29/05/2020
Dear DEPED,
Hindi ko po talaga maintindihan bakit kating kati kayo magsimula ang school year ngayong August 24. Pilit kayo ng pilit ng distance learning eh.
- Unang una, nuknukan ng bagal ang internet dito sa bansa natin. Hindi tayo Australia, hindi tayo Japan, hindi tayo America. Mahirap po intindihin yung utal utal at ngongong teacher dahil sa connection problems. 😂
- Pangalawa, hindi lahat may kakayanan bumili ng mga gadgets at magbayad ng extra para sa internet.
- Pangatlo, hindi lahat ng existing gadgets na pag aari ng mga students o parents ay updated at siguradong kakayanin ang app o ang software na ipo-provide nyo.
- Pang-apat, ang daming magulang ang nawalan ng trabaho at hindi nakapag-trabaho dahil nga sa ECQ, malamang nagamit nila yung mga naitabing pera para sana sa pagaaral ng mga anak nila at napunta ito para sa pangtustos ng araw araw nilang gastusin.
- Panglima, balak nyo humungi ng asistance sa LGUs, naku naman DepEd, ayuda nga galing sa gobyerno hindi nila na-manage ng maayos eh. Asa pa kayo. (SAP is waving to LGUs)
- Panganim, buong curriculum po ang pinaguusapan natin at hindi tutorial lang. Ni hindi nyo nga mailatag ng maayos ang plano nyo sa mga magulang eh.
Hindi ko na isasama yung face to face classes kasi maraming magulang ang hindi papayag for sure. Di ba po noon nyo pa gusto iurong ng September ang classes dahil sa bagyo at baka magkasakit ika nyo ang mga bata at maraming araw ang nawawala dahil sa class suspensions. Ito na yung chance, bakit di nyo iurong muna ng todo? Sagad nyo na.
Bakit hindi po muna nyo!!!
- pagtuunan at siguraduhin malakas at maayos ang internet connections ng iba't ibang lugar. (Hello sa Smart, Globe, PLDT at Converge) Ito po ang isa sa pundasyon kung distance learning ang paguusapan.
- Bigyan ng sapat na oras ang mga magulang makabangon ulit. (Kahit ilang buwan lang. Wag naman August) Para may pambili naman kami ng mga bagong gadgets.
- Planuhin ng mabuti ang mga magiging hakbang at mga diskarte na pwedeng gawin ng mga schools/teachers/parents. Sa ngayon kasi ramdam ko ang hindi kahandaan ng sinuman sa mga nabanggit. Wag po sana madaliin, (may naghihintay po bang taxi sa inyo sa baba at madaling madali kayo?🤪)
Aminin nyo man sa hindi, hindi sapat ang oras para makapaghanda ang lahat. Pandemic po ang nararanasan natin kaya walang income ang mga magulang hindi kami nagbakasyon grande.
Ang mga nakasagot ng surveys nyo ay ang mga magulang na may internet kaya mataas po ang porsyento na nakuha nyo about sa gadgets at internet availabilities ng mga tao. (Kailangan pa ba talaga namin i-explain yun?)
Habang pinaplantsa nyo ang plano nyo, may enough time din tayo lahat makapaghintay sa vaccine.
Wag nyo po sana lalong iparamdam sa mga magulang at estudyante ang agwat ng mga pamumuhay ng mga may kaya at sa mga ordinaryong mamamayan.
Ito po'y opinions at suggestions ko lang, bilang isang Ina,bilang isang mamamayan. Hindi po ako nagmamarunong. Naisip ko lang naman po. Stay safe everyone.
🙏🙏🙏