27/01/2024
'YOU'RE MORE THAN A BILLIONAIRE KAPAG SOBRA MONG SAYA SA KUNG ANONG MERON KA'
Iyan ang ibinahagi ng TV personality na si Toni Gonzaga matapos siyang tanungin ng vlogger na si Viy Cortez kung siya ba ay bilyonaryo na.
"Ikaw ba ay bilyonaryo na?" tanong ni Viy.
"Dati ina-aspire ko maging bilyonaryo in terms of wealth. E kasi iba definition ko ng bilyonaryo e pero nung nagkaroon ako ng Polly, sabi ko, 'ah eto pala yung pakiramdam ng isang bilyonaryo.' You have everything, you're more than a billionaire kapag sobra mong saya sa kung anong meron ka," sagot ni Toni.
"Pero alam mo, Miss Toni, totoo yan. Mas masaya ako ngayon kesa dati na... hindi naman ako mayaman pero may pera, nagagawa ko lahat ng gusto ko, nabibili ko. Mas masaya ako nung nagka-baby. Mas iba yung saya niya," saad naman ni Viy.
"Parang bilyonaryo ka na, bilyonaryo ka in terms of, 'pag tinanong ka nga e, 'are you rich?' Yes, I'm rich in love. I'm rich in happiness. I'm rich in joy. I'm rich in peace. Yun na yung meaning and definition sa akin ng rich. Bilyonaryo ka na dahil napangasawa mo si CongTV, hindi dahil sa pera pero yung bait, pagmamahal, malasakit niya sa 'yo kung paano ka niya tratuhin. So kung masaya ka talaga sa buhay mo, daig mo pa ang isang bilyonaryo, 'di ba?" wika naman ni Toni. (YouTube/Viy Cortez)