23/07/2020
POETRY Candidate #5
-
"KUNG SA UNA LANG PALA"
-
Written by: Kaye Lopez
-
Naglakbay tayo sa kawalan
Hawak kamay na tinunton ang dulo ng walang hanggan
Kasabay ng pagbigkas mo ng salitang mahal kita
Ay ang kilig na aking nadarama
Sabi mo,di ko na kailangang lumuha pa
O kahit maghanap man ng iba
Dahil nandyan ka na
Naniwala ako sa hiwaga ng pag-ibig
Ngunit,
Bakit ngayo'y ika'y biglang nanlamig
Akala ko ba hindi mo ko lilisanin
Hindi ka maglalakbay mag-isa
Hindi ka magbabago bigla
Pero tila ika'y nawalan na ng gana
Ang ningning sayong mata'y di ko na makita pa
Nakalimutan mo na ba?
Nangako ka pero bakit di mo na maalala pa
Ang labang sabay nating sinimulan ay tinapos mo na
Kung sa una lang parating masaya
Sana'y di ko na nilipat pa ang mga pahina
Kung sa una lang nagiging mahalaga
Sana'y di ko sinanay ang sarili kong kasama ka
Ikaw,
Kung bigla ka nyang binitawan,
Handa ka na bang magpaalam?
-
Voting Starts now until July 30
(No Auto Likes, Disqualify)
Only "Sad" React is Counted
You can mention your Friends