DBS at muling naging matagumpay ang kanilang aktibidad.

LOOK: Pinangunahan ni Sultan Kudarat Mayor Datu  Shameem B. Mastura ang pagtanggal sa mga nakabarang mga water hyacint s...
22/06/2021

LOOK: Pinangunahan ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem B. Mastura ang pagtanggal sa mga nakabarang mga water hyacint sa ilalim ng Delta Bridge 2 ng Brgy.Bulibod.

Ang pag-aksyon ng SK LGU ay matapos ang isinagawang IATF meeting kahapon para matugunan ang perwisyong maaring maidulot ng mga nagkumpulang water hyacinth.(D.A)

Pics AE

Utak sa pagpapasabog at pagsunog sa dalawang Bus sa North Cotabato arestado!Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang di uma...
21/06/2021

Utak sa pagpapasabog at pagsunog sa dalawang Bus sa North Cotabato arestado!

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang di umanoy utak at nasa likod ng pagpapasabog sa mga unit ng Yellow Bus Line (YBL) sa Tulunan, North Cotabato noong January 27, 2021, at pagsunog sa isa pang YBL bus sa M’Lang, North Cotabato noong June 3, 2021, na nagresulta sa kamatayan ng apat na sibilyan at pagkakasugat ng maraming iba pa.

Nakilala ang suspek na si Ali Akbar na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng 602nd Infantry Brigade , 90th Infantry Battalion katuwang ang 72nd Infantry Battalion, Kidapawan City Police Station, at 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company sa Purok 3, Barangay East Patadon, Kidapawan City ngayong June 21, 2021, alas singko ng madaling araw

Sa impormasyon mula kay Brig. Gen. Roberto Capulong, Commander ng 602nd Infantry Brigade, si Akbar ay isang experto sa paggawa ng bomba at ng improvised explosive device (IED) sinasabing isa rin itong extortionist at kabilang sa Dawlah Islamiya-Hassan Group.

Idinagdag pa ni BGen. Capulong na inaresto ang suspek base sa warrant of arrest habang nakumpiska mula sa suspek ang ilang sangkap sa paggawa ng IED at ISIS Flag. (D.A)

Kampilan Division Pics

Mga Residente ng Nalkan at Tubuan nakatakdang bakunahan ng Covid 19 VaccineNagpapatuloy pa rin ang ginagawang kampanya n...
21/06/2021

Mga Residente ng Nalkan at Tubuan nakatakdang bakunahan ng Covid 19 Vaccine

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang kampanya ng Rural Health Unit sa Datu Blah Sinsuat laban sa CoViD 19.

Bukas nakaschedule para sa gagawing vaccination ang mga Baranggay Tubuan at Nalkan.

Ayon kay DBS Municipal Health Officer Dr. John Paul Valencia, ang bakuna ang isa sa mga mahahalagang hakbang upang maiwasan ang pagkakaroon ng Covid -19 o mas mapalakas ang immune system kontra sa nasabing karamdaman.

Kaugnay nito hinihikayat ni Dr. Valencia ang taga DBS na makiisa sa kampanya ng pamahalaan.

Pinasasalamatan naman ni Dr. Valencia ang suportang ipinapaabot sa kanila ng LGU DBS sa pangunguna ni Mayor Marshall Sinsuat.(Roy Holgado/D.A)

File Pic

21/06/2021

TUDTULAN SAGUNA

JUNE 21, 2021

Sa ulo na mga tudtulan:

1. Kaso na COVID-19 sa langun na dalepa patuloy i kabegkapulo apia beg roll out den sa bakuna.

2. DBS LGU mimbalingan den sa operasyon.

3. Electrian minatay mapasad makoryente.

4. Dwa kataw a mama arestado sa checkpoint sabap sa kena lisensyado a timbak.

5. Mga CSO sa Mindanao patuloy i kabananawag sa BTA Extension.

6. Telu kataw a tagapeda nu BIFF minatay sa engkwentro sa Shariff Saydona Mustapha.

Transaksyon sa LGU DBS balik na sa normal!Balik na sa normal ang operasyon ng DBS-LGU matapos ang dalawang linggong susp...
21/06/2021

Transaksyon sa LGU DBS balik na sa normal!

Balik na sa normal ang operasyon ng DBS-LGU matapos ang dalawang linggong suspension ng operasyon nito dulot ng CoVid 19.

Lumabas sa isinagawang RT-PCR test ng IPHO Maguindanao na negatibo ang mga empleyado na pinaniniwalang naging direct-contact ng dalawang empleyado na kumpirmadong nagpositibo sa naturang sakit.

Sinasabi rin sa isinagawang monitoring ng Municipal IATF ng Datu Blah Sinsuat na gumaling ang dalawang empleyadong ito.

Naging maayos ang pamamalagi ng mga sumailalim sa 14 day-quarantine mula sa mga tulong na ipinaabot ng PDRRMO ng Maguindanao.

Sa kabila nito, mas pinaiigting pa rin ng Municipal IATF ng DBS ang minimum health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask, faceshield, at pagpapairal ng physical at social distancing.

Lagi pa ring pinapaalala ng DBS-LGU sa pangunguna ni Mayor Datu Marshall Sinsuat na lakipan ng taimtim na panalangin ang pagsunod sa minimum health protocol, at ibayong pag-iingat.

Kaugnay nito ngayong umaga ay pinangunahan ni Vice Mayor Raida Tomawis Sinsuat ang regular session ng mga myembro ng Sangguniang Bayan.

6 katao arestado sa operasyon ng PDEA sa Sultan Kudarat MaguindanaoIsinagawa ang buybust operation resulta ng pagkakadis...
19/06/2021

6 katao arestado sa operasyon ng PDEA sa Sultan Kudarat Maguindanao

Isinagawa ang buybust operation resulta ng pagkakadiskubre ng isang drug den sa Purok Warda, Brgy Katuli, Sultan Kudarat, Maguindano 1:30 ng hapon ng June 18, 2021

Katuwang ng PDEA BARMM ang Sultan Kudarat MPS, PNP Maguindanao Maritime Police Station, at PIU- MAG PPO.

Nakilala ang mga naaresto na sina Mariam Acob Buyok alias Mer/Yam/Mariam, 46 years old, ; Columbos Buyok Enggo alias Toks, 58 years old, married; Mustapha Arnan Enggo alias Tang, 65 years old, married; Albazar Tadlas Enggo alias Bazar, 18 years old, Monser Manibpel Karim alias Monser, 37 years old, at Pipo Bra Buyok alias Pong, 42 years old.

Nakumpiska sa mga ito ang labing isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na may timbang na w MOL 20 gramo at may market value na (Php 136,000.00) pesos, buy-bust money, various drug paraphernalia, (1) unit Samsung Analog Cellular phone, one (1) piece improvised knife .

Kasalukuyang himas rehas na ang mga suspek.

Ngayong 4 PM, Hunyo 19, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,959 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantal...
19/06/2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 19, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,959 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,407 na gumaling at 153 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (59,439) ang aktibong kaso, 93.9% (1,270,243) na ang gumaling, at 1.74% (23,538) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 17, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 3.5% sa lahat ng samples na naitest at 3.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

3 Patay 5 Sugatan sa insidente ng pamamaril sa Edcor Buldon Maguindanao Pasado alas 7 kagabi ng umalingawngaw ang putok ...
18/06/2021

3 Patay 5 Sugatan sa insidente ng pamamaril sa Edcor Buldon Maguindanao

Pasado alas 7 kagabi ng umalingawngaw ang putok ng baril sa Brgy Edcor Buldon.

Sa initial information, sinasabing dead on the spot ang 2 indibidwal habang dead on arrival sa ospital ang isa pang lalaki. 5 ang wounded kabilang na ang isang buntis at menor de edad.

Masayang nagbivideo -k ang mga biktima ng pagbabarilin ng di na identify na salarin. Narekober sa area ang mga basyo ng M16 sa impormasyon mula kay ABC Rufo Capada.

Nagpapatuloy pa ang pagkalap ng impormasyon sa mga identities ng mga nasawing biktima.Sinasabing ang mga ito ay residente ng Brgy.Kuya South Upi at pansamantalang naninirahan sa Edcor dagdag ni ABC Capada.

Agad namang tinungo ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang crime scene kagabi habang agad ring nabigay ng direktiba sa agarang pagkakahuli at pagkakaresolba ng kaso sa mga elemento ng PNP.

Ikinalungkot din ng alkalde ang nangyari at nakikiramay sa pamilya ng mga naulila.

JV Pics

Mga KALAYAG sa DBS, ipinapaalam ng MAGELCO na mawawalan ng Suplay ng Kuryente ang buong bayan mula 9 ng umaga hanggang 4...
18/06/2021

Mga KALAYAG sa DBS, ipinapaalam ng MAGELCO na mawawalan ng Suplay ng Kuryente ang buong bayan mula 9 ng umaga hanggang 4 ng hapon bukas June 19.

https://www.facebook.com/103600791063960/posts/505710100853025/

MAGELCO POWER INTERRUPTION

When: Saturday, 19 June 2021; 9 AM to 4 PM

Affected Areas: Datu Blah Sinsuat, Maguindanao

WHY? Payouting of new lines with 2/0 wire

Please bear with us for the inconvenience.
Thank you. Have a blessed Friday!

18/06/2021

TAMPISAW
JUNE 18, 2021

17/06/2021

LAYAG NEWSCAST
JUNE 17, 2021

HEADLINES

1. Mahigit apat na libong bagong gumaling sa CoViD 19 naitala ng DOH

2. Estado ng CoViD 19 Facilities sa BARMM, nanatiling moderate to low risk

3. Former Mayor ng Talitay, naaresto, nanlaban, patay
4. Sundalo, inaresto matapos manggahasa ng menor de edad sa sariling kampo sa Tacurong City

5. Limang tao, arestado sa illegal na droga sa DOS

6. 3.4 million halaga ng shabu, nasamsam ng PDEA sa Talayan

Ngayong 4 PM, Hunyo 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,637 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantal...
17/06/2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,637 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,585 na gumaling at 155 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (58,407) ang aktibong kaso, 93.9% (1,257,774) na ang gumaling, at 1.74% (23,276) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 15, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.66% sa lahat ng samples na naitest at 1.14% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

PNP Chief kinumperma ang pagkakapatay ni Former Talitay Mayor Montaser SabalSinasabing madaling araw kanina ng bawian ng...
17/06/2021

PNP Chief kinumperma ang pagkakapatay ni Former Talitay Mayor Montaser Sabal

Sinasabing madaling araw kanina ng bawian ng buhay si Sabal matapos mang agaw ng baril sa arresting Team ng CIDG .

Ibinabyahe si Sabal pa Maynila matapos mahuli kagabi sa Batanggas Port.

Kabilang sa mga narekober ay mga baril at pera bukod pa 400 kilo ng shabu.

Matatandaang nagbitiw noong nakaraang buwan ng Marso si Mayor Sabal bilang alkalde ng Talitay.

Matagal na rin itong nagtatago sa batas dahil sa patong patong na mga kaso.

Nauna na ring nasawi ang kapatid nitong si Mayor Allan Sabal matapos mabaril sa Malate Area.

Isinasangkot ang Sabal Brothers sa Illegal Drugs at pagkakanlong sa mga Private Armed Group.

Samantala naaresto naman ang kasama ni Sabal na sina Noraida Nandang, Mohalidin Mokaram, Aika De Asis, Aileen Compania, Soharto Monico at Wilson Santos.

3.4 Milyong Peso na halaga ng Shabu nakumpiska ng PDEA sa TalayanTinatayang nasa kalahating kilo ng shabu ang nasamsam s...
16/06/2021

3.4 Milyong Peso na halaga ng Shabu nakumpiska ng PDEA sa Talayan

Tinatayang nasa kalahating kilo ng shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA BARMM sa isang gas station sa bayan ng Talayan sa Maguindanao.

Katuwang ng PDEA BARMM ang PDEG, 2nd Mechanized Battalion,1st Mechanized Battalion, Philippine Army, Talayan MPS , Police Drug Enforcement Unit-Maguindanao PPO, PIU at Datu Anggal MPS sa naturang operasyon.
Kinilala sa report ang suspek na si Santokan Mantikayan alias Sunny Boy. Sinasabi sa report ng PDEA BARMM na napagbentahan nito ang isang agent na nagkunwaring bibili.

Samantala sa di malamang dahilan nagawang takasan ng suspek ang mga otoridad nang matunugan nito ang pag-aaresto .

Narecover ng otoridad mula sa operasyon ang pitong pakete ng shabu na may bigat na limang daang gramo o kalahating kilo at nagkakahalaga ito ng 3,400 ,000 pesos.

Naiwan rin ng suspek ang sinasakyan nitong Honda Click125i at nabawi ang buy-bust money.

Ngayong 4 PM, Hunyo 16, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,414 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantal...
16/06/2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 16, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,414 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,637 na gumaling at 158 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.2% (56,170) ang aktibong kaso, 94.1% (1,253,541) na ang gumaling, at 1.73% (23,121) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 14, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 3.9% sa lahat ng samples na naitest at 3.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

5 drug suspeks arestado sa Datu Odin SinsuatPinangunahan ng mga elemento ng  Philippine Drug Enforcement Agency BARMM an...
15/06/2021

5 drug suspeks arestado sa Datu Odin Sinsuat

Pinangunahan ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang pagkakadiskobre ng isang drug den bukod pa sa pagkakaaresto ng 5 drug suspects sa buy-bust operation sa Barangay Pinguiaman, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao alas 4 ng hapon.

Katuwang ng PDEA ang Alpha Company ng 6th Infantry Battalion, 2nd Mechanized Battalion at DOS MPS.

Kinilala ni RD Juvenal Azurin ang mga naaresto na sina Michael Ala Hamiron alias DatuKadali Ala alias Teng alias Robot, 40 years old, Normia Camsa Ala Salazar alias Sofia, 39 years old, Anton Vasquez Abo alias Anton, 32 years old, Thobie Mastura Sultan Guiambangan alias Thobie, 37 years old, at Jomar Andong Liwa alias Baron.

Nakumpiska sa operasyon ang 9 na sachet ng shabu na may timbang na 21 grams at may market value na Php 142,800.00) pesos, buy-bust money, various drug paraphernalia, one (1) black IPHONE cellphone w (1) Postal ID, one (1) unit black Starmobile analog cellphone, one (1) unit blue Oppo Cellphone,

Kasong paglabag sa RA 9165 ang inihahanda laban sa mga naaresto

MOH BARMM, namahagi muli ng Medical EquipmentsIbinahagi ng Ministry of Health (MOH BARMM) ang ibat ibang medical equipme...
15/06/2021

MOH BARMM, namahagi muli ng Medical Equipments

Ibinahagi ng Ministry of Health (MOH BARMM) ang ibat ibang medical equipment at supply sa Maguindanao Provincial Hospital at Cotabato Sanitarium Hospital.

Tinanggap ng mga naturang ospital ang 40 units ng Oxygen with regulator , 15 units ng oxygen para sa mga ambulansya, 4,000 pieces ng nasal canula, at 4000 non breather mask sa pamamagitan ng isinagawang turn-over ceremony ng Ministry of Health.

Sinasabi sa report na ang mga naturang supply ay bahagi ng pondo ng Regional Government para sa bawat pagamutan sa rehiyon upang matugunan ang bawat pangangailangan ng mga ito laban sa COVID-19. (Roy Holgado)

ctto pics

Ngayong 4 PM, Hunyo 15, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,389 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantal...
15/06/2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 15, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,389 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,667 na gumaling at 118 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (58,063) ang aktibong kaso, 93.9% (1,246,405) na ang gumaling, at 1.73% (22,963) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 13, 2021 habang mayroong 16 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 16 labs na ito ay humigit kumulang 5.5% sa lahat ng samples na naitest at 7.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

Ilang BTA Member humarap at nagbigay ng updates sa MEDIA matapos ang pagbubukas ng 3rd Regular SessionKabilang sa highli...
15/06/2021

Ilang BTA Member humarap at nagbigay ng updates sa MEDIA matapos ang pagbubukas ng 3rd Regular Session

Kabilang sa highlight sa Presscon ang ilang naipasasang CODE at mga pinagsisikapang CODE kabilang na ang Electoral Code sa BARMM

Tampok rin ang usaping BTA EXTENSION .

Kabilang sa mga humarap sa Media sina BTA MP Atty Jo Lorena at MP Atty Omar Sema

Drug suspects, arestado sa buy bust operation ng otoridad sa SuluPitong drug suspek ang nahuli sa isinagawang buy bust o...
15/06/2021

Drug suspects, arestado sa buy bust operation ng otoridad sa Sulu

Pitong drug suspek ang nahuli sa isinagawang buy bust operation ng pinagsamang pwersa ng PRO BAR at PDEA BARMM ang isang sa Sitio Globe-Tanjung, Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.

Kinilala sa report ng kapulisan ang mga suspek na sina Sai Jomar Jalil, Alnaser Abduhadi, Jimmy Jalil, Nasser Usman, Alfaisal Misari, Narjimar Alimudin at Den Saudi Abdulajan. Sinasabi sa report na nasamsam sa kanila ang 12 grams ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 81,600 pesos.

Nakapiit na sa Indanan MPS ang mga suspek at inaasahang mahaharap sa ang kasong paglabag sa R.A 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Patunay ito ayon sa PRO BAR at PDEA na mas pinaiigting nila ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga. (Roy Holgado)

ctto pics

Ugnayan ng MAFAR BARMM at ng fish business owners, pinalalakasApatnapu’t-limang negosyante ng isda  ang naging panauhin ...
15/06/2021

Ugnayan ng MAFAR BARMM at ng fish business owners, pinalalakas

Apatnapu’t-limang negosyante ng isda ang naging panauhin ng MAFAR BARMM sa kanilang isinagawang orientation-training ukol sa patakaran ng pagkuha ng Local Transpot Permit.

Pinangunahan nina Ms. Irun Abdulwahid-Mualil at Mr Ramon Utoh-Amboh ng Ministry of agriculture, Fisheries and Agrarian reform at ilang mahahalagang opisyal ng Tawi Tawi Provincial MAFAR ang naturang orientation training sa MAFAR Bongao, Tawi Tawi.

Layunin ng tanggapan na ipabatid sa mga negosyante ng isda ang mga bagong pamamaraan at patakaran, kabilang ang bayarin sa pagkuha ng local permit.

Naging laman rin ng orientation-training ang tamang pamamaraan ng pagbyahe ng kanilang mga binibenta batay sa mga regulasyon at naayong dokumentasyon.

Nagpapahayag ng pasasalamat ang MAFAR BARMM sa mga dumalo, at nagpahayag din ng pasasalamat ang mga dumalo para sa karagdagaang kaalaman ukol sa pagnenegosyo ng isda. (Roy Holgado)

ctto pics

Cotabato City nakapagtala ng 317 Active Cases ng COVID 19, RH 11 pinakamaraming aktibong kaso
15/06/2021

Cotabato City nakapagtala ng 317 Active Cases ng COVID 19, RH 11 pinakamaraming aktibong kaso

Koronadal City may pinakamaraming active cases ng COVID 19 sa SOCSARGEN
15/06/2021

Koronadal City may pinakamaraming active cases ng COVID 19 sa SOCSARGEN

71 bagong kaso ng Corona Virus Disease naitala sa BARMM, active cases abot na sa 863
15/06/2021

71 bagong kaso ng Corona Virus Disease naitala sa BARMM, active cases abot na sa 863

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TORCH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share